WILHELMINA
I LIKE spending my free time in the Watsonian Library. This area with rows of bookshelves and study rooms seemed like a happy and comfortable place to me. Ayon sa mga narinig ko, kami ang may pinakamalaking library sa apat na Houses. Hindi na kataka-taka dahil marami sa mga kapwa ko Watsonian ang mahilig gumawa ng research at maghanap ng references para sa kanilang studies.
I always go here whenever it's not crowded. Hindi sa pagiging madamot, ngunit mas komportable ako kung solo ko ang mesa at bakante ang ibang upuan. Tila hinihimasok ang private space ko kapag may katabi ako, lalo na kung hindi ko kakilala.
Kumuha ako ng leatherbound na aklat mula sa bookshelf at maingat na inilapag sa mesa. The book's title is A Werewolf in the Village. There's something in this story that made me pick it up. Wala naman sa intensyon kong basahin ang ganitong klaseng aklat. Baka napukaw ng pamagat ang interes ko. Werewolf... Hindi ako mahilig sa mga kuwento tungkol sa taong-lobo, ngunit nagawa ako nitong palingunin nang unang madaanan ko sa bookshelf kanina.
Maybe the title reminded me of the dilemma that I and the others were in. Someone tried to do us harm, and they could be here in the campus. That someone might be putting up a friendly face whenever we see each other in the classroom or along the hallways. Ngunit sa likod ng nakangiting maskara ay ang intensyong saktan kami. Halos magkatulad sa larong Werewolf kung saan nagpapanggap na villager ang isang taong-lobo at umaatake tuwing gabi kung kailan tulog na ang lahat.
Who among the people in this university was a werewolf disguised as a villager?
"I didn't know you like reading fiction."
My eyes raised their gaze at the figure that appeared before me. Bumungad sa akin ang mukha ni Sean. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya sa aking puwesto. Wala namang panganib sa palagid ko, ngunit mas mainam kung palagi akong alerto at mapagmatyag.
My lips parted and I was about to reply to him, but no words would come out of my mouth. Heto na naman. Kapag ibang tao ang kaharap ako, parang umuurong ang dila ko at nawawalan ako ng boses. Ngunit kapag sina Harriet, Aiden at Morrie na ang mga kasama ko, wala akong problema sa pagsasalita kahit mahina ang boses ko.
I grabbed my tablet on the side and drew some dots and dashes. This was the only way I could communicate with him.
-• --- - •-• • •- •-•• •-•• -•--
"Do you mind if I sit here?" My classmate Sean asked, to which I shook my head. Kulot ang kanyang buhok at lagpas ang bangs niya sa kanang mata kaya halos natatakpan. He always had this calm and confident look.
I've known Sean since my freshman year here. Isa siya sa mga pinakamatalino at resourceful na Watsonian na nakilala ko. Some even called him the "Strategist Sean." Nasaksihan ko nang personal kung gaano siya kagaling sa pagpaplano. Noong nasa isla kami para sa teambuilding activity, nakipag-alyansa siya sa amin para talunin ang isa pang grupo na pinamumunuan ni Joanna. Sinubukan niya kaming isahan ngunit mabuti't agad 'yong natunugan ni Morrie at naunahan siyang kumilos. Pumalpak man ang plano niya sa amin, hindi pa rin mapagkakailang tuso ang plano niya.
BINABASA MO ANG
QED University 2: House War
Mystery / ThrillerThe four Houses of QED University prepare for the highly anticipated House War. The bond of Team WHAM will be tested as their Houses try to outwit and outmatch one another in the quadrennial tournament. Classes resume. House sigils by AJ