Chapter 2 The Wish

261 6 1
                                    

*Knock knock* "Anggi!"

May sumigaw sa labas ng kwarto ko na nakapagpagising sa akin ng biglaan. Akala ko kung sino na, si Ryan lang pala kaya't bumalik ako sa pagkahiga sa kama ko.

*Knock Knock* "Anggi!"

I ignored him.

*Bam Bam* "Angii!" *Bam Bam*

*Bam Bam*

*Bam Bam*

'Ugh!'

Linakasan pa niya ang paggawa ng ingay sa pinto ng kwarto ko kaya't napilitan akong bumangon at buksan ang pinto ng kwarto.

"Ayan na! Gising na ako Ryan! Wag mo ng sirain yung pinto ko!!!" sabi ko sa kanya sa kabila ng pinto.

"Buksan mo na nga sabi Anggi!"

Binuksan ko na ang pinto at nakita ko sina Ate Maria at Ryan sa labas.

"Happy Birthday Angel!!!" Sabay nilang greet sa akin.

'Birthday? Birthday ko na ba ngayon?' sabi ko sa sarili ko.

Pumasok sila't binigyan ako ng mahigpit na yakap galing kay Ate Maria. May dala pang tatlong balloons at isang cake na may kandila si Ryan.

"Happy Birthday Angel! 17 ka na!" Sabi ni Ate.

"Ate naman, wag naman niyo pong ipaalam sa akin yun" biro ko sa kanya.

"Oo nga Ate, wag mong ipaaalam sa kay Anggi na matanda na siya! Hahaha" Asar ni Ryan.

"Birthday ko na nga, aawayin mo pa ako!"

"Ay sus! Wag ka ng magdrama birthday girl, mabuti pa'y i-blow mo na yung candle sa cake mo bago ko pa ito kakainin." Asar naman niya sa akin at dinala ang cake sa harapan ko.

"Make a wish, Anggi." sabi ni Ate.

Pinikit ko ang aking mga mata at nag-isip ng aking wish.

'Lahat naman naibigay na ng May Kapal sa akin e, si Ate, si Ryan, itong magaang buhay ko. Lahat ng problema ko noon nasolve na at yung paparating alam kong masosolve ko rin basta't kasama ko sila at si God. Pero may isa pa akong gustong masolve at malaman, yung dream ko kagabi at kung ano ba talaga ang meaning doon. Kaya, I wish I could find the little girl, kahit isang saglit lang. I wish.'

I opened my eyes at nagblow ng kandila sa cake ko.

"Hay salamat at makakain na ako!" Biro ni Ryan.

"Engot mo!" I pinched his ear.

"Aray! Joke lang!" sabi niya.

"Tama na yan, may gagawin pa tayo. Ryan, ilagay mo na yang cake diyan. Angel, magbihis ka na bago pa bababa si Ma'am Purita. Mamaya na lang tayo magcecelebrate ha?" sabi ni Ate.

"Ok lang po, Ate Maria. Mauna na kayo at magbihis lang ako sandali."

"Sige."

Lumabas na ang dalawa at dali-dali akong nag-ilis. Lumabas na din ako sa kwarto bitbit ang cake para mashare sa pagkain nila Ate Maria, Ryan, Ate Felicia at Ate Agnes. Nakapasok na ako sa kusina ng nakita ko sina Ate Maria at Ma'am Purita na nag-uusap. Nakatalikod si Ma'am sa akin kaya't si Ate lang ang nakakita sa akin.

"Anggi, nandito na pala ka!" Ngumiti siya.

"Oh, good morning Angel." Ma'am Purita greeted me.

"Good Morning po."

"Happy Birthday!" She smiled a lovely smile at me. Lumabas tuloy ang kagandahan ni Ma'am.

"Salamat po Ma'am, pero..."

The Bachelor's KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon