"Anggi?" Narinig ko ang boses ng Ate Maria ko nang pumasok siya sa kwarto ko.
"Ate, ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya. Bagong gising pa ako ngayon, mukhang pagod dahil sa mga nangyari kahapon.
"Magtatanghali na pero tulog ka pa. Sabi ni Ma'am sa'kin kanina'y huwag ka ng gisingin pa at baka'y pagod ka lang pero 11:30 na kasi Anggi eh." sabi ni Ate Maria.
"Ganon ba?" Bumangon ako ng kama't biglang bumagsak sa sahig.
"Anggi!" Sigaw ni Ate. "Anong nangyari sa'yo?" Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko. "Bakit ka may lagnat?" tanong niya sa'kin pero hindi na ako makasagot. Ang bigat ng ulo ko at parang giniginaw pa rin ako. Pinikit ko na lang ang mga mata ko't nakatulog sa mga kamay ng Ate Maria ko na parang bata sa sahig.
***
"Angel?" Nakita ko si Ma'am Purita.
"Ma'am este Tita, nasaan po tayo?" Nakita kong nasa isang puting kwarto kami at may IV sa kaliwang kamay ko.
"Nasa hospital tayo ngayon at dahil yan sa taas ng lagnat mo. Ang init-init mo noong nakita ko kayo ni Maria sa sahig ng kwarto mo." sagot niya. "Okay ka na ba ngayon?" tanong niya.
"Mabuti na po ang pakiramdam ko ngayon, Tita. Salamat po." sagot ko sa kanya.
"That's good to hear pero hindi ka pa lalabas ng hospital kung di natin malaman kung okay ka na ba talaga." sabi niya.
"Pero paano po yung mga trabaho ko sa bahay?"
"Wag mo muna yun iisipin, Angel. Ang importante ngayon ay mawala ang sakit mo." sabi niya't ngumiti.
Nakita ko si Ate Maria na pumasok. May dala siyang bag at inilagay ito sa cabinet. Doon ko lang namalayang hindi ordinaryong hospital room ang kinuha ni Tita Purita. May dalawang cabinets ito, may furniture set sa isang sulok, may flat screen tv, may dresser at may counter. Malawak ang kwarto na parang hindi kwarto sa hospital.
"Anggi, salamat naman at gising ka na." Hinaplos ni Ate ang pisngi ko at ngumiti. "Alalang-alala ako sa'yo. Buti na lang ay narinig nila Agnes at Felicia ang saklolo ko at tinulangan tayo nina Ma'am patungo dito. Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay na po ako ngayon Ate. Medyo stress lang talaga ako." sagot ko sa kanya.
"Stress? Oh my! Is that because of what happened noong birthday mo, Angel?" tanong ni Tita Purita sa'kin.
"Naku po, hindi Tita. To be honest po ay nag-enjoy ako." paliwanag ko sa kanya.
"Are you sure?" she reassured.
"Opo." Ngumiti ako.
"Enjoy? Hmp! Basang basa ka nga sa pag-uwi mo noon eh!" Biglang singit ni Ryan.
"Oo nga Angel. About that, saan ba kayo nanggaling ni Nick at basang basa kayo ng ulan sa pag-uwi n'yo?" tanong ni Tita Purita na lumabas na naman ang pag-alala sa mukha niya.
"Ha?" yun lang ang nasabi ko nang natandaan ko ang mga nangyari kagabi kasama ang mokong na pamangkin ni Tita Purita.
"Anggi?" tawag ni Ate Maria.
Pero bago ko pa masagot ang tanong nila'y may kumatok sa pinto at umasok ang doktor.
'Hai salamat!' isip ko sa sarili ko.
"Hello po, good afternoon." bati ng doktor sa'min.
"Good afternoon po, Doc." sabi ni Tita Purita.
"Ms. Reyes, you're lucky to have been rushed into the hospital or you're case would've been worse." sabi ng doktor sa'kin.
"Doc? Bakit po?" tanong ni Ate Maria sa doktor.
