1)

2 1 0
                                    

Week after the school trip, masayang masaya silang lahat sa muling pagkikita at binalikan ang mga pangyayaring naganap sa kanilang school trip. Yun lahat laman ng usapan kahit ang apat na grupong kilalang kilala sa university. Sa umagang klase nila ay puro kwentuhan lang din ang naganap.

"CR lang ako," bulong ni Faya kay Cathy na busy sa kanyang iPad. Hindi siya sigurado kung narinig talaga siya nito pero umalis pa rin siya.

"Why you two followed me?" Nakangising sabi ni Faya kina Saavi at Kiona. Nang nakalayo na siya sa classroom.

"Of course, we knew kung sino ang dahilan kung bakit umalis ka sa room." Pairap na sabi ni Khiona. Hindi na nila pinahaba pa ang usapan dahil baka mawala siya sa paningin nila.

Walang nakapansin kahit isang students na dinala nila siya sa tagong lugar upang gawin ang kinasanayan. Nakangisi silang tatlo at pinalilibutan ang kanilang target.

"Missed me, nerd?" Nakangising sabi ni Faya habang pinapaikot ang buhok ni Racey sa kamay niya at pasimple pa itong hinihila. The two girls chuckled when they saw how scared Racey is.

"She misses you so much." Sarkastikong ani ni Khiona na sinisipa pa si Racey na hindi umiimik at nakatitig lang sa kanila.

"Sinulit na niya kasi masyado ang araw nung school trip eh." Nagtawanan silang tatlo dun. Hindi nila binigyang pansin si Racey nung school trip dahil ayaw nilang masira ang kasiyahang nararamdaman nila.

"Oh, nagschool trip lang hindi kana makapagsalita?" Nangaasar na saad ni Faya at sinampal-sampal ang pisngi niya.

Alam ni Racey na wala na talaga siyang takas sa tatlong ito. Aaminin niya na nilabanan niya sila ito nung una pero mas lalo lang lumala ang ginagawa nilang tatlo kaya nanahimik na lang siya at pinapabayaan sila sa ginagawa sa kanya habang sa isipan niya ay humuhiling siya na sana may dumating upang iligtas siya o kaya patigilin ang tatlong ito.

"Oh, Hi Joannei!" Napabalik sa realidad si Racey at tumingin kay Joannei upang humingi ng tulong dahil alam niyang mabait na tao si Joannei.

"What do you need?" Taas kilay na tanong ni Joannei kina Faya. Maling daan ata ang tinahak niya dahil nakita na naman niya ang sikretong pagbully ng tatlong ito.

Sikreto. Walang sino man ang nakakaalam sa pambu-bully nila kundi ang target at ang kanyang mga kaibigan na kilala bilang mga bully kahit ang totoo ay hindi nila gagalawin ang isang tao kung wala itong atraso sa kanila.

"Hm, nothing." Faya chuckled pero umirap lang si Joannei at tumingin kay Racey na nagmamakaawang nakatingin sa kanya.

Inirapan na lang ni Joannei silang apat at umalis na. Dahil dun nawalan ng pagasa si Racey na may tutulong talaga sa kanya. Sabagay, outcast nga siya dito eh kaya walang maglalakas loob na tulungan siya. Target ba naman siya ng lahat. Mga duwag!

"Wag kang umasa na tutulungan ka ni Joannei, Racey." Umirap si Saanavi at ibinato sa kanya ang mga libro na alam niyang pasasagutan na naman sa kanya. Eto kasi lagi ang pinapagawa ni Saanavi sa kanya.

"Mukha lang iyon mabait pero hindi talaga." Tumawa silang tatlo at hinila naman ni Saanavi ang buhok ni Racey.

"Tapusin mo kaagad yang school works ko dahil bukas na ang pasahan niyan." Hinila niya ng mas pwersa ang buhok ni Racey kaya napa-aray ito dahilan kung bakit tumawa silang tatlo. Tawa nila ang nagbibigay kilabot kay Racey.

Ibinigay kina Saanavi ang school works bago pa ang school trip at bukas na ang pasahan nito at alam niyang hindi siya bibiguin nitong si Racey dahil kung sakali man ay alam na niya ang mangyayari.

Claymara silently walking to the bench area and a smile draw on her lips when she saw Flash reading books in one of a bench. Ang boring naman kasi ng buhay ng lalaking ito so she will make it more exciting.

"Hi, Flash!" Umupo siya sa tabi nito at wala siyang itinirang kahit maliit na space sa kanilang dalawa. Ganyang kakapal ang mukha niya.

"Your always reading, try something else. Wanna hang-out with me?" Malisosyong sabi niya at ikinawit pa ang braso sa braso ni Flash pero agad din itong inalis ng lalaki at dumating naman si Draive.

"What are you doing here, Claymara?" Nakangising sabi nito at sinulyapan pa si Flash na masama lang ang titig sa kaniya. Tumayo na si Claymara at bumuntong hininga. Wrong timing kasi si Draive.

"I'm here to study because this is a school. What do you expect me to do? Dance and drinks liquors? This is a free space, I will go here freely. So why are you asking that? Pagma-may-ari mo ba ito? Ha?" Dere-deretsong sabi ni Claymara kaya tumiklop ang bibig ni Draive at napakamot na lang sa batok. Sakto at dumating din ang iba pa nitong kaibigan.

"Calm down, Claymara. Masyado ka ng seryoso sa buhay." Natatawang sabi ni Maicolm pero agad din siyang nagsisi dahil sa isinagot ni Claymara na hindi nauubusan ng rason.

"Syempre kailangan kong magseryoso because I have a responsibility in my life. Anong gusto mong gawin ko maging clown dito? Corny Jokes everywhere?" Umirap na lang si Claymara habang ang mga lalaki ay naiiling na lang sa sinasabi niya. Wala na silang lakas ng loob pang magsalita dahil may isasagot na naman dito si Claymara.

"Makaalis na nga, Nakaka-bobo kayo kausap! Bye Flash!" Tinanguan lang siya ni Flash kaya dire-diretso na siyang umalis. Narinig niya pa ang usapan nila.

"Type ka ata nun Flash." Seryoso pa ang boses ni Rogueq na narinig ni Claymara. Napailing na lang siya at pinuntahan na ang mga kaibigan na nagkekwentuhan sa cafeteria.

Tahimik lang silang nagkekwentuhan dito sa cafeteria tungkol sa mga buhay buhay nila. Ganon din katahimik sina Maillin at Joannei sa isang table habang kumakain dahil wala pa rin si Freciella.

"Hey Girls! Gosh! Napasama pa ang school trip sa akin dahil natambakan ako ng school works." Pairap na sabi ni Freciella at binuksan na lang ang phone upang ma-refresh naman ang utak niya. Kung meron ba talaga.

"What's that?" Kunot noong tanong ni Maillin ng makitang may nilalaro si Freciella sa phone nito. Nakisilip din si Joannei.

"Gaming App. I saw this in my notification earlier so I tried it. Try it too." Umirap lang si Joannei at bumalik na sa pagkain. She find the game boring but Maillin didn't.

"What's the name of the App? I'll try to download it later." Kumakain pa kasi si Maillin at hindi siya sanay na gumagamit ng phone sa hapag kainan.

"Stab App..."

=================
HappiYours

Stab AppTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon