Chapter 4

55 6 17
                                    

Kalyn's POV

"He's what?!" Sigaw ni Eli.

"He's marrying his childhood friend," pag-uulit ko.

"Seryoso ba 'yan? Baka niloloko mo lang ako? Ba't ka niya liligawan ganung engaged siya? What the hell is he thinking?!" hysterical niyang tanong.

"He did not proposed, Eli. It was an arrange marriage."

"Kahit na, engaged pa rin siya. My gosh, Kalyn. Ano nang plano mo ngayon? Don't tell me, itutuloy mo pa rin 'yang kung anong meron kayo."

"Iyon ang gusto niya eh," mahinang sabi ko.

"Ano?!"

"You're what?" tanong ko sakaling mali ang narinig ko.

"I'm getting married, Kal."

"Yet you kept on courting me?! Pinaglololoko mo ba ako?!" Sigaw ko at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Kal, you don't get it. It is an arrange marriage. My parents want me to marry my childhood friend. Believe me, I don't love her." Tumayo siya at muling hinawakan ang kamay ko.

"Nag-iisip ka ba?! Ano, gagawin mo akong kabit?! No way! I was not born to be your mistress!" Sigaw ko habang pinipilit na wag umiyak.

"Look, I know that this is a lot to digest but please, listen to me first. Ever since I met you, I found my real happiness. Noon pa man, alam kong mararanasan ko din ang arrange marriage na 'yan dahil pati mga kapatid ko ay biktima din niyan. I admit it, at first, okay lang sa akin na pakasalan si Maica kasi kaibigan ko siya at matagal ko na siyang kilala. Pero nang makilala kita, nagbago lahat ng 'yon. Hindi ka mahirap mahalin, Kalyn. Sa loob ng anim na buwan nating pag-uusap, I fell for you really hard. I love your sense of humor, your kindness, your personality, everything. And that's good enough for me to know that I want you to be my girl."

"So, itutuloy mo talaga? Nag-iisip ka ba? You know all the consequences if you continue this, Kalyn. Ikaw lang ang masasaktan sa huli," kahit na kalmado ang boses ni Elisha, dama ko pa rin ang diin ng bawat salita na lumabas sa kanyang bibig.

"Pero, Eli---" she cut me off.

"You choose, you will be the one who's gonna break your heart or he will?" wala bang mas magandang choice?!

Bago pa ako makapagsalita ay may biglang kumatok sa pinto. Nanatili akong nakaupo sa sofa habang si Eli naman ay tinungo ang pinto para tignan kung sino ang nasa labas.

"Well, look who's here," mataray niyang sabi kaya napatingin ako sa pintuan at nandun siya, pormal siyang nakatayo habang may hawak na bulaklak.

Mas nilakihan ni Eli ang pagbukas ng pinto para makapasok si Kalix.

"Mukhang kailangan niyong mag-usap kaya lalayas muna ako," paalam ni Elisha at matalim akong tinignan bago lumabas.

Si Kalix naman ay lumapit sa akin na may ngiti sa kanyang labi sabay abot ng hawak niyang mga bulaklak.

I gotta admit that this is sweet...

"What are you doing here? May lakad ba tayo?" tanong ko nang umupo siya sa tabi ko.

"Are you mad?" medyo...

"Can you go straight to the point, Kalix. Ano bang balak mo at patuloy mo akong nililigawan kahit malapit ka nang ikasal?" tanong ko sa kanya.

Five months from now, he will marry his childhood friend.

"I'm not planning on marrying her."

"Susuwayin mo ang ama mo?" I asked.

"I'll do everything to stop the wedding."

"How? Wala kang kawala sa gusto ng magulang mo, Kalix. Ikaw na mismo ang nagsabi na sila ang laging nasusunod at hindi sila titigil hangga't hindi natutupad ang gusto nila. And they want you to marry Maica. Wala akong laban sa pamilya mo, Kalix. Wala," mahinang sabi ko at biglang may tumulo na isang butil ng luha mula sa aking mata.

Naramdaman ko naman ang pagdampi ng kanyang palad sa pisngi ko kasabay nun ay ang pagpunas niya ng aking luha gamit ang kanyang daliri.

"We are not destined, Kalix."

"Why do you kept pushing me away from you? Can't you get that I love you? I don't care if the whole world is against it. I know that our situation is not easy, but I promise you, I'll do everything to be with you. Just give me a chance," he leaned closer to me and kissed my forehead.

"Okay, this is not a good time to come in," singit bigla ni Eli.

Punyeta kang babae ka...

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.

"I just want to make things clear ha. Walang kayo diba? Why did you kissed her, Kalix? Don't tell me that, that was just a friendly kiss. Walang ganun. Second, Ano ba talaga, Kalix? Seryoso ka sa kaibigan ko o hindi? Kasi kung hindi, lumayas ka na sa buhay niya kung wala kang iaambag. Third, dito pa talaga kayo nagharutan 'no. 'Di niyo man lang ni-lock 'yung pinto, my gosh! Ang sakit niyo sa eyes," mahaba niyang reklamo at bahagya kaming natawa ni Kalix.

"Walang malisya ang halik na 'yon, Eli. Second, seryoso ako kay Kalyn, I want her to be mine and I don't care how long it will take just to be with her. Third, akala kasi namin ay totoong umalis ka. 'Yon pala ay nandun ka lang sa may pinto, nakikinig sa amin. Am I right?" tanong ni Kalix.

"Sabi ko nga, mananahimik na ako. Nako, diyan na nga kayo." Iling-iling niyang sabi sabay alis na naman.

"Let's go out," aya niya.

"Saan?" tanong ko.

"Anywhere. Go get dress," utos niya.

Tumango ako bilang sagot at dumeretso sa aking kwarto dala ang boquet.

Nang isara ko ang pinto ay sumandal muna ako dito at pinagmasdan ang mga bulaklak.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang inaamoy at pinagmamasdan ang mga ito.

Ang pag-ibig, parang bulaklak. Kung hindi mo ito aalagaan at iingatan, ito ay mamamatay.

Pero kahit naman ay alagaan mo ito, mamamatay at mamamatay pa rin siya dahil walang permanente sa mundo.

Hays, Bakit mo naman kasi ginulo ang tahimik kong mundo, Kalix?

"Hula ko, nagd-drama ka na naman," rinig kong sabi ni Eli mula sa labas ng kwarto.

Binuksan ko ang pinto at bumungad ang napakasungit na babae sa balat ng lupa. 

"Ang hirap naman kasi eh," reklamo ko.

"Manahimik ka, Kalyn. Ginusto mo 'yan, panindigan mo," sagot niya.

Kaibigan ko ba talaga 'to?

To be continued

We are (Not) Destined ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon