Natapos nang mag salo salo ang lahat sa kanilang napanalunan. Bukas pa daw e aa-announce ang over-all winner. At dahil sobrang lamig na talaga at wala pang bone fire, e pumuNta nlang ako sa yung parang torch na may apoy? Di ko alam ano tawag dun eh, atsaka nilagay kamay ko para mainitan. Lamig2 talaga eh.
“Suotin mu to! Gabi na at malamig pa. Baka sipunin ka.” Si Dan. Isinuot niya sakin yung cap niya na mula pa first day niya sinusuot.
“Thank You. At Congrats pala kanina. Ayeeee! First runner up siya!”
“Psshh. Mas maganda kung first ka din. Para tayo padin mag partner.”
“Haha. Ewan ko sa’yo. Haha”
“Ready na ang bone fire guys! And sinong gusto magpainit pumunta lang dito.”
“Punta tayo dun, dali!” pag-aanyaya ko kay Dan. Agad naman kaming umalis dun sa torch pero si Dan dumiretso sa session hall. Ako naman nakatayo lang sa gilid ng bone fire.
“Maupo ka” paglingon ko si Dan pala. May dala nang dalawang upuan.
“Thank you.”
Tahimik ang paligid. Walang umiimik. Nakikipagramdaman lang kami sa isa’t-isa. Bigla kong nakita yung baller kong matagal ko nang isinusuot. Marami na ang nag try na hingin to pero hindi ko binigay kase parte na ‘to ng buhay ko. Pero parang may boses na nagsasabing ibigay ko sa kanya. Kaya kinuha ko ang baller ko at ibinigay sa kanya.
“Oh, sa’yo na.” sabay abot ng baller.
“Para sa’n to?”
“Remembrance.”
“Thank you ha?” at isinuot ang baller. “Sorry wala akong mabibigay sa’yo. Di ko naman kasi inexpect na magkakakilala tayo dito”
Agad naman akong nag smile at itinaas ang paningin ko na ang ibig sabihin eh hinihingi ko ang cap na ipinasuot niya sa akin.
“Nako! Wag yan.. bigay din sakin ng bestfriend ko yan eh. Di ko nga pinapahiram yan, sa’yo lang.”
Napatawa naman ako. “Joke lang! tsaka okay lang kahit wala kang ibigay na remembrance. Di naman kita inoobliga”
Nagpatuloy ang tahimik sa paligid. Yung maririnig ko nlang ay yung mabilis na tibok ng puso ko. Henebeyenn -_-
“Lou, sandali lang ha? Kukuha lang ako ng pagkain.”
“Sige. Take your time.”
Di pa masyadong nakakalayo si Dan eh umupo naman sa tabi ko tong si Regine. Mukhang kinikilig..
“Kyaaa! Kinikilig ako sa inyo kanina. Hahahahha” sabi ni Regine na parang nakapanood ng Kathniel.
“Adik to? Ano kakikiligan mu don?” sagot kong patay malisya.
“Kyaaa! Yung talent portion, yung hug kanina. Ahahahaha. May chemistry kayo te! Hahaha”
“Adik ka talaga.”
“Ano? Nanghingi na ba ng number?”
“Wala eh. Wala atang cellphone?”
“Asus! Nahihiya lang yan! Lika! Gawan natin ng paraan yan. Ganito ang plano. Lalapit ako sa kanya. Tapos tatanungin ko siya kung gusto niya makuha yung number mo. Tapos ako na magbibigay sa kanya. Ano? Okay?”
“Okay na okay” hahahahaha. Adik talaga tong si Regine.
Bumaik naman agad si Dan may dala nang sopas. Tong si Regine naman umalis din agad at nakipag chikahan na sa iba.
Mabilis na tumakbo ang oras at lights-off nanaman. Pero kami ni Regine start na ng operation. Para akong maiihi sa kaba.
It seems like that night, everything is getting well with our plan. Pumunta kami sa wash area dahil alam namin na nandun pa siya. Jackpot pa dahil alam namin na nasa loob siya ng cr. Hinintay namin siyang lumabas at si Regine naman ay hawak-hawak ang number ko na nakasulat sa tissue. Paglabas niya ng cr eh agad ding lumabas yung girl sa kabila kaya agad akong pumasok sa kabila. Si Regine naman ay naiwan sa labas kasama si Dan.
Para akong matatae sa loob ng cr dahil sa kaba habang naghihintay kay Regine na pumasok. Pagpasok niya agad ko siyang tinanong. “Kamusta? Ano sabi?
“Kung tama daw ba yung number na bigay ko.” Sabay bigay ng makahulugang tingin at ngiti.
“haha. Ano sabi mo?”
“Sabi ko, certified true at liable. Haha”
“Adik ka talaga.”
“Kilig ka lang!”
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a Church Boy
RomanceThis story is partially true to life. Some scenes are with hugot but most of them are all products of my wild imagination.. This is my first time to publish a story so I hope you guys will like it :) Enjoy Reading and I hope You'll get something fr...