CHAPTER 19Third person POV
GABI nang makarating sila sa manila ngunit naisipan niyang inihatid si Marga sa kaniyang condo.
Nasa harap na ng Medilan condominium building ang kotse ni Ahzi. Hahimbing ang tulog ng mga bata sa likod at gano’n din si Marga na katabi ni Ahzi sa front seat. Nakasandal pa ito sa balikat ng binata.
Nakatitig lang si Ahzi sa mukha ng dalaga at hinawi ang naligaw na hibla ng buhok sa mukha nito. Nanatili ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga.
Maganda pala siya; yung mga mata niya, mapupula yung labi na masarap halikan— Natauhan ang binata sa pinag-iisip niya.
Fvck, what happen to me? Pagkausap sa sarili ng binata.
Ikinalma niya ang sarili bago hawakan sa balikat ito upang gisingin at,
"Marga, Marga we're here.”a soft voice from her beside.
"Hmm…"ungol nito at inalis nito ang pagka sandal sa balikat ni Ahzi nang mamalayan niya kung ano ang katayuan niya ngayon.
Kinusot-kusot naman nito ang mata at tumingin sa paligid.
"Na saan na tayo?"tanong ni Marga sabay hikab.
"Nasa harap na tayo ng condo mo."simagot nito ang tanong at nanlaki ang kaniyang mga mata.
Binuksan nito ang bag na nasa ibabaw ng kaniyang mga hita at kinuha ang cellphone niya. Ngayon lang niya napagtanto nang tumingin ito sa paligid upang siguraduhin.
Tumaas naman ang kilay ni Ahzi.
"Gabi na pala."wala sa sariling Saad ni Marga.
Bakit hindi ko namalayan? Paninisi niya sa sarili.
Kaya ko ‘to. Humarap ako sa kaniya,
"Ahh, salamat sa paghatid. Paalam mo na ang ako sa mga bata. Ingat sa inyo, Sir."
Maluwag naman ang paghinga ni Marga nang matuwid niyang sinabi iyon.
Mabilis na bumaba ng kotse ito matapos ay dahan-dahan nagbukas ang bintana kung saan pinto ang binabaan nito.
Nagmadali naman naglakad papasok ng condominium building ito at pumunta na ng elevator, at sa pagbulas ng pinto nito, ay ayun din naman ang pag-andar ng kotse ng lalaki paalis sa harap ng condominium.
Bumukas na ang pinto ng elevator at may mga tao sa loob nito. Tatlo sila yung, isa ay naka-upo sa wheel chair at yung isa naman ang may hawak nito tsaka may isa pa ay mukhang kasama lang nila.
Sumakay na ang dalaga at pinindot na ang floor kung saan yung condo niya. Napa baba ang tingin naman ang dalaga sa cellphone niya nang tumunog ito dahil may tumatawag.
"Hello! Marga, asan ka?"ang kaibigan niyang si Dia ito.
Simagot ito ng dalaga, "Andito—”hindi natuloy ang sasabihin nito nang may humarang na bimpo sa kaniyang bibig.
“Ahh—hhmm—Ahh—hmmpp!!!"pigil ang mga sigaw nito, kahit pumapalag ay sadyang malakas ang dalawang lalaking hawak-hawak siya ngayon.
"Hello! Marga? Marga!!!"sigaw ng kaibigan nito na nasa kabilang linya.
Nasa lapag pareho ang cellphone at bag niya. Hindi niya sinasadyang mabitawan ito.
"Hhmpp!"pilit na sigaw ni Marga subalit ay wala itong silbi dahil sa takip na bimpo sa kaniyang bibig.
Naramdaman na lang din niya na ang kaniyang dalawang kamay ay hawak-hawak ng isang lalaki at Plano pa itong itali.
"Marga, Asan ka?! Marga!"malakas na sigaw ng kaibigan nito.
Pilit naman siyang pumalag pero bumigat ang talukap nito. Tinangal naman na nila ang takip nito sa bimpo ng malaman ng dahan-dahan nang umaapekto ang gamit na nasa bimpo na pinaamoy sa dalaga.
"Marga! Asan ka?!"nangagaliit na sigaw ng kaibigan nito.
"C-condo…"pagsagot ni Marga ngunit bulong lang iyon.
Nagbabasakali lamang siya ay narinig ng kaibigan.
"Sino kayo saan ninyo dadalhin si Marga—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ng nasa kabilang linya nang tinapakan ang cellphone ni Marga ng Isa sa mga lalaki dahilan para masira ito.
Tuluyan ng nawalan ng malay ito. Binuhat nila ang dalaga at inilagay sa wheel chair ito. Inayos naman nila ang sarili at kinuha ang cellphone ni Marga, inilagay sa bag. At umalis sila na parang walang nangyari.
Bumukas na ang elevator at nasa ground floor pa rin sila, sa may parking lot. Itinulak na palabas nila ang wheel chair kung na saan si Marga na walang malay, maya-maya may pumarada sa kanila na itim na Van tapos sumakay lahat sila roon.
Ngunit iniwan nila ang wheel chair at bag ni Marga sa mismong Lugar kung saan sila sumakay bago umandar na ang Van paalis.
SA kabalang banda naman ay may tinawagan ang kaibigan niyang si Dia ng maputol ang tawag niya kay Marga at ito ay ang ama nito na gising na.
"Na saan na si Marga?"bungad na tanong ng Ama.
Hindi i naman makapakali si Dia kung paano sasabihin, miski hindi alam kung anong nanyari rito.
"T-tinawagan ko na po siya Sir… ka-kaso po,"pautal-utal na saad nito.
Alam niyang malalagot siya rito dahil siya ang dapat Kasama ni Marga sa bawat oras.
"Kaso?"pag-uulit nito at halata sa boses ang pagtataka.
"Kaso po tumitili siya, at ewan ko kung anong nanyari? Pero nakakasigurado akong may kumidnap kay Marga…"nanginginig at napangiwi na sagot nito.
"Saan???"pagsigaw nito.
Mabilis na inalayo sa kaniyang tainga ang cellphone.
"May sinabi lang siyang lugar nasa condo po siya, Doon siya na kidnap."sagot naman ni Dia bago namatay ang tawag.
Napapikit naman ng madiin ito at umupo na. Gulong-gulo ang isip ng kaibigan nito.
AGAD pinatay ng ama ni Marga ang tawag dahil may naisip itong mas makakatulong sa kaniya upang Malaman kung nasaan ang anak niya.
Nag ring ito, ngunit wala pang sumasagot at sa ikalawang pagtawag niya ay binungad niya ito ng isang galit na sigaw.
"Bakit ang tagal mong sagutin? Kinidnap si Marga, find her?!"sigaw ng ama ni Marga sa kausap at lalong nagalit ito sa kalmadong sagot na narinig.
"Relax Mr. Median nasaaan siya ng makidnap?"malamig at walang emosyon na boses ang sumagot.
"Nasa condo niya siya ng makidnap, hanapin mo agad siya."lumabas ang mga ugat sa leeg nito na hudyat nang kaniyang pagpipigil.
"Okay i will find her. Whoever takes her, I will kill."mula sa kalmadong boses nito ay parang demonyo naman siya sa sinabi nya.
"Siguraduhin mo, at tawagan mo ako pag nalaman ninyo kung nasaan ang anak ko."saad ng matanda at binaba ang tawag.
Aasa akong maliligtas ninyo ang anak ko dahil alam kong higit na magaling ka sa lahat, Astray. Saad ng matanda sa kaniyang isip at napahiga ito sa kama.
Nasa hospital pa rin ito dahil hindi pa naman masiyadong magaling. Ipinikit niya ang mga mata niya ng bumukas ang pintuan ng kuwarto niya at may pumasok na Nurse at Doctor.
Nagulat ang matanda ng maramdaman niya ang pagturok sa kaniya at napamulat na lang siya sa boses na narinig.
"Good night Mr. Median."matinis na boses ng isang babae bago mawalan ng malay ang matanda.
Inilagay naman ito sa wheel chair bago dalhin sa parking lot at isinakay sa itim na Van kung saan din isinakay si Marga.
乁( •_• )ㄏ
BINABASA MO ANG
Remember You Forget Me
Ficción GeneralReminisce #1 Complete He become my boss. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Editing start: January 20, 2024 Editing end: March 2, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021