Kalyn's POV
"Naniniwala ba kayo sa destiny?" tanong ko sa aking mga estudyante.
"Yes, ma'am," sabay-sabay nilang sagot.
"Why? Miss Angelica. Bakit ka naniniwala sa destiny? Have you experienced it?" tanong ko. Tumayo naman siya bago nagsalita.
"No, ma'am. I have not experience it yet. But my parents do. As far as I remember, naikwento nila sa akin ang love story nila." Nakangiti niyang sabi.
"Really? Do you mind sharing it to us?"
"Not at all. So, it happened on their 20's. They met because of their friend. It's like, siya 'yung naging bridge kung bakit nagkakilala sila mommy at daddy."
"Uy!" they all said in unison.
"Continue, Miss Angelica."
"Thank you, ma'am. As I was saying, nagkakilala sila dahil sa friend nila na ngayon ay ninang ko. Long story short, akala nila ay hindi sila para sa isa't isa. My dad has a girlfriend that time and my mom is getting married to someone, arrange marriage for short. As they started hanging out more, nahuhulog na sila sa isa't isa which is a mistake. Hindi pwede 'yon dahil parehas silang nakatali sa iba. Fortunately, ang universe na ang gumawa ng paraan para maging sila. Maraming ups and downs sa relationship nila mommy pero lahat 'yon ay nalagpasan nila. Few years later, they got married and had me," kwento niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang ang mga estudyante ko naman ay tuwang-tuwa sa narinig na kwento.
"Thank you for sharing that, Miss Angelica. Now, the reason why I asked you this question is because, I know some of you are rushing your relationships," bigla silang natahimik.
"Meron ako ik-kwento sa inyo. This is my personal life and I, myself, did have an experience being played by destiny," panimula ko.
"Anong nangyari, ma'am?" tanong ng isa kong estudyante na lalaki.
"Medyo similar ang naranasan ko sa love story ng parents ni Angelica."
...
"Kailan ba tayo magkikita? Limang buwan na tayong laging nag-uusap pero wala pa tayong kaalam-alam sa isa't isa," paliwanag ko at narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
"Soon, Kalyn. I promise, hindi pa kasi pahanon para magkita na tayo."
"Bakit naman? Mali ba itong ginagawa natin?"
"No, it's just, it's hard to explain. But I promise you, magkikita din tayo."
"Kalix, may tinatago ka ba sa akin? Are you in a relationship or something?" diretso kong tanong.
"What? No! I'm not in a relationship. Hindi kita liligawan kung may girlfriend ako, Kalyn," sagot niya naman.
"So bakit parang nagtatago tayo na para bang mali ito?" I heard him sighed.
"Kalyn, you don't know me, you don't know my life. I will explain everything but not now. It's not yet time. I love you, Kalyn. Please don't forget that," love...
Puchang pagmamahal 'yan...
"I have to go. Take care of yourself, hmm? Call me or text me if you need anything," paalam niya.
"Okay, ingat ka din. Bye."
Bakit ganun? Pakiramdam ko ay mali ang ginagawa namin.
We were okay a few weeks ago.
Maganda ang samahan namin, same vibes kami at magkasundo kami sa lahat ng bagay. Hanggang sa nagbago siya. Hindi na siya laging online tulad noon, hindi agad siya nakakapag-reply sa mga text ko tulad noon, hindi na kami nagkakausap tuwing gabi tulad noon.
Wala ba talagang forever sa internet love?
To be continued
![](https://img.wattpad.com/cover/293852779-288-k757413.jpg)
BINABASA MO ANG
We are (Not) Destined ✓
Короткий рассказCOMPLETED STORY (Short story) Kalyn, a simple girl who found her what so called "true love" on the internet. She had known this guy for about a half a year already. But neither of them know anything about each other's lives. Until one day, they bot...