CHAPTER FOUR

2 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

Last night na. Ang bilis! Sabi ng staff eh magpaganda daw kami kaya agad naman kaming nagpaganda. We should look gorgeous tonight daw kasi ito na ang last night namen sa lugar. Edi Gora! Haha.

Lipstick dito, lipstick doon, pulbos dito, pulbos doon, suklay dito, suklay doon, cologne dito, cologne doon. Yan ang eksena naming mga babae sa room. Maya-maya’y isa isa nang nagsidatingan ang mga lalaki sa room naming mga babae para sunduin kami for dinner. From the highest number to the lowest. Eh dahil twenty seven ako, chill na lang muna. 

Excited ang lahat na malaman kung sino ang mga partners nila. Marami din ang magaganda ngayong gabi. Pero syempre, hindi kami magpapatalo. Si Ate Pam at Ate Amber terno sa color pink na dress na iba-iba lang yung design. Si Ate Joey naman eh pumuti sa yellow kikay niya at white blouse (yung pang girly, di ko alam kung ano tawag dun eh. Haha). Si Ate Lyn naman eh looking sexy sa kanyang fitted jeans. Si Regine naman ay lumabas ang tunay na ganda sa kanyang above the knee pero formal dress. Ako naman ay naka color blue floral dress. 

Nasa 30’s na ang number na niroroll call kaya naman ay lumapit na ako sa door. Malapit na ako eh. Pero dahil masikip dumungaw muna ako sa bintana  na malapit din sa door. 

“Psst!” 

Agad naman akong napatingin kung sino yung naninitsit. Si Dan lang pala. 

“Ano?” sabi ko.

“Ang ganda mo ngayon.” Sagot niyang naka smile.

Nahiya ako sa sinabi niya kaya itinuon ko na lang ang paningin ko sa isa-isang nagsisilabasang dilag sa girls’ room. Maya-maya’y lumabas si Ate Joey at napa smile naman ang partner niya pagkakita kay ate. Ang ganda din kasi ni ate tonight. 

“Anong number ka?” tanong uli ng mokong.

“Baket?” sagot ko na may tonong maldita.

“Bawal malaman?” 

“27, ikaw?” 

“Ah. Hindi pala tayo magkakapartner. 10 ako eh.” Sagot niyang may tono ng panghihinayang.

“Ah okay.” Expressionless ko namang sagot.

“Suplada naman ne’to”

TWENTY SEVEN! WHERE’S GIRL NUMBER TWENTY SEVEN?” sigaw ng facilitator sa door. 

Ay! Ako na pala yung tinatawag. Iniwan ko na agad si Dan. Bahala ka sa buhay mo. 

“I’m here.” Sabi kong naka smile pa at dire diretsong lumabas. Paglabas ko ay walang lalaking nag forward to acknowledge na siya si number 27. “Where’s my partner?” tanong ko na tumitingin tingin pa sa mga lalaking nakapila.

“I’m here my darling.” Sabi ng boses sa likod ko.

Pagharap ko, talagang nagulat ako sa partner ko. My gosh! Younger version ata ni Bangky ito! Waaaa! Ba’t ba ako puno ng kamalasan dito?? Yung partner nila ate at Regine ba’t ang gagwapo? Yung sa’kin, ba’t mukhang bangkay?! Nakapustiso pa!! waaaa!! Gusto ko na talagang umiyak, tumakbo, magwala!!

“Shall we?” sabi pa nya habang inilalahad ang kamay nya. Eeeww.. shall we mo mukha mo!

Dahil badtrip na badtrip ako, inunahan ko na siyang lumakad at pumili ng spot kung saan kami mag didinner. Dahil ito ay isang romantic dinner, (para sa kanila, exempted ako dito), walang tables and chairs. Instead, yung lalaki ang mag poprovide nang mats and diyan uupo ang mag partner. Filled with grasses din naman yung place at candles lang ang nagsisislbing ilaw namin na nasa ground kaya tunay na romantic at parang nag pipicnic lang. Ang lalaki ang kukuha ng pagkain ng mga girls at mag-oofer ng drinks- sofdrinks or juice (Pag may budget sila) or tubig (kung walang budget) HAHAHAHAH . Naka palibot ng candles ang buong place kaya romantic (para sa kanila lang ulet). Maganda sanang tingan, yan eh kung maganda ding tingnan yung partner mo! -_-

I'm Inlove with a Church BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon