Hindi manlang ako makagalaw sa kinatatayuan ko biglang nag flashback lahat lahat ng nangyare.
Bigla akong naging tuod ng makitang magkahawak sila ng hamay nawala lahat ng balak ko na kokomprontahin ko si Villamor.Nakatitig lang ako sa kanila papasok ng school na nag kakasiyahan habang nag uusap na para bang sila lang ako tao sa mundong ginagalawan nila. Samantalang ako nakatulala at hindi alam kung pano gagalaw.
"Huuuuuy!"
Napabalikwas ako sa kinatatayuan ko ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Depungal nag eemote ako biglang bumulaga tong babaeng too !-_-!
"Ano bang problema mo bat nanggugulat ka hah" singhal ko sa kaniya, baliw na talaga tong babaeng to oh.
"Bakit ang lalim ng iniisip mo?, titig na titig ka dun sa couple na yun?" Curious niyang tanong, tsk as if naman na sasabihin ko sa kaniya. Hindi kami close noh!.
"Wala ka na dun, tsaka pwede ba lumayas ka sa harapan ko nakakairita ka" irita ko pa sabay lakad papasok. Tapos and loko nakasunod pala sakin."stalker kaba?, tigilan mo nga pag sunod sakin" kainis talaga tong babaeng to kahit kaylan >,<!
"Hoy panget concern lang ako sayo noh para ka kasing nababaliw kanina ey, tsaka fyi parehas tayo ng school kaya natural na susunod ako sayo, duuuh!" Mahaba niyang litanya na kinairita ko lalo putsa napaka ingay bagay na bagay talaga sila ni Jl sobrang iingay.
"Pwes! Pwede kang sumunod ng malayo sakin, baka isipin ng iba may dala akong alagain sa school" sabi ko pa habang mabilis na naglalakad papalayo sa kaniya.
'Tsk, bakit kasi ang haba ng wholeway na to parang bukas pa ako makakarating sa room!' Inis na bulong ko sa sarili ko.
"Hey, kinakausap muna sarili mo baka kaylangan mo na talaga ng kasama, nag mumukha kana talagang baliw jan" putsa napansin niya pa talaga yun anlayo niya na sakin ah. May powers ata tong isang to.
"Can you please shut up, crazy girl" pabalik kong sigaw sa kaniya, baliw na talaga siya. Hanggang sa nakarating na ko sa room namin at awa naman ng maykapal wala pa kaming teacher. Umupo na ko sa sa pwesto ko at pansin kong wala pa yung mga ugok.
'San naman kaya gumala yung mga yun' sabi ko sa isip ko. Hays bahala na nga yun dito nalang ako medyo pagod ako walangya yung babaeng yun.
Ilang minuto nalang parating na yung teacher namin pero wala parin yung dalawa. Saan kaya nag sususuot yung mga yun nakakainis, kaya habang may oras pa napag pasyahan kong lumabas ng classroom namin para hanapin sila.
LOCKER "wala"
GARDEN "wala"
CANTEEN "gagi wala din"
"Putsa san kaya nag sususuot yung mga yun" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa room. Kanina lang nakasabay ko pa sila ngayon wala na. Haaays kamalas malas ding wala akong load, naku naman Jl Mcdale naiinis na ko.
"PSSSSSST!" hindi ako lumilungon kung sino man yung sumisitsit na yun baka kasi hindi ako.
"PSSSSST!" Tuloy lang ako sa pagakyat papuntang room. Ng tawagin ako pangalan ko.
"NAAAAASH!" Pasigaw pero bulong lang sapat na para marinig ko. Nilingon ko kung sino tumatawag sakin. At ayun nga yung ugok na hinahanap ko kanina pa si Dale at teka wala si Jl. Nilapitan ko yung kaibigan ko para tanungin.
"Hoy! Kanina pa ako nag hahanap sa inyo mga kupal kayo, saan ba kayo nag punta hah, kung saan saan ko na kayo hinanap ah nandyan na teacher natin baka maabsinan tayo" tuloy tuloy kong bulyaw sa kaniya pero ang gago parang wala lang hayuup.
