DAY ONE:
After we're divided eh pina-rest muna kami. Habang nakaupo eh nakita ko nanaman yung lalaki na nakita ko earlier. And this time eh talagang nakuha nya ang atensyon ko. Hindi dahil siya ay gwapo, kundi dahil sya ay weirdo. Baket?? Kasi ang baduy ng porma niya, hindi pa fit sa lugar yung sinuot nya. Naka stripe siya na gray and white, tapos naka shorts na maong ba yun? Basta naka shorts na hanggang tuhod, tapos yung right foot naka kneesock, yung left foot naka regular sock lang? Eh?! Seryoso?! HAHAHAHAHA. Aba'y naka tennis pa. Eh di sya na! BADUUUY! HAHAHAHAHAHA.
"Ba't nakasmile kang mag-isa dyan? Mukha kang ewan." Biglang pukaw ni Orly sa atensyon ko. Isa siya sa mga churchmates ko napabilang nga lang siya sa orange team.
"Eh kasi ang baduy ng lalaki oh! Tingnan mo yung porma nya. Baduy na nga eh nag sosoccer pa. hahaha. Hindi kaya fit sa lugar yung suot nya. Plus, hindi sya makakapag soccer dito kasi hindi plain yung place. Like duh?! Bundok kaya to! Alam ba niyang camping ang pupuntahan? Para gusto yata nitong maging miyembro ng Azkals, di naman bagay. Pshh."
"Wow grabe ka Lou! Makapanlait wagas?! Hahahaha"
"HAHAHAHAH. Loko!"
"Ewan ko sa'yo!"
"Attention all campers, please proceed to your respective groups now." Sabi ng isa sa mga facilitator.
"Oh proceed na daw. Usap nlang tayo mamaya." Sabi ko kay Orly bago kami maghiwalay.
"Okay sige."
Magkakasama na ngayon ang lahat na napabilang sa red team. Happy ako sa grupo ko kasi mas marami ang babae at halos lahat magaganda. Isa isa kaming nagpakilala at dahil nga ang swerte swerte swerte ko talaga eh magkasing grupo kami ng baduy. Kelan ba ako lulubayan ng kamalasan dito?!!
"Hello team. I'm so happy na kayo ang naging part ng red team - ang team ko." Sabi ng isa sa mga councilors o head ng team. "Ako si Kuya Pops ninyo. My real name is Paulo, Pops for short. Single pero di na available. Taken na eh. Ewan ko nga lang kung nakuha ko nadin yung puso ng babaeng napupusuan ko" At agad siyang tumingin sa kasama nyang babae na Team Leader din na naka smile. Edi siya na sweet! Haha.
"Ayeeee." Yan naman ang sigawan naming lahat.
Namula naman yung si ate. Haha. Ay? Mutual kayo te? Hahahah. Buti nlang pala kwela tong leader namin kung hindi, nako nako ewan ko nlang talaga.
"Ngayon ay sasabihin ko sa inyo ang ating schedule of activities para alam niyo kung anong oras kayo gigising, kakain, maliligo at matutulog. Okay? 6am dapat lahat ay magkakasama na. Same spot lang tayo dito sa ilalim ng mangga. Bring your own chairs. May schedule din tayo ng presentation. Bukas ng hapon ang grupo natin ay magpepresent ng isang song number. Maliban dun ay meron din tayong role playing para sa lahat ng ating natutunan dito. Lahat ng campers ay required na sumali sa games sa hapon. Bukas ng gabi nama'y meron tayong search for Mr. and Ms. Camper." Sabi ni Kuya Pops.
Search for Mr. and Ms. Camper. Aba maganda yan. Sana ako nlang ang kunin. Talagang gagamitin ko yung piece ko sa declamation nung nag compete ako sa school sa talent portion. Aba'y pangarap ko ring magka sash ano at.."
"Lou!" tawag sakin ni Kuya Pops habang ako'y nasa gitna ng aking pag dedaydream.
"Po?" Ang agad kong naisagot.
"Ikaw ang pinipili naming mag represent ng ating team."sabi ni Kuya Pops na naka smile pa.
"Yes! Yes! Thank you Lord! Thank you, thank you talaga :D! sabi ko sa aking kaloob-looban. Syempre hindi ko nman pwedeng ipagsigawan ang totoong nararamdaman ko noh! Haha.
"At ang makakapartner mo ay si Dan" Dugtong pa niya.
Halos napanganga ako sa sinabi ni Kuya Pops. Okay na sana eh. Ang saya saya ko na sana eh. Pero yung partner ko...Seryoso ba syaa?!! Ipapartner nya'ko sa baduy na yoon?! Waaaahh! Akala ko tapos na yung mga kamalasan ko. Hindi pa pala --.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a Church Boy
RomanceThis story is partially true to life. Some scenes are with hugot but most of them are all products of my wild imagination.. This is my first time to publish a story so I hope you guys will like it :) Enjoy Reading and I hope You'll get something fr...