CHAPTER THREE

2 0 0
                                    

 DAY TWO:

Maaga kaming lahat nagising at nagsilapit na sa aming mga ka-grupo at nagsitipon. Ako nman eh antok pa rin na lumalakad papunta sa aming spot o area. At dahil hindi lang ako antok kundi masakit rin ang aking puson, nakalimutan kong magdala ng upuan. Kaya lahat sila ay naka upo at ako lang ang nakatayo. Nice. Sakit na talaga ng puson ko. Parang gusto ko nang umiyak sa sakit!! Ouchyyy! Wooo!

“Lou. Upo ka.” Sabi ng lalaki sa likod ko.

Paglingon ko, si Dan pala. May dalang dalawang bangkito. “Nako. Salamat ha?”sabi ko sa kanya na unti-unting naupo dahil sa sakit ng puson ko. 

“Okay ka lang? Kanina ko pa napapansing matamlay ka. Pasenxa kana ha? Bangkito lang dala ko. Wala nang upuan eh. Ubos na. haha. Kaya pagtyagaan mo na muna yan.”” Sabi nyang mukhang worried. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako. Anyare dito? Kahapon mabait, tapos biglang sumuplado, tapos ngayon naman concern. Naguguluhan ako sa’yo!! Haaayy. Siguro naka inom nang Sihat Badan to! hahahah

“Oo okay lang ako. Mag papractice paba tayo mamaya?” tanong ko sa kanya.

“Oo pero isang beses na lang. Mukha ka kasing pagod. Ba’t di ka nga pala nagdala ng upuan? Diba sabi ni Kuya Pops kahapon bring your own chair.” 

“Eh kasi inaantok pa ako eh. Nakalimutan ko. Waaaa! Gusto ko pang matulog.”

“Akin na nga yang kamay mo.” Sabi nya sabay kuha ng kamay ko.

Nagulat nman ako sa ginawa nya, “Anong ginagawa mo?” 

“Para di ka antukin.” Sabi nya sabay pisil sa mga daliri ko. Minamasahe yata ako nito eh.

Effective naman ang ginawa niya dahil nawala ang antok ko ng bahagya. Pero nang tumagal eh mukhang napakarelaxing ng ginagawa niya kaya inaantok na naman ako ulet. Nagising naman ang diwa ko ng bigla niyang ipinahid ang kamay ko na minamasahe niya sa mukha ko.

“Ano ba!” Iritado ngunit mahina kong sabi. Baka kasi marinig kami ni Kuya Pops at mabistong hindi kami nakikinig sa kanya.

“Hahahaha. Para magising ka. Tulo laway kana kase. Hahahah. Masarap ba masahe ko? Hahahaha” 

“Che! Ewan ko sa’yo!” sabay agaw ng kamay ko.

Lihim namang patuloy na tumatawa ang katabi ko. Sarap hampasin! Grrr!

“Salamat sa masahe. Kahit papano eh nawala yung antok ko.” Sabi ko na agad dinala ang bangkitong dala niya kanina at lumakad palayo. Tapos na kasi ang devotional time at exercise time na naman kaya pinapatipon kami sa open field na nasa harap lang ng session hall. 

“Ako na.” sabi ni Dan sabay kuha ng bangkitong dala ko.

Ba? Ngayon naman gentleman?! “Salamat!” sabi kong hindi nakatingin sa kanya. SNOB! Agad akong lumayo sa kanya at tumalikod. Di ko namalayan, napasmile na pala ako sa ginawa nya. Haha. Masyado syang sweet :”> wala pang nakakagawa sakin nun.

Mabilis na tumakbo ang oras. Buong umaga’y nakinig lang kami ng sessions at kumakain in between breaks. Nung hapon naman ay games na. Ngunit dahil masakit parin ang puson ko eh hindi ako sumali. Sinabi ko lang sa babae naming team leader na masakit puson ko kaya hindi ako makakasali at pinayagan niya nman ako. 

Habang naglalaro sila eh masaya naman akong nanonood sa kanila. Nakaupo ako sa damuhan at tumatawang pinanonood ang mga kalokohang pinag gagawa nila sa laro. May nag-uunahan, may naghahabulan. Minsang nga may nagkakasakitan pa. pero di naman sinasadya. Maya-maya nama’y may umupong batang babae sa tabi ko. Nakikinood at nakikitawa rin.

“Hello” bati ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin. Nagsmile. Mukhang nahihiya.

“Anong pangalan mo?” Mukha pa syang bata. Taga rito siguro to.

“Evelyn po.” Sagot nya.

“Ah.. taga dito ka?” 

Tumango lang siya. “Anong grade mo na?”

“Grade one.” 

“Ah. Ilang taon kna ba?” 

“11 po.” Sabi niya na parang nahihiya.

“Ha? Eh bakit grade one ka pa lang?” nagulat ako. Masyado nang late ang eleven years old para sa grade one. Dapat eh grade five na sya.

“Eh kasi ilang beses akong tumigil.” 

“Bakit naman?” bigla tuloy akong naawa sa batang to. 11 years old na pero ang liit-liit parin. Ang size ng katawan nya’y parang 7 years old na bata. Maitim siya, payat at halatang lumang-luma na ang damit na suot niya.

“Eh kasi malayo po dito yung school sa amin. At marami po kaming magkakapatid. Mahirap lang din kami kaya hindi kami nakakabili ng notebook. Wala ding mag-aalaga sa mga kapatid ko” Pagpapaliwanag niya.

Kawawa naman pala ang batang to. “Sandali ha? Dito ka lang, babalik ako.” Agad akong tumayo at pumasok sa room ng mga girls at binuksan ang aking bag. Agad kong kinunan ng dalawang pack yung baon kong biscuit na binili ni mama sa’kin para daw may kainin kami na wala pa sa meal time at ibinigay sa bata. “Oh ayan Evelyn. Sa’yo na.” Inabot ko sa kanya ang biscuit at nag smile sa kanya. Kawawa naman talaga eh.

“Salamat po ate.” Sabi nyang nangingiyiak-ngiyak habang inaabot ang biscuit. 

“Bumalik ka sa pag-aaral. Kahit mahirap. Kahit walang baon. Yan lang ang makaka-ahon sa inyo sa kahirapan.” Ang tanging nasabi ko sa kanya matapos siyang magpaalam sa akin para umuwi.

“Opo ate. Tatandaan ko po yan. Maraming salamat po talaga.” At agad syang naglakad palabas ng camp site.

AFTERNOON

“Campers, please proceed muna kayo dito sa session hall. Now!” sabi ng isa sa mga facilitator na babae.

Nang makalapit na ang lahat na mga campers ay agad kaming pinapila. Isang linya sa girls at isang linya sa boys. Para daw ito sa dinner banquet mamaya. Ang dinner banquet ay ang kanilang tradisyon every last night kung saan ang lahat ng campers ay magbubunot ng magkapares na number. Kung sinong babae at lalake ang nakabunot ng parehong number ang syang magiging mag partner sa dinner. Exciting! :D

Habang nasa pila ay nagkukulitan kami ni Regine. Siya yung babaeng pinatulog ni ate Lyn sa amin kagabi kasi wala na siyang matulugan. At dahil magkasing edad lang kami, naging close kami agad. Nang malapit na kami sa pinagbubunutan ay nahagip ng paningin ko si Dan. Nag smile siya sakin kaya nag smile narin ako sa kanya. Mabait din pala ang taong to. Kanina niya pa pala kami tinitingnan ni Regine na nagkukulitan.

“Girl, kilala mo?” tanong sa akin ni Regine.

“Ha? Sino?”

“Yung lalaking kanina pa nakatingin sa’ten. Yun oh.” Sagot nya habang tinuturo pa niya yung bibig niya sa lalaki. Yung hindi pa obvious. 

“Ah oo. Siya yung partner ko para sa search mamaya.” 

“Aahh kaya pala? Baka may tama sa’yo girl.” 

“Nakatingin lang may tama na agad?” 

“Eh ba’t kung makatingin wagas??”

“Malay ko! Yaan mo na nga yan! Kumuha ka na lang ng number. Ayan na oh!” Pag-iiba ko ng usapan.

I'm Inlove with a Church BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon