Claymara wakes up early kaya bumaba muna siya upang magpalipas oras. Sarado pa naman ang school ng ganito kaaga at saka tinatamad pa siyang kumilos.
Tahimik lang siyang kumakain ng cereal habang nanonood sa Tv. Nang makakuha ang atensyon niya tungkol sa balita na pag-patay na naganap sa kabilang village.
"Magandang Umaga. Narito tayo ngayon sa TH Village kung saan natagpuan ang tatlong bangkay ng estudyante ng Starrial University at risidente sa village na ito. Ini-imbistigahan pa ng mga pulisya ang krimen na naganap at tanging maipapayo lamang sa mga kabataan at matatanda na manatili sa loob ng bahay. Babalitaan namin muli kayo, ako si Allen Iverson nagbibigay balita." Dun na natapos ang balita pero naaalala pa rin ni Claymara ang mga sinabi ng reporter.
"Yan na nga ba kinatatakot ko sayo Claymara, wag ka munang pumasok ngayon!" Gulat na napatingin si Claymara kay Manang sa biglang pagsalita nito sa tabi niya.
"Hindi naman po involve ang school sa krimen na yun, Manang." Natatawang sabi ni Claymara at binigay na ang pinagkainan niya kay Manang.
"O siya, ipahatid sundo na lang kita." Napailing na lang si Claymara sa pagiging nerbyoso ni Manang.
"Hindi naman po ako bata. Papasok na nga po ako, Manang!" Nagmadaling umakyat si Claymara upang hindi na maka-angal pa si Manang.
Pagpasok ni Claymara ay agad silang nagkwentuhan tungkol sa balita na napanood din pala nina Faicie, Azaiya at Rhasia. Pinaguusapan nila ito habang naglalakad patungo sa classroom nila. Wala pa rin kasi ang boys.
"I can't still believe it. Nadamay tuloy ang pangalan ng school natin." Iritang sabi ni Azaiya.
"I agree. Sana lang at hindi tayo magkaroon ng class suspension dahil sa nangyari." Lahat sila ay nag-agree sa sinabi ni Faicie.
Usap usapan kasi kahit sa labas ng university ang tungkol sa pagkamatay ng tatlong students na naibalita. Silang lahat maaapektuhan kung sakaling magbigay ng class suspension.
"Of course, ginagawa nila yun para siraan ang university. Gosh, I can't believe they can do that for fame." Napailing-iling si Claymara sa sinabi at napatango naman si Faicie at Azaiya.
"Siguradong malaki ang binayad sa pamilya nila." - Faicie
"Obviously." - Azaiya
"That's how money works." Kibit balikat na sabi ni Claymara.
"Pero dapat inayus nila yung acting. Pare-parehas lang kasi kung pano sila pinatay." Natatawang sambit ni Azaiya.
"They should transfer to theater class." Nagtawanan silang tatlo at nag-apir pa. They found the killings of the three students funny at hindi kinaya iyon ni Rhasia.
Tahimik lang siyang nakikinig dahil hindi niya kayang sikmuraan ang sinasabi nila tungkol sa pagpatay ng mga kapwa niya estudyante. Hindi niya kilala ang tatlong students pero hindi tama para sa kaniya na pagusapan sila ng ganon. Sa sandaling iyon hindi niya nakilala ang tatlong kaibigan na nasa harap niya.
Naging mabilis ang takbo ng oras at ngayon ay break time na nila. Eto si Freciella na bitbit ang kalahating school works na natapos niya. Nagmamadali na siya dahil gutom na talaga siya.
Muntik pang matumba si Freciella ng bungguin siya ng isang student. Hindi siya nito napansin dahil sa cellphone. She keep her balance kahit medyo malakas ang pagkabunggo sa kanya. Wala man lang siyang narinig na 'sorry'.
"Gosh!!" Malakas na sigaw niya at tuluyan ng napaupo sa damuhan.
Hindi pa nga siya nakaka-recover sa pagbunggo nung isa at ngayon sinundan pa iyon dahilan para mawala na ng tuluyan ang balanse niya. Sinulyapan lang siya nung student at nagpatuloy na sa paglalakad.

BINABASA MO ANG
Stab App
Mystery / ThrillerAs a college students, their life is just a normal one. Sleepless night because of research or thesis and Bar parties at night to leave the stressful life of college students. Each of them focused to their goals. They thought that their path is alre...