Kalyn's POV
"You want to what?" tanong ko kay Francis.
"Ruin them. Who knows, baka kapag nasira sila, mapunta sila sa atin," sambit niya.
Tignan mo 'to, ang lakas ng loob niyang sabihin na nanggugulo ako ng relasyon tapos siya naman pala itong mas malakas ang tama. Ano bang tinira nito? Ipa-rehab ko ito eh...
"And you really think that your plan will work?" I asked.
"It will not work if we're not going to give it a try," infernes, may point siya.
"Paano naman natin sila sisirain? We don't know them completely."
"That's where you're wrong. Kung ikaw, hindi mo pa masyadong nakikilala si Kalix. Ako naman, kilalang-kilala ko si Maica. Like what I've said, I have known her since college. And before I found out that she's getting married, I caught her multiple times flirting with another guy in our school," oh my gosh. Napaka-chismoso niya ha!
"And then? What are you trying to say? Set her up? Pretend that she is cheating?" tanong ko muli.
"Why not?" nako, malakas nga talaga ang tama nito...
"It will not work."
"Bakit naman hindi?" tanong niya.
"In the first place, Kalix is already cheating on her."
"Ha?"
"He's already my boyfriend," pag-amin ko.
"Kalyn, bakit?!" inis niyang turan.
"Anong bakit? Malamang, nililigawan niya ako eh."
"You already knew that he is getting married yet, pumayag ka pa rin na maging nobyo siya. Are you being serious right now?!"
"Hoy, Francis! Babaan mo 'yang tono ng boses mo. Kaibigan ko 'yang kausap mo, baka gusto mong balatan kita ng buhay," banta ni Elisha na kakababa lang ng hagdan.
"At tsaka ano itong narinig ko ha? Sisirain niyo sila Kalix? Sira ba ang mga ulo niyo? Paano kung mabuking kayo? Edi kayo din ang talo sa huli," sermon niya sa amin.
"That's the only way, Eli," sagot ni Francis.
"There are a lot of good ways, France. Do you really think that something good will happen if you did something bad and stupid to a person? I don't think so."
"Why are you so against it? Akala ko ba ay gusto mo maging masaya ang kaibigan mo?"
"I want her to be happy but not in this kind of way. Alam kong tarantado ka pero wag mo naman sanang isali sa mga katarantaduhan mo si Kalyn. The both of you deserve happiness. Pero wag niyo naman sana kunin 'yon sa maling paraan. Kung mahal niyo talaga sila Kalix at Maica, lumaban kayo ng patas kasi wala kayong makukuha mabuti sa pandaraya," mahabang sermon niya sa akin.
'Yung totoo, si Eli ba talaga ang nanay ko?
"What are we supposed to do then?" tanong ko.
"Dalawa lang naman ang pwede niyong pagpiliian. Let them go and set your hearts free or continue your relationship whatsoever with them and bear all the consequences," ang hilig talaga magbigay ni Eli ng hindi magandang choice 'no?
...
"Y-you're breaking up with me?" his voice cracked.
"I-I'm sorry, Kalix. I know that you want to be with and so am I, but it's so complicated," sambit ko habang naiyak.
"No, Kalyn. Please, I told you that I will find a way to stop the wedding. Just please, don't leave me. I love you, Kal. And I want you to be with me. Please." Napapikit ako kasabay nang muling pagtulo ng aking mga luha at tinanggal ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko.
"It's not worth it, Kalix. It's not."
"What do you want me to do stop this sh*t? I don't care if everyone is against with our relationship. I don't care about them! Sana ikaw din," tears started streaming down his face.
"Believe me, wala akong pakialam sa iba pero, Kalix. Buksan mo naman ang mga mata mo, sa tingin mo ba na kapag pinagpatuloy natin ito, may magandang mangyayari? I don't think so. Please naman, Kalix. Wag mo na akong pahirapan."
"Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako, Kalyn. Pero kailanman ay hindi ko inisip na sumuko dahil ganun kita kamahal. Ganun ba kahirap ipaglaban ang kung ano mang meron tayo?" tanong niya.
Hindi ako sumagot sa halip ay bahagya akong umatras mula sa kanya.
"I'm sorry."
"No, no, no, no. Please, Kalyn!"
"Be a good husband to her," bulong ko at agad na umalis dun.
Lakad-takbo ang ginawa ko habang siya naman ay pilit akong hinahabol. Nakakapagod na, nakakapagod na itong ginagawa namin.
Ayoko na...
...
"Kalyn!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Elisha.
"Lokaret ka, pati ba naman sa pagtulog ay naiyak ka. Ganyan na ba kalakas ang gayuma na ginamit sayo ni Kalix at pati sa panaginip ay siya pa rin ang laman?" tanong niya.
Dun ko lang namalayan na basang-basa na pala ng luha ang aking mata.
It was all a dream.
T*ngina, pati sa panaginip ay hindi pa rin kami masaya?! Ano ba?!
"Kalyn, ano bang nangyayari sayo? Araw-araw ka na lang umiiyak. You're not like that before. Sa ating dalawa, ikaw ang pinakamasiyahin at hyper. Anong nangyari? Dumating lang ang Kalix na iyan sa buhay mo, naging emosyonal ka na. Kalyn, hindi ko kayang nakikita kang ganyan eh. Alam mo namang kapatid na ang turing ko sayo," napalitan ng pag-aalala ang boses ni Eli.
Hindi ako sumagot at niyakap na lamang siya.
"Kalyn, kung ganyan lang lagi, mas mabuting itigil niyo na. Walang relasyon ang puro sakit lamang ang nararamdaman. You deserve more than that, Kal. I hate the fact that Kalix is slowly changing you. If I could just kill him, I will do it."
"Eh diba, sabi nila ay hindi kumpleto ang relasyon kapag walang sakit na nararanasan," sambit ko.
"Gaga, sobra-sobra na ang nararamdaman mong sakit. Hindi na 'yan normal."
Nanatili lang kaming magkayakap dun ng ilang minuto hanggang sa tumahan na ako.
"Ano ba talaga, Kalyn. Hindi ka na nagk-kwento sa akin. Lagi na lang bang si Francis ang magk-kwento?" tanong niya.
"Ang hirap pala, Eli. Ang hirap-hirap ng sitwasyon namin ni Kalix. Parang bawal ang relasyon namin eh. Pero anong magagawa namin? Hindi rin naman namin pinili na magkagusto sa isa't isa eh. Pilit ko mang tanggapin na ikakasal na siya pero siya itong habol ng habol sa akin, nahihirapan tuloy akong pakawalan siya. Pati nga sa panaginip ko, hinahabol niya pa rin ako eh," bahagya akong natawa pero nanatili siyang seryoso.
"Ano bang gustong gawin ng mundo sa akin, Eli? Pahirapan ng bonggang-bongga?"
"I don't know how to answer that, Kal. Ang magagawa ko lang ngayon is comfort you."
Well, that's better than nothing.
To be continued

BINABASA MO ANG
We are (Not) Destined ✓
Historia CortaCOMPLETED STORY (Short story) Kalyn, a simple girl who found her what so called "true love" on the internet. She had known this guy for about a half a year already. But neither of them know anything about each other's lives. Until one day, they bot...