Alliyah
*yakap*
Eh? Ba't parang medyo matigas na yung unan ko?
Hmmm. Yaan na, antok pa ko. *yakap ulit*
"arrrrfff!! arrrrfff!!"
"Tantan, it's too early. Mamaya pa pasok namin."
"Oo nga naman tantan. Mamaya na"-ako
T-teka . . . . . . . . .
O.o napamulat ako bigla. And as i look up . . .
" Waaaaaaah !! Anong ginagawa mo dito?!!!!" tapos bumangon na ko.
"Edi natutulog"
"Bakit dito? Ba't di dun sainyo?"
"Sus! Kunwari ka pa! Eh makayakap ka nga sakin kanina."
"Magtigil ka nga! Akala ko kasi unan ka!" then biglang nagform ng nakakalokong ngiti ang mukha nya.
"Eh?- You're blushing! :D"
"NO-IM-NOT!" sabay alis at dumiretso sa banyo.
Ghad! Ano bang ginagawa mo Alliyah! Antanga tanga mo! sabay sapok ko sa ulo.
*knock* *knock*
"Gab maliligo na ko! Uwi ka na sainyo!"
"Ayoko! Sabay tayoooo!"
O.o ^/////////////^
kyaaah! Magtigil ka ngang pisngi ka! Daig ko pang cheeks ng clown eh! -.-
"Pag di ka umalis di mo na ko makikita kahit kailan!"
"Nyenyenye . . .Makayakap ka nga kanina?!?"
Tengene talaga! Sige ipaalala mo pa!! >_<
Mayamaya lang, may narinig akong footsteps papalayo and narinig ko ng ring nagsara yung pinto. But still, chi-neck ko pa rin kung naka alis na nga talaga.
"Yiiiiee!! Ano sabay na tayo?"
O.O
"Diba nga sabi ko umuwi kana." and i'm dead serious this time.
"Hahaha. Oo na, Oo na. Eto naman jino-joke ka lang eh." tapos ginulo nya buhok ko. Bago pa sya umalis. . . .
"Makayakap ka sakin kanina ah. ." sabay smile ng nakakaloko.
"Uwi naaaaaa!!" habang tinutulak ko naman sya palabas.
"Kung makatulak ka naman parang di mo ko niyakap ng pagkahigpit higpitt kanina"
I just gave him my death glare as an answer.
"Hahahaha. Bye Potpot!"
Pagkaalis nya, pumasok na ko at diretso ulit sa banyo.
Ang panget na yun talaga! Anong oras ba sya pumunta dito kagabi at dito pa natulog? Nakakahiya tuloy! Waaaaaaah!! ^////////////^ *le sampal sa sarili*
Gabriel
Di pa rin maalis sa isip ko yung pagyakap sakin ni Alliyah kanina. Waaaaaaah! Enebe! Kenekeleg eke! :D Hahahahaha. Dapat kasi di ko nalang sinaway si tantan para di ko sya nagising. Ang sarap kaya ng pagkakayakap nya. ^/////////^
"Kuyaaaaaaaah!"
Natigil ako sa pagde-daydream dahil sa pag epal ni Gabbie. Psh! -.-
"Kuya san ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Mama Elvie."
"Bakit daw?" i worriedly asked.
"I dunno. Baka may kasalanan kang ginawa. Hala ka kuya." with matching nakaka asar na boses.
"Psh! Wala no! Eh asan na ba si Manang?"
"In the kitchen.." then she sat on the couch.
"Okay. Maligo ka na. Ambaho mo." then i leave
"Kuyaaa! I hate you!!" i heard her shouted.
I went directly to the kitchen and there i saw Manang preparing breakfast."Manang?" then she turn to face me after shutting down the electric stove.
"Oh ikaw pala.."
"Hinahanap nyo raw po ako?"
"San ka natulog kagabi?"
"Kay Alliyah p---" then she cut me off.
"Gab anak, walang masama kung babantayan mo si Alliyah. Pero kung dun ka matutulog, please know your limits anak. Babae sya at sobrang bata nyo---"
"W-wait lang po manang. Wala po kaming ginagawa ni alliyah, manang. Mini-mis interpret nyo lang po eh. Ang laki ng tiwalang ibinigay sakin ni tita Agnes at ayokong masira yun."
"Anak alam ko. I trust you. Nandito ako bilang mama elvie mo para paalalahanan ka sa mga bagay na hindi dapat. Malaki din ang tiwala ko sayo anak. Isa kang responsableng kapatid, anak at kapatid. I'm proud of you and sana wag kang magbago. Okay?"
"I promise Mama Elvie, hindi po ako magbabago. I won't be where i am now kung hindi po dahil sainyo. Thank you po and i understand kung bakit nyo to ginagawa."
"Alam ko at nakikita ko sa mga mata mo na gusto--- hindi, na MAHAL mo sya. Everything takes time. I-enjoy nyo muna ang mga panahong meron kayo sa isa't isa."
Maybe i should really put those words that have been told by Manang in my mind. Simula pa pagkabata, sya ang naging nanny ko and soon as Gabbie's.
"A-ah nga pala gab, i already prepared your things. Tumawag kanina si keith sa landline and di ka nya macontact. Ire-remind ka lang daw sana nya na may practice kayo ngayon. Sobrang makakalimutin mo pa man din."
Ugh! Ba't nga ba nawala sa isip ko yun?"Naku. Thank you po manang. Nawala lang po kasi talaga sa isip ko yun."
"Okay lang. Now go prepare yourself at tapos ko na ang breakfast nyo ni gabbie."
"Opo Mama :)"