"MARGA, umalis na yung natitirang employees dahil wala na daw silang sinasahod."saad ni Dia.Napa tingin naman ako sa kaniya ng walang emosyon.
"Wait, Marga… I think sobra ka na sa stress. You should rest naman."saad pa nito.
Ewan ko, pero bigla akong nagalit sa sinabi niya at umalis na ako sa pagkakaupo.
"I'm not stress, umalis kana kung wala kang maayos na sasabihin. Papasok pa ako ng trabaho!"sigaw ko rito at halatang nagulat siya pero wala akong pake.
"Pero wala naman akong sinab—"
"Wala kang sinabing mali. Edi umalis ka rito."galit kong saad.
Hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko.
Napayuko na lang siya.
Kinuha niya yung mga gamiti niya bago lumabas ng condo ko. Wala siyang karapatan pagsabihan ako. She even don't care.
Napasabunot ako sa sarili nang sumakit ang ulo ko.
Hawak-hawak ko ang dib-dib ng bumilis ang pagtibok nito at sabay ang paghabol ko ng hininga.
Dali akong tumakbo sa CR dahil andoon ang gamot ko. Pagkarating ko doon ay dali kong kinuha ang lalagyanan ng gamot at binuksan ito. Nangangatal ang mga kamay at namamawis ito.
Tagumpay kong nabuksan ang lalagyanan ng gamot at kumuha ng tatlong tableta at nilunok ito. Napatitig ako sa salamin ng ilang minuto ay kumalma na kunti ang sarili at bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ko. Nawala rin ang pag sakit ng aking ulo.
Pumunta ako sa loob ng shower at binuksan ito. Dumanpi sa akin ang malamig na tubig at hindi alam na dahilan ay muli akong umiyak. Agad akong nagligo ng tumigil sa pagiyak dahil papasok pa ako sa trabaho.
Kahit ayaw ko siyang makita kailangan ko tiisin dahil sa company ni Dad lalo pa kung umalis ang ibang employees. Akala ko rito lang sa pilipinas na apektuhan ang company pati pala sa ibang bansa ay nagrereklamo na rin. Kilala sa world Asia business ang Dad ko na maraming natulungan pero iba talaga ang pangalan ng mga Demon doon, naghahari kahit sa Europe.
"MS. MEDIAN where is the file—?"
"Ha?"
Ani ko ng matauhan. Kinakausap pala ako ni Sir at napa tingin sa paligid, tapos na pala ang meeting hindi ko lang man namalayan.
Dumako ang tingin ko kay sir ngayon na nakakunot ang noo.
"Ahh, yung file nasa desk ko Sir."ngayon ko lang na pagtanto.
Tumayo ito at inayos ang butones.
"Just put in my table."ani nito.
Bago lumabas siya ng meeting room iniwan lang ako rito. Maya-maya pagkatapos ko ayusin lahat ng upuan dito ay pinatay ko na ang ilaw tsaka lumabas.
Maaga pala ako pumasok at may maaga rin palang emergency meeting si Sir, ako muna yung pinasama niya dahil si Cherie ay male late because of traffic.
Tahimik akong naglakad mag-isa rito sa hallway nang makarinig ako mula sa likod ng yapak na papalapit sa akin dali akong tumingin sa likod ngunit ako lang naman ang mag-isang naglalakad dito.
Bumalik ang tingin ko sa dinadaanan ko at narinig ko na naman ang yapak sa likod ko.
Binilisan ko ang paglalakad ko at hindi na tumingin sa likod pa. Narinig ko naman ang pagbilis ng mga yapak dito pero kalaunan ay nawala rin. Huminto ako nang naramdaman kong may nasa likuran ko kaya dahan-dahan lang akong tumingin sa likod ko ngunit wala naman akong nakita. Ibabalik ko sana ang tingin ko sa harap nang,
"Ms.Median."nakangising ani ng isang lalaki, tsaka sa akin nahulog yung mga dala ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng takpan niya ang bibig ko at pilit kong mang pumiglas ay talagang malakas siya. Kinagat ko ang kamay niya at nang makaalis sa bisig nito ay agad akong tumakbo papunta sa elevator para bumaba.
Nasa floor 29 ang office ni Sir at nasa 32 ako ngayon.
Sino siya?
Dali kong pinindot pasarado ang elevator at nakita ko siyang patakbo pumunta rito buti tuluyan nag sarado ang elevator. Napawahak ako sa dib-dib ko sa paghabol ko saking hininga.
Iniisip kung sino iyon kailangan ko ng tulong.
Pinindot ko ang floor 29 at hihingi sana ako ng tulong kaso yung cellphone ko naalala kong kasama sa nahulog.
Si Dia dapat yung tatawagan ko ehh. Naiinis ako rito sa company niya, wala bang mga security rito na bantay.
Ligtas ako sa labas tapos sa company niya lang ako mapapahamak.
Tumunog ang elevator hudyat na magbubukas ang pinto nito, ngunit napa tingin ako kung anong floor ito. 30.
Agad akong pumunta sa sulok malapit sa bottom para daling isarado ang pinto. Bumukas ito ngunit walang tao sumalubong kaya naman nakampante ko at pinindot ang bottom para isarado na ang pinto. At agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang may kamay na nakaharang rito at yung lalaking iyon na humahabol sa akin mabilis ko siyang sinipa palabas ng elevator ngunit nailagan niya ito.
Humakbang palapit ito sa akin at nakita ko na lang nagsarado na ang elevator. Bali kaming dalawa lang ang nandito. Patay ako.
Napatingin ako sa taas ng elevator dahil alam kong labasan iyon. Nakita ro’n kaya tigtig rin yung lalaki doon agad bumalik ang tingin niya sa akin ngunit nakakunot na ang noo nito.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Sino ka ha? Ikaw ba yung laging sumusunod sa akin?"lakas loob kong magtanong, kahit kinakabahan na kung anong gawin niya sa akin.
“Hindi ako yung mga iyon, patay na sila. Dahil hindi ka nakuha ngayon alam mo na iba ako sa kanila."bigla itong ngumisi sa akin, naguguluhan ako.
Ibigsabihin may nag-uutos.
"At kung lalaban ka pa. Hmp… masasaktan talaga kita."pagtuloy niya sa sinasabi.
"Sino nag utos sa inyo?"tanong ko, ngunit umiling lang ito tsaka ngumiti.
"Hindi ako bobo Ms. Median para sabihin iyon kaya sasama ka sa akin."ani nito, bago may kinuha sa bulsa niya at bimpo iyon.
Marahas niya akong hinila palapit sa kaniya at tinakpan ang bibig ko gamit ang bimpo. May something akong na amoy sa bimbo at alam kong may pampatulog iyon. Nakahawak naman ang isa niyang kamay sa likod ko habang hawak ang dalawang kamay ko. Nakakaramdam ako ng antok at ipinipikit-pikit ang mga mata.
Sapag- bukas ng elevator ay nakarinig ako ng putok ng baril. Sigurado akong baril iyon at napa tingin sa pinto ng elevator na may naaninag akong lalaki na may hawak na baril papalapit sa akin. At ang lalaking nasa likod ko ay nasa lapag na siya at may dugo.
Pilit inimumulat ang mga mata ko ngunit tuluyan dumilim ang paligid ko. Naramdaman ko ang malamig na lapag.
=_=
BINABASA MO ANG
Remember You Forget Me
General FictionReminisce #1 Complete He become my boss. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Editing start: January 20, 2024 Editing end: March 2, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021