Natapos na ang question and answer portion pero hindi parin ako pinapansin ni mokong! Problema nun? Di lang tiningnan nagdrama naaa? Seryoso ba syaaa? Talaga bang nagalit siya kasi di ako tumingin sa kanya? Weirdo talaga nito.. ginawa ba namang big deal! Edi wow!
Natapos nang mag present ang lahat at maya-maya’y hihirangin na kung sino ang mag-uuwi ng korona. Taray! Miss universe and peg. Hahahahaha. Pero yung totoo, wala talagang crown. Sash lang :D . pero infairness, first time ko magkakasash if ever. Haha.
Habang kinocompute pa yung mga scores ng candidates e nag intermission muna. Hinahanap ng mata ko si Dan. Hindi ko masyadong pina pa-obvious na hinahanap ko siya. Baka kiligin ang mokong.
Maya-maya pa’y nakita ko na siya. Kasama niya pala group of friends niya. Teka, simula nung first day ng camp di ko pa siya nakikitang nagtetetxt. May cellphone ba siya? Tsaka galit ba talaga siya? Poker face ang mukha eh.. para talagang bipolar to! Bilis mag change ng mood.
“Thank you so much Yellow Team for that energetic song number. Sa sobrang lakas ng energy niyo muntik na akong makatulog. Hahahahaha.” Sabi ng isang host. Pati ang mga campers tumawa.
“Now, may I request the participants to please proceed here on stage. Ay sorry wala pala tayong stage. Sige, dito sa center nlang. Hahaha.
Agad naman kaming pumunta sa center. Yung mokong di parin namamansin.
Yung arrangement namin according to numbers. Since first performer kami, kami yung nauna.
“Hoy! Galit kaba?” tanong ko sa kanya na pabulong
Walang sagot. Tae! Galit nga! Seryoso ba talaga to o talagang nag-iinarte lang??
“Hoy! Sorry na”
Tiningnan niya lang ako at umiwas naman. Ang arte talaga ng lalaking to! Hampasin ko kaya? Haha. Wag na, baka magalit pa lalo. Pero infairness, ang cute niya pagnagagalit. Napa smile tuloy ako.
“Anong sina smile mo dyan?” bigla niyang sabi.
“Ay salamat! Nagsalita din. Akala ko naman uuwi akong di papansinin. Hahahaha.”
Bumalik agad siya sa pagka poker face niya. Oh edi siya na. hahaha. Daming alam na kaartehan ne’to! Haha.
“And now, the moment we’ve been long waiting for.” Sabi ng host. “We will be first announcing the runner ups and the last two to remain will have the chance to win – THE SASH. Hahahahaha.”
“Sash lang?” tanong ng isang host.
“Oo sash lang! hahahahaha. Walang budget ang Pilipinas.” Tumawa naman ang mga campers sa sinabi ng host.
“Drum Roll please..”
(BACKGROUND MUSIC: Drum Roll)
“Sa female category muna tayo… Our third runner up is… (Drum Roll) teaaaam (Drum Roll) Orange! Congratulations, Orange Team.”
Pumunta naman sa gitna ang babae na representative ng Orange Team at binigyan siya ng sash.
“Lahat naman pala partner may sash eh.” Sabi ng isang host.
“Syempre naman partner. Hindi naman ito competition, ito ay katuwaan lamang.” Pag-eexplain naman ng host. “Pero, ang third runner up ay makakatanggap ng additional plus three sa kanilang over-all score sa lahat ng kanilang napanalunan.”
Agad namang nagpalakpakan ang lahat na nasa orange team at nag cheer. “O-o-o, O-o-o, Oraaaaaangeee! Go team Orange!” napuno ng palakpakan ang camping site.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with a Church Boy
RomanceThis story is partially true to life. Some scenes are with hugot but most of them are all products of my wild imagination.. This is my first time to publish a story so I hope you guys will like it :) Enjoy Reading and I hope You'll get something fr...