Chapter 12

17 3 2
                                    

Megan's POV

"Neg-neg!" bigla akong napabalikwas nung narinig ko yung boses na yun. Kahit 1 taon na yung nagdaan hinding hindi ko makakalimutan yung boses na yun.

"Meg-Meg!! Hindi Neg-neg!," sigaw ko sa kanya. Nagmadali akong bumaba mula sa atic pababa sa garden kung san sya nakatayo. "namiss kita jan jan!! Bakit ngayon ka lang?! Sabi mo babalik ka agad nung summer!" Sabi ko sabay hampas sa kanya.

"Sorry na Meg-Meg. Nagkaproblema kasi sa company nila dad eh. Kaya hindi agad kami nakauwi." Sabi nya sakin. Teary eyed sya.

"Iiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Meg-meg, may nilalakad lang sila daddy dito sa Philippines. Next month babalik na ulit kami sa Australia...." umiiyak na sya. "....baka matagal pa bago kami makabalik ulit"

Para akong nanlumo nung marinig ko yung huling mga salitang binitiwan nya.

"Sabi mo.... hindi mo ko iiwan. Sabi mo.... pagbalik mo, di ka na aalis ulit. Sabi mo papakasalan mo ko paglaki natin! Sinungaling ka jan jan!! Simula ngayon di na kita bate!! Ayoko na sayo!!!" Sabi ko habang pumipiyok at iyak ng iyak. Umakyat na ulit ako sa taas at doon umiyak ng umiyak.

"Neg-neg!!!! Babalik naman ako eh. Matagal nga lang!! Tutupadin ko yung promise ko sayo! Papakasalan kita paglaki natin!!! Neg-neg baba ka na oh! Laro na tayo ulit!!!!"

---

"Meg?," *poke* *poke* "Meg, wake up. Nananaginip ka yata."

Napatayo ako. Panaginip lang pala.

Jan jan. Sino nga yun?

......

Ah.. Sya yung kababata ko.

My first love.

Matagal na yun ah. That was 11 years ago. Hindi ko na nga alam yung ichura nya eh. Di ko na din maalala yung buong pangalan nya.

Pero bakit naman bigla ko syang mapanaginipan?

"Haler?! Are you still dreamin,'? 'Coz you're starting to freak me out!!" Sigaw ni Aya sakin. Natawa naman ako.

"Aya I dreamt about my first love. Jan-Jan, remember?" I said, trying to recall his face. She nodded. "Weird."

"Ano na kayang ichura nya ngayon? Pogi padin kaya sya? Wait I'll search him. Ano nga ulit full name non?" Aya asked.

"Yun nga eh. Hindi ko na matandaan. Ang natatandaan ko nalang John. But I'm pretty sure his surname starts with letter "S". "

"Santos? Pagkakatanda ko may "L" eh. Sultan? Salvador? Saligumba? Saligumay?"

"Ugh! Ayaaaa! So disgusting!!" we laughed together.

"Pero Meg, kung hindi siguro sya umalis, siguro tutupadin nya yung pangako nyang papakasalan ka nya. Ayieee." I just glared. Di ako umaasa. Mahirap na. "Edi sana di ka na nasaktan jan sa hayup na Vash na yan!!!!" Dagdag nya. Oh crap! Here we go again.

Napabalikwas ako ng tayo nang maalala ko yung kaisa-isang bagay na naiwan nya sakin bago sya umalis. Teka. Nasan ba yun?

Sa heart shape storage?

Wala.

Sa accessory organizer?

Wala.

Shocks!!!! Asan na yun. Andun yung pangalan naming dalawa eh. Kelan ko ba huling nakita yun? Di ko na tanda. 7 years ago yata? 5? Hais.

Hayaan mo na nga. Wala naman na siguro akong magagawa kung sakaling ma-search ko sya at magkita kami.

*bzzzt *bzzzzt

From: Vash Arvin Madrigal [0917*******]

Meet me at the park Meg. Please. I really miss you. 😢 I'll wait you there.

Nanaman? Ano nanaman ba to Vash? Yan ka nanaman eh.. Aasa nanaman ba ko?


A/N. Hi sa number 1 fan ko. I know as of now binabasa mo to! Hi deng 😘 Labyu 😍

But you didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon