Chapter 04: Four of a Kind

8.9K 730 486
                                    

A/N: Tapos na sina Harriet, Morrie at Mina! Now's the turn of our boy Aiden!

A/N: Tapos na sina Harriet, Morrie at Mina! Now's the turn of our boy Aiden!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN

MAS MASAYA kung magkakasundo ang lahat, 'di ba? Mas magiging maayos kung mawawala ang mga bangayan o kung hindi man, at least mababawasan. Hindi naman basta-basta mawawala 'yon sa isang grupo. Darating sa punto na magkakaroon ng misunderstandings.

Talagang p-in-ush ko na mas maging malapit kaming apat sa Team WHAM. Marami na kaming pinagdaanan. Niligtas namin ang isa sa mga VIP noong Sherrinford Soiree. Niligtas din namin ang mga sarili namin sa island trip. Duda ako na roon na nagtatapos ang lahat. Sa espesyal na sitwasyon namin, marami pa kaming pagdaraanan.

Teka, baka isipin n'yo, may ulterior motive ako. Wala. Gusto ko lang talaga na magkaroon kami ng closeness at unity. Kahit na inaaway ako lagi ni Harriet, kahit na pinapasakit ni Mina ang ulo ko sa Morse code at kahit na ginagamit ako ni Morrie sa kung anumang dahilan na hindi niya isine-share sa akin, mas nangingibabaw sa akin ang koneksyon naming apat. Hindi naman lahat ng magbabarkada, pare-pareho ang ugali. At hindi lahat ng magkakabarkada, agad na nagkakasundo. We're just starting out.

Isipin n'yo na lang na nasa getting-to-know-each-other pa kami. Tiyak na mandidiri si Harriet sa choice of words ko. Wala naman akong dapat ipangamba. Hindi naman niya kayang basahin ang isip ko.

Sabay-sabay kaming pumasok sa klase nitong umaga. Meron pa kaming formation para ipakita sa ibang estudyante na united kaming apat kahit na iba't iba ang Houses na pinanggalingan namin. Heto naman talaga ang gustong mangyari ng university officials, na magkasundo at magkalapit kami sa isa't isa kahit ano pa ang House na kinabibilangan namin.

Kadalasan kasi, nasa loob mismo ng kani-kaniyang House ang clique namin. Madalang na may makita akong estudyanteng nakiki-hang out kasama ang mga taga-kabila. Ganyan katindi ang kompetisyon dito. Kung hindi mo kakulay, hindi siya belong sa circle mo.

So I guess we're the very first group to display this statement of unity in the campus? Talagang todo ang tinginan sa amin habang paakyat kami sa hagdanan at naglalakad sa hallway. Parang mga artista kaming bumisita sa campus. Kulang na lang ay magpa-autograph ang mga nakakita sa amin. Nag-joke pa nga ako sa mga kasama ko na baka kunin kaming ambassadors ng university dahil sa ipinapakita namin.

Hindi pa talaga gano'n ka-solid ang samahan namin. Kung magpapakatotoo ako, pakitang-tao ang ginawa namin kanina. Kinailangan ko pang i-convince ang mga kasama ko para maki-ride sila sa aking trip. Sa ngayon, gusto lang naming magpadala ng message sa kung sinuman na gustong magtangka sa buhay o samahan namin.

"Hanggang kailan tayo maghihintay rito?" naiinip na tanong ni Harriet. Kanina pa niya paulit-ulit na tina-tap ang mga daliri niya sa mesa. Pasulyap-sulyap din siya sa wall clock. "I still need to finish my assignment in Toxicology."

"Relax ka lang, Rie," sabi ko. "Hindi pa nga nag-iinit ang mga upuan natin, gusto mo na agad umalis?"

Fifteen minutes pa lang ang lumipas mula nang pumasok kami rito sa Diogenes Cafe. Oo, magkakasama na naman kaming apat at nakaupo sa palibot ng mesa. Pero hindi kami pumunta rito ngayong lunch time para mag-chill at mag-bonding.

QED University 2: House WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon