“Uyy! Louvielle gising naa!” si ate.
“Hmm?”
“Lou! Sabi ng gising na eh.”
“Ate ano ba?! Natutulog yung tao eh.”
“Edi matulog ka na lang. Di ka na sasama sa camping ha? Mag-ingat ka dito. At kami naman ay mag-eenjoy dun!”
O_O
Oo nga pala! Camping ngayon. Eto na! Ang pinaka hihintay kong araaaw! Yeyy! I’m so excited and I just can’t hide it, hehehehe
Anyways, hello people Ako nga pala si Louveille Magsaysay but my friends call me Lou. Mag thi-third year high school na this coming pasukan :D At today ay ang aming Youth Summer Camp. Actually, hindi naman bago sa akin yung mga camp camp na ganito kasi nga simula pa nung pagkabata eh dinadala na kami nila mama and papa sa mga ganitong activities. Isa kasi ito sa aming church activity and we’re doing this every summer. What makes this year different is that we won’t be joining to the usual camps that we have attended for these past few years. Instead, mag jojoin camp kami sa isa sa malapit din sa amin na church. Kumbaga eh church friend. Hehehehe. Kaya excited ako na maka meet ng new friends. Mas exciting! Yeaaah!
5am plang eh nagising na kami. Kailangan kasi naming pumunta sa meeting place nang early para may seat kami sa sasakyan na magdadala sa amin sa site. Dumating kami sa meeting place around 7am. And guess what? Umalis kami around ten. Yung feeling na nag effort kang gumising ng maaga para lang umalis ng ten?! Talaga namaaaan!
After 284746 years, atlast umalis din kami. And since I AM REAALLY REAAALLY LUCKY TODAY, malayo ako ng seat sa mga churchmates ko habang sila nama’y magkakasama. Dba ang saya? Plus pa yung katabi kong mabaho na ang kili-kili eh para pang kiti-kiti. IMAGINE, HABANG NASA BYAHE EH DI NAGBEBEHAVE! ABA’Y MAKAILANG BESES NA NYA AKONG NASISIKO! May sa mukha, may sa braso, minsan sa ulo. Ang swerte-swerte ko talaga today. Haaaay!! Dagdag pa dito yung monthly period ko na nasa ika two days na. oh dba ang galing-galing! -______-
Habang papalapit ng papalapit eh paganda ng paganda ang view at pasarap ng pasarap ang simoy ng hangin. Pasarap din ng pasarap ang amoy ng kili-kili nga katabi ko -___- Bundok kasi kaya fresh, pero yung katabi ko mukhang bulok na yata. Hehehe. Mas lalo akong na eexcite – sa bundok. Pwera na sa kili-kili :D
Nang makarating na kami ay agad kong chineck kung may tagos ako, at hindi nga ako nagkakamali. May tagos nga. Buti nlang nag black pants ako, di masyadong obvious. Kung bakit kasi ngayon pa. Wrong timing talaga..
Pagkababa namin ng sasakyan eh agad akong nagpalit ng pang ibaba at nagchange pad. Bumalik din naman agad ako sa area namin para magparegister. Pagkatapos ay umupo ako at nagmuni-muni. Hmmm.. sarap talaga ng fresh air. Pagdilat ko ay may nakita akong lalaki. Di masyadong malinaw ang mukha, naka side view kase, pero hindi pamilyar. Ang church kasi na sinamahan namin eh hindi naman ganun ka bago sa amin kasi ang pastor nila at pastor namin ay mag bestfriend. Kaya marami-rami narin akong kakilala na youth sa church nila. Pero hindi lahat. Mangilan-ngilan lang. Madami din naman kasing nadagdag sa kanila kase marami silang outreaches.
So yun na nga, dahil hindi nga siya pamilyar eh hinayaan ko nlang. Haha. Pagpasok sa site eh na shock naman ako. Nasanay kasi ako na medyo comportable yung mga camping sites na usual naming inaa-attenan. Sa tuwing magcacamp kasi kame sa regular na inaatenan namin ay comportable yung place. Para lang kaming magbabakasyon. Ito naman ay totoong camping talaga. Ang site ay isang old school having three classrooms. Yung isa eh hindi pa magagamit. Kaya lahat ng girls ay magkakasama sa isang kwarto, ang mga boys naman ay ganun din. Buti naman nagkasya lahat ng girls. Yung ibang boys naman eh nag tent nalang. After we settled our things and everything, tinawag na kami para e divide sa apat na grupo. Napabilang ako sa red team kasama ang isa kong churchmate. Si Ate Pam.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a Church Boy
RomanceThis story is partially true to life. Some scenes are with hugot but most of them are all products of my wild imagination.. This is my first time to publish a story so I hope you guys will like it :) Enjoy Reading and I hope You'll get something fr...