Simula nung araw na madiskubre ni Freciella ang tungkol sa larong ito ay marami na rin ang mga nakadiskubre. Hindi na malaman kung sino ang nagpakalat ng impormasyon tungkol sa larong iyon dahil puro mga sinasabi nila ay rekomenda lang iyon ng kanilang kaibigan, ng kaibigan, ng kaibigan. Kahit si Freciella ay nakalimutan na kung san niya ba narinig ang tungkol sa larong iyon.
"Anong laro iyan?" Tanong ng isang estudyante sa kanyang mga kaibigan nang makita niya itong busy sa paglalaro sa kanilang mga cellphone.
"Stab App. Makakakuha ka dito ng pera!" Ramdam ang excitement sa boses ng kanyang kaibigan na may malaking salamin.
"May 10,000 kana pagpasok ng laro at mas dadagdag kapag tumataas ang level mo." Sabi pa ng isa pa niyang kaibigan. Kaya napangiti siya at nilabas ang cellphone upang i-download ang laro iyon.
"Pede kang abutin ng milyon kung masipag ka," nakangising sambit ng naka-high ponytail niyang kaibigan. At iyon lang ang tanging narinig ni Claymara.
"Millions?" Kunot noong bulong niya sa sarili habang tinatanaw ang magkakaibigan na lumalakad na palayo habang busy sa kanilang mga cellphone.
"What a dumbass people..." Iling-iling na ani ni Claymara sa sarili.
Sa buong klase ay iyon ang pumapasok sa isip ni Claymara. Hindi niya maisip kung para saan ang milyon na pinaguusapan nila. Natukoy na niyang isang game app iyon na makakakuha ng milyon kahit impossible. Kahit isang libo nga hindi mo makukuha sa ganong laro. Walang ni isang estudyante rito na galing sa mahirap na pamilya kaya nakakapagtaka kung para saan at bakit nila kailangan laruin iyon.
Parang lumulutang ang kanyang isip habang naglalakad nang dumating ang oras ng break time nila. Bawat estudyante nakakasabay niya sa paglalakad ay pinaguusapan ang tungkol sa larong Stab App. Weird ang name ng laro para sa kanya.
Natanaw din niya hindi kalayuan ang grupo ng mga bad boy kuno kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Yveski, Mareus, at Jake na nagtatawanan. Habang naglalakad siya papunta sa kanila ay nakatitig lang siya kay Flash na nakatingin din sa kanya kaya inayos niya ang postura niya at naglakad na parang nasa Fashion walk dahilan para kumunot ang noo ni Flash at umiwas ng tingin.
"Hey, boys. Nasan yung mga girls?" Bungad niya ng makarating sa kanila.
"Hi, Claymara!" Masayang bati ni Draive pero inirapan niya lang ito dahil hindi niya pa rin makakalimutan ang pagistorbo nito sa kanila ni Flash. Nagtinginan yung tatlo dahil hindi naman nila alam kung nasan yung mga girls.
"Hindi namin al-" Hindi na pinatapos ni Claymara si Mareus dahil alam na rin naman niya ang sagot.
"Cathy!! Call your friends to come here and pakihanap na rin sina Faicie, Rhasia, at Azaiya." Utos niya kay Cathy ng makita niya itong nagmamadali. Napakamot na lang ng ulo si Cathy at tumango.
Gutom na gutom na siya dahil nakalimutan niyang kumain ng almusal dahil nahuli na siya ng gising kaninang umaga at ngayon ay hindi rin siya makakakain dahil kay Claymara. Bat kasi siya pa ang inutusan andun naman ang mga kaibigan ni Claymara?
Madali lang din niyang nahanap ang mga kaibigan niya dahil laging nasa restroom iyon upang mag make-up. Uunahin nito ang pagpapaganda kesa kumain. Hingal na hingal pa siya dahil tinakbo niya pa ang mga restrooms bago sila mahanap.
"Girls! Help! Pinapahanap sakin ni Claymara sina Faicie, Rhasia at Azaiya!" Nang marinig iyon ng tatlo ay dali-dali silang nagligpit at paunahan pang lumabas ng restroom.
Sa kabilang banda naman takang taka sina Faicie, Rhasia at Azaiya ng masalubong nila ang nagmamadaling tumakbo na si Cathy. Sinundan pa nila iyon ng tingin at nakita nilang pumunta ito sa restroom ng Building C.
"Problema nun?" Takang tanong ni Faicie sa dalawa pero nagkibit balikat lang ang isinagot sa kanya.
Magkakasama silang tatlo eh. Malay ba nila kung anong mayroon kay Cathy. At wala rin silang balak alamin dahil hindi rin nila masyado itong nakakausap.
Sa paglalakad nila ay nakita nila si Claymara kasama ang mga boys kaya nakidalo na rin sila. Mukhang maganda ang usapan kaya nagmadali sila.
"Where's Cathy and her friends?" Tanong ni Claymara sa kanilang tatlo pero nagkibit balikat lang sina Rhasia at Azaiya.
"Ewan. May emergency ata dahil nagmamadaling tumakbo si Cathy ng makasalubong namin." Inakbayan ni Faicie si Yveski at inagaw sa kanya ang kinakain nitong Chips. Dahilan para magbangayan na naman ang dalawang iyon.
Habang si Azaiya naman ay kinuha ang tubigan ni Maicolm dahil athlete ito at laging may dalang tubig. Hinayaan na lang siya ni Maicolm at pinaupo sa tabi niya. Habang si Mareus naman ay maingat na nilalaro ang buhok ni Rhasia pero nakisali rin si Draive at pabirong sinasabunutan si Rhasia kaya tinatampal ito ni Mareus.
Si Jake ay nababahala sa pagaakalang may emergency nga talaga si Cathy kaya nagpaalam siya saglit upang hanapin ito. Hinayaan na lang siya ni Claymara na nakangisi pang sinusundan siya ng tingin.
"By the way, alam niyo ba ung tungkol sa laro?" Paumpisa ni Claymara kaya nakafocus silang lahat sa kaniya.
"Ah wait, I heard about that earlier..." Tumingala si Azaiya at pilit iniisip kung san niya ba narinig ang tungkol sa larong iyon.
"Satu... Satr... Sap... Basta may App!" Gigil na sabi ni Azaiya dahil hindi niya maisip yung tamang pangalan ng laro.
"Stab App? Anong meron dun?" Curios na tanong ni Ciaron dahil nirekomenda rin iyon ng kaklase nila pero wala siyang balak laruin iyon.
"Stab? Ang weird naman." Natatawang sabi ni Faicie kaya natawa rin ang iba.
"Stab means sinaksak or sasaksakin something like that, right?" Kunot noong tanong ni Rhasia na tinanguan lang ni Claymara.
"Horror games ba yun?" Nagningning bigla ang mga mata ni Rogueq sa pagaakalang horror games iyon.
"No, like a gaming money. They said it can earn money. Like you can have millions." Seryosong sambit ni Claymara dahilan para magtawanan sila. Kahit sila ay alam na imposibleng mangyari iyon.
"Tanginang laro iyan," natatawang sabi ni Ciaron pero natigil lang siya ng batukan siya ni Flash. Binigyan ni Flash ng tingin si Ciaron bilang babala na wag magmumura lalo na sa harap ng mga girls.
"But why would they download it?" Takang tanong ni Rogueq. Natigil din sila at napaisip kung bakit kailangan itong idownload ng mga estudyante rito. Eto ang tanong na kanina pa umiikot sa isipan ni Claymara.
"Their from rich family! It's nonsense kung lalaruin nila iyon." Pagtatapos ng katahimikan ni Yveski.
"Ang uto-uto naman nila, kung ganoon." Sinulyapan pa ni Mareus ang mga estudyanteng naglalakad habang nasa cellphone ang tingin. May muntik pa ngang madapa dahilan para matawa siya ng napakalakas.
"They're helpless. Too desperate." Seryosong sambit ni Claymara habang nakatitig sa mga studyanteng nadaan.
"Teka lang, Claymara. Hindi ako naka-ilag!! Kasalanan bang maging desperado sa crush ko?!" Naiiyak kunwaring ani ni Draive na inismiran nilang lahat.
Sa bawat paguusap nila tungkol sa larong iyon ay hindi nila namamalayan na may apat sa kanila ang interisado sa larong iyon.
==================
HappiYours

BINABASA MO ANG
Stab App
Mystery / ThrillerAs a college students, their life is just a normal one. Sleepless night because of research or thesis and Bar parties at night to leave the stressful life of college students. Each of them focused to their goals. They thought that their path is alre...