Chapter 33

11 0 0
                                    


         
                    Alliyah Kate Enriquez


  "Good morning honey. Sorry hindi ko na napagpaalam sayo ng personal. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo kagabi. I'm going out of town for almost a week.."  naibuga ko yung tubig na minumumog ko dahil sa sinabi ni mommy.


 

  "What?!"  then i wipe my mouth using the towel on my shoulder. Sabay balik ko nung toothbrush ko sa lalagyan ".. 1 week kang wala?"

  "Yes honey. Yung kaibigan ko kasi, sinama ako dito sa Batangas dahil may Orientation para sa mga nagpa-planong tumayo ng business. So naisip ko na baka this would help a lot lalo pa't this will be our first business. Don't worry Ally, i'll be back as soon as possible. Okay?"

  "Okay ma. Mag-iingat ka dyan ha?.." tapos umupo ako sa bed ko at nagpatuloy. "..Wag na wag mong gugutumin sarili mo. Tsaka kapag pagod ka na,-----"


  "Hey. Hey. Hey!" then she chuckled. ".. diba dapat ako ng nagsasabi sayo nyan? Baliktad ata Ally." tapos tumawa sya ng malakas.

  "Maaa!" i shrugged. "..Seryoso yun no. Tsaka porket ba anak mo lang ako, di na ako pwedeng mag worry sayo?  Ang unfair naman ata nun!" tapos inipit ko phone ko inbetween my shoulder and my cheeks and inayos ko yung bag ko bago bumaba.


  "HAHAHAHA. Oo na, oo na. Susundin ko na po lahat ng bilin mo. Kaw naman, di ka na mabiro.."  Haaaay! Minsan talaga mas isip bata si mama kesa sakin -.- "..Pero anak, ikaw ang mag-ingat. Alagaan mo ng mabuti ang sarili mo habang wala ang Mommy okay? i love you."

  "Opo naman Mama. Wag mo na kong isipin dahil magiging Okay ako. I love you too Mommy." tapos binaba na ni Mama yung call. Hinanda ko na rin yung sarili ko and lumabas na ko ng bahay.

  *peeep!!* 

  "Ahy Spongebob na hubad!!" O__o i immediately covered my mouth pagkatapos kung isigaw yun. Eh kasi naman! Isinasara ko na yung gate nung biglang may kotseng bumusina sa tapat ko! Ansaya no? -.-


  Humarap ako dun sa black ferrari car na nasa harap ko ngayon. Bah! In all fairness, ang ganda ng kotse ha.. ^^


  "Hey.." then bigla kong inakyat yung mata ko dun sa taong nagsalita. And this guy made me amazed for more.  ".. Papasok ka? Tara! Sabay na tayo." S-sabay kami? D-dyan?  Then he looked at me na parang tinatanong kung okay lang ako. Kaya para akong robot na in-on ulit para makapagsalita.  "A-ah hindi. Okay lang ako Dale. May taxi naman eh tsaka istorbo pa ko sayo. Medyo malayo din yung school nyo sa school namin. Kaya wag na."  i answered smiling for assurance.

   Tapos binuksan nya yung pinto nung car and lumabas at tumabi sakin. I just look at him nang naka kunot ang noo. "What are you doing?" i asked nung kinuha nya sa likod yung bagpack nya.

  "Edi sasabay sayo." ngayon ko lang napansin na nawawala yung mata nya kapag ngumingiti. Ang cute ^_^.

  "Ehh. Pano yang kotse mo? Iiwan mo yan dito?" i said pointing it.


  "uh--huh." he nods happily. May sanib ba ang taong to? May kotseng dala, tapos di naman gagamitin. Tsk.Tsk.  "Alam mo dale, you should go. And di mo dapat na iniiwan basta basta nalang yang kotse mo dito. Okay lang talaga ako."

  "Okay then, I should go...." tapos binuksan nya ulit yung door sa likod and placed his bag inside ".. with you."

"Ahhh! Oh my god! Dalee! Put me down!!" i yelled habang karga karga nya ko ng pabaliktad. Buti nalang talaga at naka pants ako ngayon. Tapos pinasok nya ko sa passenger seat at agad na sinara yung pinto. Pakapasok nya sa loob, ngumiti siya sakin sabay peace sign. -.- "Eh gusto lang naman kasi kitang ihatid eh. Kasi mag-isa ka lang and babae ka kaya hindi ka dapat commute ng commute alone." he explained as he started the engine and umalis.

My Second Life With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon