Chapter 6 The List of Firsts

97 4 0
                                    

"Okay ka lang?" tanong ni Nick sa'kin ng nakapasok na ako sa kanyang sasakyan matapos ang "Attack of the Showbiz Reporters". Nasa passenger seat na ako, hindi na gaya ng dating nasa likod lang ng sasakyan niya. On play na kasi ang deal namin.

"Oo, okay lang. Grabe Nick." Sabi ko habang nakatingin sa mga reporters na kumukuha ng maraming pictures through the car windows.

"Wag kang mag-alala, my car windows are all tinted. They can take all the pictures they want pero wala pa rin silang makukuha satin dito sa loob ng sasakyan ko." Sabi niya habang masayang nakatutok sa kanyang phone. "They never saw me dating anybody ever since I got in the business so for them, this is one scope they can't afford to miss." Sigurado niyang sinabi.

"Wow, ang humble mo ano?" I said sarcastically.

"What? If hindi ka naniniwala sa sinasabi ko then fine. Suit yourself." Sagot niya. "I'm just telling you the reason on why they're here." Ipinakita niya ang phone nya sa'kin at lumabas sa screen ang isang Showbiz Bits News:

"One of Philippines' Hottest Bachelors, Nick Santiago, Dating Someone for the First Time?"

May naramdaman akong 'Wow Feeling' ng nabasa ko ang ipinakita niya sa phone.

'Ako ang 'Dating Someone for the First Time' ni Nick.' I thought.

Nasa both sides ng sasakyan ni Nick pa rin ang mga reporters at kahit alam nilang nasa loob na kami ay wala pa rin silang sawang nagtatanong sa kung totoo ba talaga ang latest news tungkol kay Nick at kung ako ba ang nasasabing "Mysterious Girlfriend" niya. Nakita ko sa UNAHAN namin ni Nick ang nakaparadang sasakyan ni Tita Purita na inaatake rin ng mga reporters.

"Pati sila Tita Purita kasali sa issue na ito?" tanong ko sa kanya.

"Anyone na alam nilang related ko'y kinukuhaan nila ng kahit anong information o comment." He put his phone down at tumingin sa kung saan nakaparada ang sasakyan ni Tita Purita. "We better go bago pa lalala ang komosyon dito." Sabi ni Nick at inandar ang sasakyan niya.

Hinay-hinay siyang nagdrive para makalaya sa mga reporters at matapos ang parang tatlong minuto ay nasa highway na kami.

"Sila Tita?" tanong ko.

"Alam na ni Anton ang gagawin niya." Sagot niya.

"Ah Okay."

"Let's change the subject, Anggi." Tinawag na naman niya akong 'Anggi'.

"Akala ko ba 'Angel' na ang itatawag mo sa'kin." Sabi ko.

"Infront of people, yes. But if it's only you and I, I'd call you whatever I like."

'Insulto ba yun?' Bago pa ako mabad mood ay sinimulan ko na ang pag-uusap namin.

"So ano yung subject na gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya.

"Oh yeah. It's about your brother. I think he's not cool about this. Paano mo ba in-explain sa kanya?" tumingin siya sa'kin habang naka-red light.

***

"Ano yun?!" tanong ni Ryan.

Nagulat na lang ako nang nakita ko siyang nakatulalang tumayo malapit sa pinto.

"Ryan... Kanina ka pa diyan?" sabi ko sa kanya.

"Anggi, ano - " naputol ang sasabihin niya ng may kumatok sa pinto.

"Hello, magbibigay lang ako ng meds sa'yo Ms. Reyes." Sabi ng nurse dala -dala ang isang tray. Tumabi si Ryan sa pinto para makadaan ang nurse patungo sa'kin.

Habang nagbibigay ang nurse sa'kin ng meds ko'y nakita ko sa couch si Tita Purita na may kausap na naman sa kangyang phone dala-dala ang kanyang iPad. Sa tingin ko parang busy talaga siya sa kanyang trabaho ngayon. "Excuse me." Ngumiti siya sa'kin at lumabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bachelor's KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon