A/N: I know that it's been a while since I updated this story, so I'll make up to you!
AIDEN
LAGI AKONG kinakabahan kapag ipinapatawag ako ng House leader namin. Dalawang rason kasi ang naiisip ko: Una, may ginawa akong mali o labag sa rules kaya kailangan akong disiplinahin. Pangalawa, qualified ako sa isang award kaya gusto nila akong i-inform tungkol doon.
Alin kaya sa dalawa ang most likely scenario? Kung ako ang papapiliin, mas gusto ko ang pangalawa kaysa ro'n sa una. Baka kung anong punishment ang ipataw sa akin. Minsan na akong pinagbantaang itatali sa puno at ipakakagat sa daan-daang langgam. Ayaw ko namang ma-experience ngayon 'yon.
Sa Adler Apartments nag-i-stay ang mga Housemate ko. Modern architecture ang dating nito kumpara sa Holmesian Hall at Moriartian Manor. Glass, steel at reinforced concrete ang mga ginamit na materyales. May pagka-minimalistic ang design sa labas, walang complicated na ornaments. Pero sa loob, halos kasing-level nito ang ambiance ng isang five-star hotel. May kani-kaniyang room ang tenants dito para daw may privacy ang bawat isa. Meron ding common areas kung saan pwedeng makipag-bond sa mga kapwa ko Adlerian.
Six o'clock ng gabi nang ipatawag ako sa principal's office—este, sa House leader's office. Nasa first floor ito ng apartment. Kinailangan kong sumakay ng elevator mula sa third floor para marating 'yon. Of course, I was looking super confident kahit hindi ko alam kung bakit ako kailangang kausapin. Pa-suspense kasi 'tong si Angelique, ayaw raw niyang i-spoil sa akin ang rason.
Kakatok na sana ako sa pinto nang automatic itong bumukas. W-in-elcome ako ng pitong lalaki't babaeng nakasuot ng green sweatshirt gaya ko. Tatlo sa kanila'y nakaupo sa harapan ng desk kung saan nakapuwesto ang House leader namin habang ang apat nama'y nakatayo sa likuran niya. Sa coat rack sa tabi nito naka-hang ang cape na sinusuot niya tuwing may school event kami.
Hindi ko in-expect na marami pala kaming ipinatawag. 'Yong apat na nakatayo ay House officers habang 'yong tatlong nakaupo ay mga Adlerian na nakikita ko rito sa apartment, pero never ko pang nakausap. Nagawi ang tingin ko sa bakanteng upuan. Mukhang reserved 'yon para sa akin. Dumiretso ako roon at saka kumaway sa mga kasama ko. "Good evening—"
"You're two minutes late, Aiden," sabi ni Angelique sabay tingin sa relo niya. May pagkaasar sa mukha niya. Malamang kanina pa nila ako hinihintay.
"Sorry!" Napakamot ako ng ulo. Automatic na sumara ang pinto sa likod ko nang tuluyan na akong nakapasok. "Sa sobrang laki ng apartment natin, muntik na akong maligaw. Alam n'yo naman na good boy ako kaya hindi madalas ang punta ko rito. This is just my—pang-ilan na ba? Ah, basta!"
"Ang mabuti pa, sumali ka na sa discussion namin para kaagad tayong matapos at makapag-dinner na tayo. Take your seat."
"Sure!" Umupo na ako sa natitirang bakanteng seat sa harapan ng mesa niya. Nginitian ko ang mga katabi ko na ngumiti rin pabalik sa akin. "May I now know kung bakit ako kasama sa mga ipinatawag dito?"
BINABASA MO ANG
QED University 2: House War
Mistério / SuspenseThe four Houses of QED University prepare for the highly anticipated House War. The bond of Team WHAM will be tested as their Houses try to outwit and outmatch one another in the quadrennial tournament. Classes resume. House sigils by AJ