Chapter 1 Angel's Dreams

322 6 0
                                    

Angel, you know how much I love you right? Sabi ng isang guwapong lalaki sa akin.

Oo, at mahal na mahal na mahal din kita!

Lumapit na si prince charming sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Unti-unti ay nagkalapit din ang mga labi niya sa akin at parang ilang milisecond na lang ay makikiss na niya ako! Pumikit ako at naghintay dahil parang slow pa sa slow motion ang paggalaw niya, e.

"Anggi!"

May sumigaw at sa pagdilat ko'y nawala ang prince charming ko, kahit sino pa siya!

"Anggi!"

Ayun, panaginip lang pala!

Good bye my prince charming! I'll never see you again! Inisip ko habang nakahiga pa rin sa kama.

"Anggi!" Pumasok si Ryan sa kwarto ko't kinuha ang kumot ko sa kama.

"Hoy! Bangon ka na at may trabaho pa tayong tatapusin." Sabi niya.

"Malapit na yun, e!" Sabi ko sa kanya.

"Anong malapit na?"

"Yung kiss ng prince charming ko!"

"O, nadisturbo ba kayo ng prince charming mo?" Inasar na naman ako ng mokong na ito.

"Che!"

"Bumangon ka na nga diyan! Sige ka, lagot ka kay Ma'am Purita kung makikita niyang wala pa kang ginawa, si Ate na nga yung nagluto ng breakfast, e."

"Bumangon na ba si Ma'am?

"Hindi pa! Kaya't bumangon ka na diyan bago pa tayo mahuli ditong nag-uusap lang!"

"Sige, sige. Aayusin ko lang 'tong kama ko't susunod ako sa'yo Ryan."

"Dalian mo ha!"

"Oo nga!"

Bumangon na ako't inayos ang kama ko at ang buhok ko. Lumabas ni si Ryan patungong kusina ng bahay. Nagbihis ako't lumabas na din ng maiden's quarters namin ni Ate.

Ako pala si Angel Reyes, 16 years old laking walang mga magulang dahil namatay sila sa isang aksidente. Yun yung sinabi ng Ate Maria ko. Di ko kasi maalaala kung napaano talaga sila dahil bata pa ako'y wala na sila. Kami na lang ng dalawa kong kapatid, si Ate Maria at si Ryan. Nagtatrabaho kaming tatlo sa isang malaking mansion na pagmamay ari ni Ma'am Purita, isang mayamang babae pero mabuti naman siya sa amin, ang bait nga ngunit kahit maganda man siya o mabait, wala pa rin siyang asawa o mga anak. Ang munting kasama niya lang ay kaming tatlo at may dalawa pang kasambahay sina Ate Felicia at Ate Agnes, yung driver niya na si Kuya Anton, at si Kuya Ramon ang security guard ng bahay. Kahit di man mi kadugo lahat ay dahil sa kabaitan ni Ma'am Purita'y para na din kaming isang pamilya.

"Morning Ate!" Nakita ko siya sa stove nagluluto.

"Hay nako! Salamat at gising ka na!" Sabi ni Ate. "Maghugas ka na ng kamay at kumain. Ako na ang bahala sa breakfast ni Ma'am."

"Maayong buntag Angel!" Sabi ni Ate Felicia. May pagkabisaya itong si Ate, laking Visayas kasi, e.

"Magandang umaga din sa'yo Ate Felicia!"

Umupo na ako at bago pa ako makakuha ng plato ay binigyan na ako ng isang plato ng tinapay ni Ryan.

"Salamat!"

Sinimulan ko na ang light breakfast ko, 'pang mayaman ang term???' hahahaha... at bago ko pa maubos ang mga tinapay ay pumasok si Ate Agnes.

"Gumising na si Ma'am." Sabi niya at dinalian ni Ate ang pagluto.

The Bachelor's KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon