“WHAT?” wala sa huwisyong tanong ni Kelly kay Kiths na ngayon lahat ng tingin ay nasa doktora.
“I don't want to get involved in any personal matters, but I believe it is important for you to be aware that this man—” Sabay turo sa matandang lalaki. “—is your father.” Pag-uulit niya na walang pag-aalinlangan o kakaba-kaba.
Napatingin si Kelly sa matandang lalaki at binigyan nang hindi maipaliwanag na tingin. Naguguluhan at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
“Is this a prank?” tanong ni Kelly tumawa nang nakakailang.
Ngunit walang tumawa ni isa na naroon maliban kay Kelly.
“Are you guys serious?” hindi mapalagay na tanong ni Kelly kina Kiths Seb at Rachel na pinagbabaling-balingan niya ng mga tingin.
“No, you must be kidding me…”
Nanatiling walang kibo ang tatlo at maging ang matandang lalaki na nakayuko na nang sandaling iyon.
“Stop this prank. This is not funny,” wika ni Kelly.
Humugot nang malalim na paghinga ang matandang lalaki bago nito inangat ang kanyang ulo sabay tingin sa mga mata ni Kelly dahilan para magtagpo ang kanilang mga mata.
“Kelly…” tawag ng matandang lalaki sa kanyang pangalan.
Naguguluhan man si Kelly nang sandaling iyon, hindi niya maitatago nang sambitin ng matanda ang kanyang pangalan ay may kung anong hindi maipaliwanag siyang naramdaman.
“Kelly…” pag-uulit na tawag nito sa kanya ngunit sa pangalawang pagkakataon na iyon ay may nangilid na mga luha sa mga mata nito. “I'm sorry for not being by your side.” At tuluyan nang kumawala sa mga mata nito ang luhang pilit na pinipigilan.
Hindi nagsalita si Kelly ngunit walang salita ang makakapagliwanag sa kanyang nararamdaman, tanging luha at pangungulila ang nangibabaw nang sandaling iyon. Nagsimulang humakbang ang kanyang ama papalapit sa kanya at bawat hakbang nito ay nagbigay sa kanya ng labis na kalungkutan kasabay noon ay may kakaibang kaginhawaan siyang naramdaman. Nang nasa harap na niya ang kanyang ama ay ikinulong siya nito sa mga bisig nito.
“Kelly, patawarin mo ko,” lumuluhang paghingi ng despensa ng kanyang ama.
Ramdam niyaa ang bigat na dinadala ng kanyang ama; ang pangungulila, pighati at konsensyang kumakain sa kanya sa mga nagdaang taong wala ito sa kanyang tabi.
“Patawarin mo ako, anak.”
Mas bumuhos ang mga luha ni Kelly nang muli humingi ang kanyang ama ng patawad. Bawat paghingi ng tawad nito ay dinudurog ang kanyang puso sa labis na sakit. Nabalot ng kanilang mga pag-iyak ang buong paligid. Iniwan naman nina Rachel, Seb at Kiths ang mag-ama para magkaroon ito ng oras para makapagpaliwanag at linawin ang mga bagay na ‘di nila pagkakaunawaan. Nagpatuloy lang ang mag-ama sa pag-iyak hanggang sa ilang saglit ang makalipas ay kumalma rin ang mag-ama.
“Ano po nangyari?” buong lakas na tanong ni Kelly na pinipigilan muli ang kanyang pagluha.
Hinawakan ng ama ang kamay ni Kelly at pinunasan ang luhang nangingilid sa mga mata nito.
“Hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng ito sa ‘yo pero para sa ikakalinaw ng lahat mabuting malaman mo ang buong katotohanan, anak,” malumanay na wika ng ama ni Kelly.
Humugot nang isang malalim na paghinga si Addie bago nagsimulang ikwento ang lahat simula nang magkakilala ang kanyang ama at ina. Ngayon niya lang din nalaman ang dahilan kung bakit wala ito sa kanyang tabi simula ng kanyang pagkabata ay hindi dahil sa inabanduna siya ng kanyang ama kung ‘di para kunin ang pamana nito sa mga magulang nito at hingiin ang basbas nito para sa pagpapakasal nito at ng kanyang ina. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil tutol ang kanyang lolo at lola sa naging relasyon ng kanyang ama at ina lalopa't nalaman nila na isang pakawala ang kanyang ina. Subalit hindi sumuko ang kanyang ama at pinatunayan nito ang lahat na karapat-dapat ang kanyang ina na maging parte ng pamilya ng kanyang ama at nang pumayag na ang kanyang lolo at lola ay bumalik ang kanyang ama sa Pilipinas para sabihin ang magandang balita ngunit hindi na nito sila nahanap. Wala na sila ng kanyang ina sa kung saan iniwan sila ng kanyang ama, sinubukan silang hanapin ng kanyang ama pero bigo ito na mahanap sila at tanging nalaman nito ay sumama ang kanyang ina sa isang mayamang matanda. Nang malaman iyon ng kanyang ama ay labis itong nasaktan dahil doon ay wala itong nagawa kung ‘di bumalik sa Switzerland para doon hilumin ang sakit na kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)
Romansa(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) The story revolves around Kelly Paxman, a teenage surrogate mother who exploited her body to bear someone else's kid in order to support herself after being abandoned...