Chapter 32: New Life

470 16 0
                                    

“WHAT SHOULD YOU BE SHAMED FOR? I've already seen your—"

“Sabi ko, “Labas!”” mariing sigaw ni Kelly sabay hagis ng bote ng shampoo rito at mabilis na lumapit sa pinto at isinara.

Kinatok nang kinatok ni Christian at pilit na binubuksan ang pinto ng banyo para makaharap si Kelly.

“Kelly, there's nothing to be ashamed for I've already saw your body,” wika ni Christian sa kabilang bahagi ng pinto.

“Shut up!” sigaw ni Kelly na ngayon ay nakasandal sa pinto at napatakip ng kanyang mukha sa labis na kahihiyan.

Shit! That was so embarrassing!

Ngunit mas lalo siyang natauhan nang maamoy niya ang panghe sa kanyang kamay na inilapat niya sa kanyang mukha.

“What the—”

Para siyang masusuka dahil sa amoy na kanyang naamoy dahilan para mabilis ito mapatakbo sa lababo para hugasan ang kanyang kamay at mukha.

“What the hell I've been doing?” tanong niya sa kanyang sarili na ngayon ay nakatingin sa salamin.

Nakita niya ang kanyang sarili na ang gulo-gulo ng itsura—daig pa nito ang palaboy na ang gulo ng buhok pati ng damit.

“You’re such a mess, Kelly,” saad niya sa kanyang sarili sa harap ng salamin.

Dahil sa itsura nitong hindi kapresen-presentable ay naisipan niya na lang na maligo para maging malinis siyang tignan lalo na pakiramdam niya ay hindi maalis ang amoy ng panghe sa kanyang mukha at para na rin magising siya sa katotohanan matapos ang lahat ng mga pinaggagawa niya.

“Shit! Ito na ata ang kahiya-hiyang ginawa ko sa buhay ko!” napapasiphayo niyang saad sa kanyang sarili na may kasamang ungol ng frustration. “Lord, ano po ba ginawa ko para mangyari ito sa akin? Deserve ko po ba ito?”

Hindi maipaliwanag ang itsura at emosyon na nararamdaman ni Kelly nang sandaling iyon. Ang tanging alam niya lang ay sobrang nakakahiya ang ginawa niya kani-kanina lang at sobrang katangahan at kaabnormalan ang ginawa niyang pagsalo ng ihi sa kanyang kamay.

“Diyos ko, kung ano-ano na lang po ang pumapasok sa utak ko ng ‘di ko man lang pinag-iisipan.”

"KELLY, when are you going to get out of there?" tanong ni Christian. "You can't spend all of your time in the bathroom."

“Shut up! Lalabas ako maghintay ka!” naiinis na sigaw nj Kelly dahil kanina pa siya kinukulit ng binata na lumabas ng banyo na hindi naman nito alam na naliligo pala ang dalaga.

Inis na hinatak ni Kelly ang bathrobe na nakasabit at mabilis na ibinalot iyon sa kanyang katawan saka  binuksan ang pinto na may magkasalubong na kilay. Ngunit lahat ng pagkainis niya ay napalitan ng pagkabigla nang bigla siyang ikinulong ni Christian sa mga braso nito.

“Are you okay?”

Nawalan ng mga salita si Kelly matapos marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Christian.

E?

Inalis ni Christian ang kanyang pagkakayakap kay Kelly at hiniwakan ito sa magkabilang braso at tinignan ito sa mga nang may labis na pag-aalala.

“Kelly, I’m asking you. Are you okay?” muling tanong niya sa dalaga.

Sa labis na pagkalito sa mga ikinikilos ng binata ay tango lamang ang tanging naging tugon ni Kelly.

“Are sure?” muling paniniguro ng binata at muling tumango si Kelly.

"So, what made you scream? Is something going on?”

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon