Chapter 46: His Shoulder

377 15 0
                                    

“YOU ARE ALREADY AWARE, Mr. Laminero, that Ms. Paxman’s condition is not amusing. This month, in her last trimester, she fainted seven times. You realize how important this is, don’t you? If this continues, she is putting her life and the life of her daughter in jeopardy, and in the worst-case scenario, one life will be lost,” paliwanag ni Dr. Almeda.

“I’m sorry, Kiths, it's just that—”

Pinutol ni Dr. Almeda ang pagsasalita ni Seb at saka napahalukipkip. “Seb, hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko ay bantayan mong mabuti si Kelly. You already know how sensitive she is right now, especially since Ian isn't by her side. If she continues to do this, the baby will develop complications, which we are attempting to avoid.”

“I know. I’m sorry, Kiths,” paghingi ng despensa ni Seb.

“Seb, hindi ko nga kailangan ng sorry mo, what I need is ‘wag mong pabayaan si Kelly,” pag-uulit na sabi ni Dr. Almeda. “Alam ko mahirap pero walang ibang makakatulong sa kanya kung ‘di tayo. Gawin na lang natin ang makakaya natin hanggang sa makauwi si Ian.”

Nakaramdam nang matinding guilt si Seb dahil sa nangyari kay Kelly. Halos dalawang buwan na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin nakakauwi si Christian at hindi pa rin siya makahanap o makagawa ng paraan para makakawala ang kaibigan sa kamay ng Hari at Prinsesa ng Saud.

“Please, Seb, ito na sana ang huling beses na mawawalan ng malay si Kelly. Sinasabi ko sa ‘yo ikakasama niya at ng batang dinadala niya ang patuloy na pag-collapse at pagkakaalog ng bata sa sinapupunan niya.”

Napayuko si Seb at napahugot nang malalim na paghinga bago hinarap si Dr. Almeda. “I understand.”

“Good. Go and take care of her,” saad ni Dr. Almeda sabay senyas kay Seb na lumabas ito.

Yumuko si Seb bago umalis ng opisina ng doktora at nang makalabas ay muli siyang nagpakawala nang isang mabigat at malalim na buntong-hininga.

“Ano pa ba ang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?” tanong niya sa kanyang sarili sabay sabunot sa kanyang buhok sa labis na pagkasiphayo.

Nang mailabas niya na ang kanyang naipong frustration sa katawan ay saka niya inayos ang kanyang sarili.

“I need to fix this,” saad niya sa kanyang sarili at naglakad patungo sa k'warto kung saan si Kelly naka-confine.

Nang makarating siya sa k'warto ay nakita niya si Kelly na umiiyak na naman at sa kanyang kinatatayuan ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Ilang beses niya ng nakita ang dalaga sa ganoong kondisyon ngunit habang tumatagal ay mas nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya ito na nagkakagano'n. Kung noon ay hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman, sa dalawang buwan na nagdaan doon niya lamang napagtanto kung ano nga ba talaga ang kanyang nararamdaman. At sa puntong ito, ang tanging gusto niya lang ay alisin ang lungkot at pagdurusa na nararamdaman ni Kelly.

Ikinuyom niya ang kanyang kamay at inipon ang lahat ng lakas ng loob sa kanyang kaloob-looban at saka pumasok ng k'warto ni Kelly.

“Kelly…” tawag niya ngunit nanatiling nakatingin ang dalaga sa labas ng bintana at patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.

“Kelly…” muli niyang tawag ngunit hindi pa rin siya nilingon ng dalaga kung kaya lumapit ito sa higaan nito.

Hindi nagsalita si Kelly at patuloy pa rin sa pag-iyak kung kaya nilapitan niya ito at pinunasan ang mga luha nito at nang sandaling iyon doon lang ibinaling ng dalaga ang pansin nito kay Seb.

“Tama na…” mahinang usal ni Seb. “Tahan na…”

Nang marinig iyon ni Kelly ay ramdam niya ang pagmamakaawa sa boses ng binata. Ramdam niya nahihirapan ito ngunit anong magagawa niya? Kahit anong pilit niyang ‘wag magpaapekto sa mga nangyayari pero ‘yon at ‘yon pa rin ang nangyayari. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maikukubli na nangungulila siya kay Christian. Nasasaktan siya ng dahil kay Christian. Lahat ng kanyang nararamdam ay kagagawan ng lalaking nagnakaw ng kanyang puso mula sa kanya kaya wala siyang magawa kung ‘di ang umiyak.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon