***Prologue***
"This must stop at once!" Vice President Miguel Jimenez said gesturing angrily at the newspaper's headlines
"KIDNAPPING CASES: INCREASED NATIONWIDE"
"Ang aga pa nga, problemang ganito na ang kumupronta sa'kin! Does this get any worse?" He said sabay lakad back and forth sa desk ng office niya.
"Well Mr. Vice President, tumaas naman ang value ng dolyar simula kahapon po." Rosita dela Cruz, his secretary tried to cheer him up with some good news. "At nakuha na ko po yung resulta sa survey of all crimes that happened last year, Sir."
Ipinakita ni Rosita ang isang white folder kay Vice President, hoping that that calmed him down kahit konti man lang.
"Salamat Rosita." kinuha niya ang folder at inilagay sa desk niya. He finally sat down and sighed.
"And Sir, just to remind you. You have a meeting with the NBI Chief Inspector about the increasing kidnapping cases in the country tomorrow at 9 o'clock." Nakatingin si Rosita sa tablet niya at chineck ang mga appointments ng Bise Presidente ngayon pero before she could continue...
"Uhmm, Rosita, anong petsa ngayon?" tanong niya sa kanyang sekretarya.
Rosita looked at the calendar na nasa wallpaper ng tablet niya. "February 15 po. Birthday ngayon ni..."
"Ni Angelina!" he finished her sentence.
Birthday nga pala ng pinakamahal niyang apo, well she is his only granddaughter to say the least. Spoiler ito sa apo niya, lahat binibigay niya hanggang sa makakaya niya. Kahit magcancel ng appointments niya gagawin niya kung kailangan lang ni Angelina. At ito ang gagawin niya ngayon dahil birthday ng apo niya.
'Oo nga pala! David said to come to their house ngayon. Bakit ko ba nakalimutan?' he sighed.
"Rosita," tumayo siya at bago pa siya makapagsalita ay sumagot na si Rosita.
"On it Sir!" kinuha ng sekretarya ang cellphone niya at sinimulan ang pagcancel ng lahat ng appoinments ng Bise Presidente sa araw na iyon.
Kilalang-kilala ni Rosita ang Bise Presidente mula pa noong congressman pa ito. Sa lahat ng ayaw niya, ayae niyang makalimutan ang mga family events niya, kahit gaano man kabusy ay he'll find a way para makasama yung pamilya niya kung mat mga ganitong events, especially the birthday of his favorite granddaughter - Angelina Isabelle Briony Ayala Jimenez.
Ngumiti lang si Miguel habang nag-iisip kung ano ang birthday gift na ireregalo niya sa kanyang apo.
"All done Mr. Vice President." Rosita reported.
"Then I'm ready to go. I just need to decide kung ano ang ibibigay ko sa apo ko." Sabi niya.
"Tapos na po din yan Sir. Andoon na sa kotse mo ang regalong ibibigay mo kay Angie. Mrs. Emily chose the gift yesterday, in case na makakalimutan mong bumili." she said habang lumalabas sila patungo sa kotse ni Miguel.
"Thank you so much, Rosita. I have to go. Ikaw na ang bahala dito ha?" sabi ng VP.
"Ok sir. Enjoy your day!" she replied.
"Ikaw din!"
At lumayo na ang kotse sa kanyang opisina patungo sa bahay ng kanyang iisang anak - David Jimenez who was married sa isang napakagandang babae - Isabelle Ayala.
Ang suwerte daw ni David dahil minahal at naging asawa niya si Isabelle pero karamihan naman ng mga babae ay nainggit din kay Isabelle dahil napangasawa niya ang one of the bachelors of their time. Di naman nagkamali ang dalawa dahil bagay na bagay talaga sila at dahil sa kanilang pagmamahala'y nagbunga ito ng isang magandang anak.
