Kalyn's POV
"No! Hindi ako papayag na maging kayo!" galit na saad ng kanyang ama.
"Why not? She's a great girl, dad. Plus, mahal ko siya," depensa ni Kalix.
"Mahal? Wala pa ngang isang taon kayong magkakilala eh."
"Hindi naman 'yan mababase sa haba ng panahon, dad. Can't you just accept the fact that I am in love with another woman and I don't want to marry Maica?!"
"Baka gusto mong itakwil kita?" banta ng ama niya.
Ba't parang ako pa ang natakot sa sinabi niya?
"Then do it. I'd rather cut my connections with you than follow this stupid tradition," naramdaman ko ang paghawak ni Kalix sa kamay ko sabay hila sa akin palabas ng kanilang bahay.
Bakit ba kasi pumayag ako na ipakilala niya ako sa ama niya?
Ano nga ba naman ang aasahan ko sa ama niya bukod sa mga masasakit na salita?
This is a very bad idea.
Pero teka, itatakwil siya? Teka, hindi ako papayag ng ganun! Hindi pwedeng masira ang pamilya ni Kalix dahil sa akin! Hindi ganun kakapal ang mukha ko para sirain sila!
"Teka, Kalix!" awat ko at mabilis na binawi ang aking kamay.
"Why?"
"Hindi tama ito."
"Ang alin?"
"Itong pagtalikod mo sa pamilya mo para sa akin. Mali ito, Kalix," sambit ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Mali bang piliin ang babaeng mahal ko?" he asked.
"Kalix, wala akong sinasabing ganyan---"
"Pero malapit na dun. Am I right?" putol niya sa akin.
"Kalix, don't get me wrong. Mahal kita at hindi kakayanin ng kaluluwa ko kapag itinakwil ka talaga ng magulang mo. They're your family. Wag mo naman silang talikuran."
"What do you want me to do?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
"Kalix, c-cool off muna tayo," nahihirapan kong sabi.
"What?"
"Cool off muna."
"Why does it sounds like that you're breaking up with me?" tanong niya.
"Kalix, hindi ganun. It's just, ang hirap ng sitwasyon natin. Parehas tayong nahihirapan sa ginagawa natin. I wanna fight for you. Pero paano? Ayaw sa akin ng magulang mo, ikakasal ka sa kaibigan mo, ayaw ng mundo na magkatuluyan tayo," paliwanag ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"I'm sorry, Kalix. But we need space from each other." Tinanggal ko ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay ko at agad na umalis dun.
Tahimik lang akong umiiyak habang naglalakad palabas ng kanilang subdivision hanggang sa may humarang sa akin.
Nang iangat ko ang aking tingin ay halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Kalyn, right? Ang girlfriend ng fiance ko," blangko ang kanyang emosyon habang sinasabi ang mga 'yon.
"M-maica?" tanong ko at pinunasan ang luha kom
"Paano ka nakilala ni Kalix?" she asked.
"Maica, ayokong makipag-away sayo," saad ko.
"Hindi naman ako naghahanap ng away ha. Just answer me, paano kayo nagkakilala?"
"Online," she laughed.
"Oh Kalix, ipagpapalit mo na nga lang ako, sa nakilala mo pa online," mapang-asar niyang sabi.
Ihampas kaya kita sa lupa?
Hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Anyway, Kalyn," muling tawag niya sa akin kaya natigilan ako sa paglalakad.
"What?" walang gana kong sabi habang hindi man lang siya nililingon.
"Take note, girl. Magpapakasal pa rin kami ni Kalix kahit mahal ka niya at mahal mo siya. And I don't care kung girlfriend ka niya, fiancèe niya ako. Mas mataas ang posisyon ko sa buhay ni Kalix kaysa sayo. No one's gonna stop this wedding, girl. Not even you. Now, if I were you, hiwalayan mo na si Kalix. Unless na lang kung makapal ang mukha mo at ready ka maging kabit. That's all. Nice meeting you, Kalyn."
Napahinga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang paglalakad.
Ang kapal naman ng mukha niyang sabihing mas mataas ang posisyon niya kaysa sa akin.
To remind her, she became his fiancèe because of their parents and me, I became his girlfriend because he loves me.
...
"Cool off? Baka naman bukas o sa makalawa, wala na kayo," saad ni Eli.
"Mas mabuti na sigurong ganun, Eli."
"Ha? Bakit?"
"Nakausap ko kanina si Maica. From the tone of her voice, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko iniiwan si Kalix," paliwanag ko.
"So, that's it?" tanong niya.
"I guess."
To be continued

BINABASA MO ANG
We are (Not) Destined ✓
Cerita PendekCOMPLETED STORY (Short story) Kalyn, a simple girl who found her what so called "true love" on the internet. She had known this guy for about a half a year already. But neither of them know anything about each other's lives. Until one day, they bot...