"Easy bro, si jl kasi ih. Ano....." Tangnang yan ano nanaman kaya kalokohan ng lalaking yun at nag kakaganito ang isa >.<
"Spill it bro, I'm nervous" shit di kona mapigilan sarili ko na sigawan siya sa sobrang pag alala ko sa kanila.
"Si Jl bro nabugbog nasa hospital siya ngayon" alalang sabi ni dale sakin na kinagulat ko. Wait pano na bugbog yun kung nandito na sila sa loob ng school. Hindi na ko mapakali kaya hinila ko nalang si Dale palabas ng school.
"Saang hospital siya dinala?, anong nangyare bakit siya nabugbog? Sino nambugbog sa kaniya?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya dahil sa sobrang pag alala.
Habang nasa taxi kami papunta sa hospital na kinalalagyan ni Jl. Lumalim ang pag iisip ko kung sino ang may pakana nito. Iisa lang naman ang kagalit ni Jl na pinag kakautangan niya at hindi ko rin alam kung anong klaseng utang ba yon at sobrang galit na galit sa kaniya.
Nakarating kami sa hospital na aligaga papunta sa kwartong kinaroroonan niya. Ganun na lamang ang gulat ko sa mga natamo niya.
Sobrang dami niyang galos at halos hindi na siya makilala sa basag niyang mukha may saksak pa siya sa tagiliran at halatang gusto na talaga siyang patayin.
Habang tinitignan namin siya na ginagamot ng doktor at ibang nurse muli akong nag tanong kay Dale dahil siya lang naman ang kasama niya buong umaga hanggang sa makapasok sa school.
"Anong nangyare?" Wala sa oras kong tanong sa kaniya.
Ewan ko kung anong magagawa ko sa mga taong gumawa nito sa kaibigan namin. Pero hindi siya magtatagumpay sa gagawin nila sa kaibigan namin.
At sa pagkakataong to siya naman ang nakaratay at naka posas ang kamay.
Habang kinukwento ni Dale ang nangyare lalong bumubuo ang galit ko sa katawan feeling ko anytime pwede nakong makasapak ng taong walang alam. Anytime makakapatay ako ng tao.
Sa kadami daming tao sa paligid kaibigan ko pa na wala namang alam sa pakikipag rambulan dahil hindi naman siya nakikipag away. Kami nga lagi ni Dale ang nag tatanggol sa kaniya pag may nantitrip sa kaniya eh, ang lagi niyang rason ayaw niya lang madumihan kamay niya. Kaya siguro grabe ang galos niya kasi hindi siya lumaban .
"Bakit hindi mo siya tinulungan paps, alam mo naman na hindi lalaban si Jl diba." Naiinis narin ako sa isang to eh.
"Nilabanan ko sila Nash pero hinawakan nila ako sa kamay para hindi tulungan si Jl, kung alam mo lang kasi ang nangyare samin edi sana tayo ang tumulong sa kaniya dun" Tangna mukang kasalanan ko pa bandang huli kung bakit nagkaganyan si Jl ah.
"Bakit parang ako pa sinisisi mo sa nangyare kay nash hah. Eh ikaw ang kasama niya" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya.
"Kung sumunod kalang samin kanina at hindi inuna ang pag ganti kay Villamor edi sana tayong tatlo ang may galos hindi ang isa na naghihingalong sa loob" ewan ko pero biglang umusbong ang guilt sa puso ko. Bago pa ako makapag salita ulit biglang lumabas ang doktor at ibang nurse na gumamot sa kaniya.
~~~~~~~
M A N A N G C L E N G💕
YOU ARE READING
She's My Childish Girlfriend
De TodoKaya mo bang tiisin ang isang babaeng "madaldal" , "iyakin* , at higit sa lahat "ISIP BATA". But What if kung mainlove ka nalang sa kaniya na hindi mo nalalaman. At ikaw ang magiging dahilan kung bakit siya nag babago.