CHAPTER 27
Nagising ako dahil sa paggalaw ng kama, kahit gustong-gusto ko pang matulog dahil sa pagod. Pilit kong binuksan ang mga mata ko, at maraming nangyari pero hindi ko na maalala.
Nakita ko si Ahzi na nakabihis at may dalang bag. Aalis na ata kami? Kaya bumangon ako at kinusot ang mga mata. Ibinabalot ko naman ang sarili ko sa kumot nang naramdaman ang malamig na hangin sa aking balat.
"I woke you. Sorry," malambing na sabi niya bago lumapit at umupo sa tabi ko. Humarap ako sa kaniya at bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinabigla ko.
"Sleep ka pa, alam kong antok ka pa," sabi niya habang itinuturo ako sa kama. Hindi ba tayo aalis ngayon? Bakit nakabihis na siya?
"Tulog ka na ha," ngiti niya bago bumangon at patayo na. "Di ba aalis tayo? Pupuntahan natin si Dad," sabi ko habang nagtataka sa kanyang biglang pagbabago ng ekspresyon.
"No," mariin niyang sabi. Napahawak ako sa labi at napaluha.
"Anong hindi, di ba ginawa ko naman yung gusto mo?" ang sabi ko na nanginginig ang boses.
"Yes," mahinang sagot niya.
"Tapos sabi mo pag ginawa ko yung gusto mo, pupuntahan natin si Dad kahit ako na lang!" biglang luhaan na ako.
"Hindi ka makakalabas kahit dito sa kuwarto at kahit anong pakiusap mo!" sigaw niya na ikinagulat ko at hindi ako makapagsalita.
"Bye, Honey ko. I love you," sabi niya bago ako hinalikan sa noo pero itinulak ko siya.
Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga at lumayo siya sa akin.
"Pupuntahan ko si Dad," takbo ko sa pinto habang nakahawak sa kumot, pero napigil ako ng hawak niya sa braso ko at itinulak ako pabalik sa kama.
"A-Ahzi," iyak ko at naramdaman ang pagpatong niya sa akin. Napailing na lang ako sa paghalik niya sa akin, nakatitig lang siya sa aking mga mata ng malamig.
"I love you," ngumiti siya at nagulat ako nang hindi ko maigalaw ang isang kamay ko. Tuloy ang pagtulo ng luha ko.
Tumingala ako at nakitang nakaposas iyon, habang hawak naman niya yung isa.
"Where's my 'I love you'?" tanong niya bago ako hinalikan ulit.
"Masakit!" sigaw ko nang hawakan niya ang pisngi ko.
"I said where is my 'I love you'?" at lalo niyang hinigpitan ito kaya lalo akong napaiyak.
"I-i love y-you…" mahirap na akong nakapagsalita at biglang nagbago ang emosyon niya, nag-sorry siya at umalis.
Umalis siya at iniwan akong umiiyak. Napahawak ako sa pisngi ko sa sakit. Sinubukan kong tumayo pero upo lang ang kaya ko dahil nakaposas ako.
"Tulong, tulungan ninyo ako! Ahzi, bumalik ka rito! Tanggalin mo yung posas, Ahzi!" sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sa akin.
Napatingin ako sa pinto nang umikot ito, napaiwas ako ng tingin ng isang matandang babae na may dalang tray.
"Iha, anong nangyari sa iyo?" nag-aalala niyang tanong habang lumalapit.
"Si Ahzi ang gumawa niyan, ha iha? Teka hahanapin ko ang susi nyan," sabi niya habang tumatango ako.
"Teka iha, sino ka nga pala? Ako si Mang Suli, kumain ka muna," sabay lapag ng pagkain sa harap ko.
"Marga po, salamat po," tanging nasabi ko at ngumiti bago siya magsimula ng hanapin ang susi.
Kumain muna ako. May tutulong na sa akin at makakaalis na ako rito, sana. Habang abala si Manang sa paghahanap, muling nagbukas ang pinto.
"Ahzi—" gulat na tinignan ako ng matandang babae.
"Sino ka nga?" tanong ng isang lalaki, pero hindi ako nakasagot.
"Lalaki ka, labas muna ako na bahala sa kaguluhan ng anak mo," sabi niya sa babae bago lumabas ng kuwarto.
Isinarado naman ng babae ang pinto.
"Nahanap ko na ang susi, iha," sabi ni Manang at napapikit ako ng mariin.
Patay tayo, Manang. Pero mabait sila hindi gaya ng anak niya.
"Iha, sorry kung ano man ang ginawa ng apo ko sayo ha. Gago lang talaga iyon, ako nga pala ang lola niya," sabi niya ngumiti at hinawakan ang pisngi ko.
"Gusto ko pong umalis na rito," biglang sabi ko kaya tumango naman ito, ngumiti ako sa kaniya.
"Salamat po," sabay pagtayo at pagpunta sa banyo upang magbihis.
May ibinigay si Manang na damit pagkalabas ko ng banyo at sumalubong sila.
"Iha, pwede ba sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta para pag nagtanong ang apo ko sasabihin ko?" tanong niya habang nasa harap ng banyo.
"Sige po, sa Condo ko po," sagot ko at tumango lang sila.
"Paalam po," sabi ko bago lumabas ng kuwarto at sumunod lang sila.
"Gusto mo iha, ipahatid na kita sa driver ko?" sabi ng lola ni Ahzi ng makalabas na kami ng gate. Wala naman akong pera para sumakay sa taxi kaya umoo na lang ako.
Nagpahatid ako sa Medilan Condominium at pagkarating ko roon ay umalis na rin agad ang driver. Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang floor ng condo ni Dia. Andito lang din ang condo ni Dia. Pagdating ko roon ay inilagay ang passcode ng pinto niya at mabuti ay hindi pa niya ito pinapalitan.
"Marga, akala ko kung sino ang nagbukas ehh," salubong niya ako ng yakap.
"Pwede bang tulungan mo ako mag-impake ng mga damit ko at samahan mo ako?" matamlay na sabi ko at tumango lang siya.
"Kumain ka muna," tanong niya sa akin. "Busog ako," sagot ko.
"Ohh, ano na? Tara na sa condo mo," sabi niya at pumunta na kami doon.
Kinuha ko yung ilang mga damit ko at mga pera, yung cellphone ko ay andito rin at gawa na ito. Sabi ni Dia nakita raw niya ito sa harap ng elevator sa parking lot pati yung bag ko ay andito.
Inayos ko na rin lahat ng mga gamit para naman hindi magulo pag-alis ko at yung mga importante na gamit ko ay itinago ko sa isang cabinet ko. Pagkatapos namin mag-impake ay pumunta na kami sa labas ng condo ko.
"Tara na Marga, baka maabutan pa nila tayo rito," sabi ni Dia habang binibit ang isang bag ko at tumango lang ako.
Nagbihis na rin ako at nagsumbrero tsaka maskara.
Pagbukas namin ng pinto, ako ang unang lumabas at napabitaw ako ng mga hawak ko nang may nanghila sa akin at gano'n din si Dia nang makita akong hawak sa pulso ni Ahzi.
Ang bilis niya.
:0
BINABASA MO ANG
Remember You Forget Me
General FictionReminisce #1 Complete He become my boss. A_Novel_By_Dimstykcm ---- Editing start: January 20, 2024 Editing end: March 2, 2024 Published: October 8, 2021 End: December 25, 2021