Epilogue

1.1K 28 42
                                    

DALAWANG LINGGO ang nakalipas bago napatunayan na hindi talaga anak ni Christian ang sinasabing anak nila Lovely. Doon napatunayan na si Sadam ang tunay na ama nito at dahil sa ginawang gulo ni Lovely ay kinasuhan ito ng Paternity Fraud, Coercion, Maltreatment with Multiple Physical Injuries pati na rin ang kanyang ama. Matapos na maisampa ang kaso ay ipanaubaya na ni Christian kay Seb ang lahat para umuwi ng Pilipinas kasama si Rachel.

“Finally, makakauwi ka na rin, Chris!” masayang saad ni Rachel. “Makakasama mo na ulit si Kelly at makikita mo na rin ang baby niyo.”

Ngiti lang ang naging tugon ni Christian kay Rachel at napatingin sa labas ng bintana ng eroplano.

“I’m coming home, Kelly. Just wait for me,” wika niya sa kanyang sarili.

Sampung oras ang lumipas bago tuluyang nakalapag ang eroplano sa paliparan ng NAIA. Halos hindi magkandaugaga si Christian na bumaba ng eroplano at dali-daling pumara ng taxi para makauwi na agad sa kanyang bahay kung saan naghihintay si Kelly at kanyang anak.

“Rachel, I’m leaving first. Thanks a lot for everything!” wika ng binata.

Ngiti at kaway na lang ang naging tugon ni Rachel sa binata bago ito sumakay ng taxi.

“Saan po tayo, Sir?” tanong ng driver.

“Marygold St. in Californian Heights,” saad ni Christian.

“Sir, masyadong malayo—”

“Don’t worry about the payment. I’ll pay you double just sent me there.”

Hindi na umangal ang driver at dali-dali na pinaarangkada ang sasakyan sayang din ang kikitain niya kung tatanggihan niya ang binata lalopa’t doble pa ang ibabayad nito sa kanya.

“Kelly, just wait for a bit.”

Hindi naman mapakali si Christian habang nasa biyahe kahit na sampung oras ang itinagal ng kanilang biyahe ay hindi niya nagawang ipikit ang kanyang mga mata sa labis na pananabik na makasama at makitang muli si Kelly. Tirik na tirik at mainit man ang naging biyahe niya ay matiyaga siyang naghintay hanggang sa makauwi sa kanyang bahay.

Pasado alas tres na ng hapon nang makarating siya sa kanyang bahay. Malawak na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang makita niya pa lang ang labas ng kanyang bahay.

“Finally, I’m home,” nakangiti niyang sabi sa kanyang sarili.

Mabilis siyang nagbayad sa taxi driver at bumababa hindi nabubura ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Pinindot niya ang doorbell na atat na atat.

“Sandali!” sigaw ng pamilyar na boses.

Pinindot niya pa nang pinindot ang doorbell. “Manang Cely, open the door faster!” sabik na sabik niyang utos.

Binuksan nang matanda ang gate at laking gulat nito nang sumambulat sa kanya ang imahe ng binata.

“Ian?” gulat na tawag nito sa binata.

Niyakap naman ng binata ang matanda ngunit mabilis din nitong pinakawalan. “Manang, where’s Kelly?” hindi magkandaugagang tanong nito kay Manang Cely.

“Nasa loob—”

Hindi pa man tapos ang pagsasalita ng matanda ay kumutipas na nang takbo papasok ng bahay si Christian na nanantiling nakapaskil sa kanyang labi ang malawak na ngiti at ang kanyang pananabik. Pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay ay nakita niya si Kelly na karga-karga ang kanilang anak.

“Kelly!” masaya nitong sambit sa pangalan ng dalaga.

Tila huminto ang oras ni Kelly nang makita ang binata nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung totoo ba ang kanyang nakikita o naghahalusinasyon lamang siya at nagagawa niyang makita ang imahe ng binatang kanyang iniibig.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon