Vash's POV
"Grabe antagal nyo ah! Yung totoo. Ano ginawa nyo?" Asar ni Jade sa kanila. Namula naman si Meg sabay hampas sa balikat ni Jade.
Aray naman. Ginawa ba nila yun? Hinde. Alam kong hinde. Hindi ganun si Meg.
Kanina nung dumaan kami ni Bianca sa kwarto nila narinig namin silang naghaharutan.
Dinig na dinig ng tenga ko yung bawat halakhak ni Meg. Masaya sya. Masaya na sya.
Ang sakit para sakin nun. Napayuko nalang ako. Wala akong magawa eh, gusto ko silang pasukin. At kunin si Meg, kaso wala eh, hindi pwede.
Naramdaman kong hinawakan ni Bianca yung kamay ko. Siguro nararamdaman nyang nasasaktan ako. Nag-smile sya. Hay, mas lalo akong nahihirapan eh.
Sobrang close na pala talaga sila. Parang kailan lang, tunguan at konting asaran lang ang meron sa kanila, ngayon parang ako na yung hindi nila kilala.
Dapat ba kong magpasalamat kay Zach kase hindi nalulungkot si Meg, o mainis kase hindi imposibleng mahulog sa kanya si Meg?
Aray. Tumingin ako kay Meg. Haay antakaw nya talaga, messy eater eh. Kala mo wala ng bukas kung kumain.
"Shaira, umayos ka naman ng kain. Tignan mo natatapon yung rice oh." Pabulong na sabi ni Calyx kay Aya. Nag-smile lang si Meg. Tapos napatingin sya sakin. Tapos umiwas agad. Walang ngiti, tapos yung mata. Walang emotion. Ang hirap na basahin. Bakit? Ano ba ginawa ko?
Siguro naalala lang nya nung pinagagalitan ko din sya about sa pagkain nya nung kami pa.
Nag-antay pa ko ng ilang minuto para tumingin ulit sya sakin. Kaso hindi na eh. Hindi na naulit.
Meg, sorry. At paulit-ulit akong magsosorry sayo. Hanggang sa mapatawad mo ko.
Konting panahon na lang, Meg. Babalik ako sayo. Babalikan kita. This coming march, gagraduate na tayo. At magkakaron ng trabaho.
That time, pag pinalad, pag okay na yung lahat, pwede na kita balikan agad. Kung papayag kpa. Kung papayag sila.
Wag ka bibitaw ha. Please, Meg.
--
Meg's POV
"Meg! Tara dito!!" Tawag sakin nila Dine sa gitna ng pool. Andto lang kasi ako sa gilid, nakasawsaw lang yung paa. Nag-iisip about sa message na natanggap ko galing kay Vash kanina.
Kanina, nahuli ko sya isang beses. Tinitignan nya ako. Pinapanood nya akong kumain. Bakit Vash? Ano nanaman ba ibig sabhin ng mga tingin mo? Ang gulo mo naman eh. Akala ko ba "get rid of us"? Eh bakit parang may gusto ka sabhin?
Nagswimming na ako papunta kila Aya sa gitna ng pool.
"Nice swimsuit Meg, ang sexy mo!" Bati ni Jade. Nag-smile lng ako.
Nagkwentuhan at nag-enjoy lng kami sa tubig hanggang sa tinawag na kami ni Calyx.
"Girls! Ahon na. 12 na. It's party time!" Sabi nya sabay balik sa loob.
Umahon na kami kaso nagpaiwan ako saglit para kunin yung slippers ko.
After kong kunin, dumerecho na ko sa party place namin. Halos malapit ko nang ma-reach yung party place nang makita ko sila Vash at Bianca sa may gilid ng garden.
Hindi ko alam kung bakit, pero maya-maya, nakita ko nalang yung sarili ko na umiiyak matapos makita at mapanood yung eksena nila.
They kissed. Kissed! Tang ina! Yung kiss na parang first time. Yung kiss na parang inlove na inlove sila sa isa't-isa. Yung kiss na parang wala ng bukas. Yung kiss na tang-inang sa sobrang tagal, pinapaiyak ako ngayon.
BINABASA MO ANG
But you didn't
RomanceA story of a young girl who dreamt to be the most beautiful bride with the one she loves the most. Would it be possible to be destined by your first love?