Nagkuwentuhan na kami sa living room except sa matandang lalaki na nalaman kong naging bise presidente noon pala.
"Dad has never smiled or laughed the way he used to noong bata pa si Angelina, noong andito pa siya." sabi ni Tita Isabelle. "Actuallty, we all hardly see him smile now. Parati na lang siya nakatuon sa office niya. After his 1st term noon, he wanted to run for his 2nd term. That decision was before the tragedy but after we lost Angelina in the kidnapping, nawalan na siya ng gana. All he's doing now is waiting for updates sa NBI." she explained.
"Talaga, Tita?" sabi ko.
"May investegation pa rin hanggang ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Yes, Dad has really given much time, much money and much effort in searching for Angelina. Wala naman kami nawalan ng pag-asa pero sa aming lahat, parang si Dad talaga ang..." she trailed off nang lumabas ang matanda sa office niya with his phone sa kanyang tenga.
"No! Whether you like it or not, we'll keep the investegation running. You have not found any trace of a dead body ever since which makes a lot more chance na buhay pa ang apo ko! You get the message, Chief?" sabi niya sa phone habang naglakad patungo sa labas ng bahay.
"Busy as ever na naman siya." she sighed.
'Talagang mahal ng matandang yun si Angelina kasi kahit lumipas na ang maraming taon, he never gave up hanggang ngayon. Sana naman makita na niya si Angelina.' isip ko.
Nakasimangot na kaming dalawa ni Tita Isabelle pero ng makita niya ako, she forced a smile.
"Ano na ba to? Birthday mo hija pero kinikwentuhan kita ng isang sad story." sabi niya.
"Okay lang yun, Ma'am, este Tita."
Nagkamali na naman ako. Paano naman kasi eh, ang ganda ng katabi ko at isang maid lang ako pero ititita ko siya? Swerte naman ako ano? Kung may Tita o Tito ako.
Ano kaya't nakilala ko silang mama't papa? Minsan napapa-isip ako kung ano talaga ang mukha ng mga magulang ko dahil kahit isang picture wala si Ate Maria na maipakita sa'kin.
I sighed.
"Angel? Are you okay?" Naputol ang pag-iisip ko.
"Ha? Ahh.. Oo po! Okay lang po ako!" sagot ko kay Tita Isabelle.
"What were you thinking?" tanong niya.
"Ahhm... Wala po..."
"Sure? Kasi parang napakalalim ng pag-iisip mo ah?" sabi niya.
Napakamot na ako sa ulo ko. "Naku po, wala yun. Sorry kung nakatulala lang ako kanina." sabi ko.
She smiled. "Why don't we go upstairs, may ipapakita lang ako sa'yo." Kinuha niya yung kamay ko't tumayo.
"Where are you going my dears?" tanong ni Ma'am Purita.
"Can I borrow Angel for a minute, Ate?" she asked her. " May ipapakita lang ako sa kanya."
Ma'am, este, Tita Purita smiled at tumango lang.
Umakyat na kami at napakagrande naman talaga ng bahay nila kasi kahit hagdanan, may paikot effect pa! Ang yaman talaga nila at napakaswerte ko naman at nakapasok ako sa kanilang bahay. Grande naman ng bahay ni M...Tita Purita pero parang ibang ang pakiramdam ko sa bahay nila Tita Isabelle. Parang nakapasok na ako sa bahay nila noon.
Habang si Tita Isabelle ay nauna sa paglakad patungo sa isang kwarto sa sulok, nagtingin tingin ako.
'Para talagang... I was here before...' isip ko sa sarili ko.
