ILANG araw pa lang ang nakakalipas simula nang umalis si Christian kasama si Lovely papuntang Dubai. Tutol man si Kelly ngunit wala siyang magagawa kung ‘di sundin ang desisyon ni Christian. Alam niyang tama ang dahilan ng binata ngunit hindi niya magawang pigilan ang hindi mag-alala lalo na sa unang tingin niya pa lang kay Lovely ay mukhang hindi na ito gagawa ng maganda.
“Kelly, kumain ka na. Makakasama sa ‘yo ang laging ganyan,” wika ni Manang Cely na labis nang nag-aalala para sa dalaga.
Ngunit hindi umimik si Kelly at nanatiling tahimik at tulala sa may bintana nakatingin sa gate at matiyagang naghihintay sa pagbukas nito sa pagdating ni Christian.
“Kelly…” muling tawag ni Manang Cely.
“Kelly…”
May isang pumatak na butil ng luha ang kumawa sa mata ni Kelly na sinundan pa ng isa at ng isa pa hanggang sa tuluyan na itong bumuhos nang walang patid.
“Nangako siya, Manang na babalik siya pero ilang araw na ang lumipas pero bakit hindi pa rin siya umuuwi? Bakit?” lumuluhang tanong ni Kelly na nanatiling nakatingin sa gate.
“Uuwi rin siya, Kelly. Nangako si Ian at hindi niya sisirain ang pangako niya dahil hindi siya ganoong klase ng tao. Gagawin niya ang kanyang pangako kahit na anong mangyari baka hindi pa tapos ang lahat doon kaya hindi pa siya nakakauwi,” paliwanag ni Manang Cely.
“Paano po kung totoo ngang anak niya ang batang sinasabi ng babaeng iyon? Paano kung mas pinili ni Christian ang anak niya sa babaeng iyon at iniwan niya na ako? Paano na po ako, ang anak namin?” tanong ni Kelly na nanginginig ang boses kasabay ng mas pagbuhos ng kanyang mga luha.
Lumapit si Manang Cely kay Kelly at niyakap ito nang may labis na pag-iingat.
“Huwag kang mag-isip ng ganyan, Kelly. Hindi gagawin sa ‘yo ni Ian ang ganyang bagay. Magtiwala ka lang sa kanya uuwi rin siya tulad ng pangako niya sa ‘yo.”
“Kailan pa, Manang? Kailan siya uuwi?” tanong ni Kelly na punong-puno ng sakit ang kanyang tono.
“Hindi ko alam, Kelly, pero isa lang alam ko ‘di niya sisirain ang pangako niya,” wika ni Manang Cely at saka inalis ang kanyang pagkakayakap sa dalaga at saka hinawakan ang mukha nito at iniharap sa kanya para magtagpo ang kanilang mga mata. “Kaya habang wala pa siya kailangan mo magpalakas para sa sarili mo at sa anak niyo. Tatagan mo ang loob mo, Kelly. Uuwi rin si Ian.”
“Uuwi siya…” pag-uulit na sabi ni Kelly habang sumisinok at umaangat at baba ang kanyang balikat dahil sa labis na pag-iyak.
Tumango si Manang Cely at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. “Oo, uuwi si Ian gaya ng pangako niya,” paninigurong sabi ng matanda. “Kaya kumain ka na.”
Muling ibinalik ni Kelly ang kanyang tingin sa gate. “Uuwi siya. Nangako siya,” wika niya sa kanyang isipan.
“Halina, Kelly. Kumain ka na at lalamig na ang pagkain,” aya ni Manang Cely.
Inalis niya ang kanyang tingin sa gate at saka nagpatangay sa paghila sa kanya ng matanda patungo sa hapag-kainan.
“Uuwi siya…nangako siya sa akin.”
SA KABILANG BANDA, sa Dubai.
“We’ve already done the DNA testing and discovered that it is indeed my son, and I’ve already stated that I will accept responsibility as his father. Why can’t you just let me go?” kunot-noong tanong ni Christian na hindi niya maunawaan kung bakit hawak-hawak siya ng mga tauhan ng ama ni Lovely.
“And what about my daughter?” mariing tanong ni Hamza, ama ni Lovely.
“I’ve stated unequivocally that I will accept responsibility for my actions, but I will not marry your daughter,” paglilinaw ni Christian sa ama ni Lovely na lalong ikinatiim-bagang nito. “So let me go.”
BINABASA MO ANG
Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)
Romance(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) The story revolves around Kelly Paxman, a teenage surrogate mother who exploited her body to bear someone else's kid in order to support herself after being abandoned...