3)

1 1 0
                                    

!!! TW !!!

Ilang saglit na usapan nila ay dumating na rin sina Cathy, Faya, Saanavi at Khiona. Andun na rin si Jake na agad na umupo sa tabi ni Rogueq. Hingal na hingal pa siya dahil sa paghahanap kina Cathy. Inabutan na lang siya ni Rogueq ng tubig habang nakangisi.

"Sus. Sus. Sus," pangaasar pa nito pero siniko lang siya ni Jake.

"Hey, Claymara?" Agaw pansin ni Cathy kay Claymara na nginitian lang siya at tumayo na. "Oh, andito na pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap."

Kumunot ang noo nina Faicie sa sinabi sa kanila ni Cathy, "Pinapahanap mo kami Clay?"

"Yeah, don't mind it. Halika kain na tayo!" Lahat sila ay tumayo na para kumain. Inakbayan din ni Claymara si Cathy.

"Libre ko na lang kayo. I got your time wasted." Anyaya ni Claymara sa apat pero agad din umiling sina Faya, Saanavi at Khiona habang si Cathy naman ay masayang tumango.

Matagal na kasi niyang gusto makasama sina Claymara at eto na ang chance niya lalo na at nahihiya rin siyang kausapin si Claymara.

"No, thanks!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo at nagmadaling umalis. Nagpaalam saglit si Cathy para pilitin yung tatlo.

"Sumama na kayo! Minsan lang naman ito eh." Pamimilit niya sa mga kaibigan kahit alam niyang impossible iyon.

"We have money, Cathy. We don't need her money!" Madiing bulong ni Faya kay Cathy kaya napayuko na lang siya. Alam niyang hindi na talaga niya mapipilit ang tatlo.

"Kung gusto mo sumama sa kanila, edi sumama ka. See yah!" Agad ding nagpaalam yung tatlo, susunod sana siya pero inakbayan ulit siya ni Claymara na nakalapit na pala sa kanila.

Nag-enjoy naman si Cathy makasama ang grupo ni Claymara pero mas mage-enjoy siya kung kasama rin niya ang tatlo niyang kaibigan. Napasaya siya lalong lalo na nina Yveski at Mareus dahil palabiro ito kaya tumatawa lang sila sa mga pinagsasabi nung dalawa.

Gusto niya sana maka-close din si Jake na nasa tabi niya pero tahimik lang ito at patuloy lang na kumakain, hindi na lang niya inistorbo.

"Don't tell me isasama mo si Cathy dito?" Agad na tanong ni Faicie ng magpaalam na si Cathy dahil may klase pa raw ito.

"If I can but she already has a group, a bad influence to her." Hindi na niya pinatuloy ang sinasabi dahil ayaw niyang sa kanya manggaling ang salita yun.

Alam na ni Claymara ang pang-bu-bully na ginagawa nung tatlong kaibigan ni Cathy nung dumaan siya sa likod ng building. Dun nakita niya kung pano tratuhin nung tatlo ang school outcast. Agad din siyang umalis dahil ayaw rin niyang madamay at masira ang pangalan niya sa mga students.

Sa bawat araw na lumipas mas lalong umiinit ang ulo ni Claymara at Freciella sa mga students na naadik na sa laro. Padami sila ng padami at nawawalan na ng pakealam ang mga students sa mga studies nila. Kung dati, mga libro ang hawak nila ngayon naman cellphone na. Wala ka ng makikitang students na nagbabasa kahit saan.

"What the hell. They're losing their class!" Inis na sambit ni Freciella habang nakikita yung mga students na busy sa mga cellphone nila.

"They're starting to be low-class students..." Nandidiring ani ni Maillin.

"They will ruin our school name!" Nanghihinayang na sambit naman ni Joannei.

Starrial University is also known as full of elite students from an elite families. 'School of Smarts' as they name this school. Even if you have money if you don't have brains they won't accept you.

"Oh my!!" Malakas na tili ng isang students na may malaking pink na ribbon sa ulo. Dahil sa tili niya halos lahat ng students sa cafeteria ay nagulat pati na rin ang grupo nina Claymara, Faicie at mga athletes.

"L-level 6 na me! Oh gosh!!" Tuwang tuwa pa nitong sabi at nagmadaling lumabas para ipagmayabang sa mga kaibigan.

"And so?" Nagtatakang tanong ni Faicie.

"Once you enter level six, you can cash out the money you won. I heard there is a time limit. 6 am and 6 pm is the only time you can cash out." Kibit balikat na ani ni Azaiya.

"Pano mo nalaman? May nauna na ba na maka-level 6?" kumunot ang noo ni Rhasia at napairap naman si Claymara ng marinig ito.

"Of course! Malalaman nila yan dahil may nauna na." Tumayo na si Claymara at sakto rin ang pagdaan nina Freciella. Muntik pa silang magkabungguan pero hindi nila iyon binigyan pansin at nag-irapan na lang ng mata sa isa't isa.

Kahit kailan ay hindi magiging close si Claymara at Freciella. Silang dalawa kasi ang naglalabanan hindi lang sa pagiging kilala ng lahat ng students kundi sa academic status nila sa university na ito at walang kahit sino ang kinakayang abutin ang academic points nilang dalawa.

Pagkatapos ng break time ay dumiretso na si Claymara sa classroom at padabog na umupo sa upuan niya. Wala pa rin pinagbago, pagkapasok niya puro mga estudyante na nakamagnet na ata ang kamay sa cellphone. Ni wala nga atang nakapansin sa kanya.

"Disgusting students." Mariing bulong niya sa sarili. She doesn't care if they hear her.

Nung dumating na ang teacher nila ay padabog na sinarado ang pinto ay agad itinago ng mga students ang cellphone nila habang yung iba ay patagong naglalaro pa rin.

"I need to be in level six..." Napataas ang kilay ni Claymara dahil sa narinig niya sa kaklaseng patagong naglalaro.

"Too desperate. What are you a poor rat? If then, you don't deserve to be here." Pagpaparinig ni Claymara sa kaklase niya habang nakatutok pa rin ang paningin sa teacher nila.

"What the heck? What's your problem?!" Inis na sigaw nito kay Claymara.

"Ms. Dizon keep your voice down or I'll confiscate your phone!" Sigaw ng teacher nila at nagpatuloy ulit sa pagtuturo kahit hindi niya alam kung may nakikinig ba.

Nang tumunog na ang bell hinintay muna ni Claymara makaalis ang mga students dahil noon ay binunggo pa siya sa sobrang pagmamadali para maka-uwi at malaro lang ang Stab App.

"Gosh, kadiri."

"Real blood ba yan...?"

"Of course, she's dead na hala."

May nakita rin siyang commotion sa parking lot. Dahil sa curiosity ay nakiusosyo siya pero agad din siyang natigilan ng makita ang isang students na may malaking pink na ribbon ay nakahiga at naliligo sa sariling dugo. Hawak pa nito ang phone niya.

"She's the girl..." Halos hindi na matapos ni Claymara sa sinasabi dahil sa nakikita niya.

Hindi na masyadong tinignan ni Claymara ang itsura lalo na sa kutsilyo nitong nakatarak sa mismong gitna ng dibdib niya at may ilang ulit na saksak sa tiyan na bahagi nito.

"who shouted at the cafeteria earlier..."

===================
HappiYours

Stab AppTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon