Kalyn's POV
"Baliw ka ba? Bakit ka aattend? Gusto mo ba lalong masaktan?" tanong ni Eli habang inaayos ko ang aking buhok.
"Sisilip lang ako. Aalis din naman ako agad dun," sagot ko at naglagay ng perfume.
It's been about four months ever since we cooled off.
'Yung cool off na 'yon, naging breakup. At ako ang nakipag-hiwalay.
Hindi talaga ako tinigilan ni Maica sa nakalipas na ilang buwan.
She kept on bothering me like hell. I had enough and maybe, this is the right thing to do.
Nakipaghiwalay ako kay Kalix sa personal at syempre, galit na galit siya.
Pinipilit niya ako na wag makipaghiwalay pero buo na ang desisyon ko.
It's better this way.
Makalipas ang ilang buwan, inimbitahan ako ng baliw niyang fiancèe sa kasal nila.
Wala naman talaga akong balak na pumunta dun pero naisip ko na ito na ang maaring huling pagkakataon na makita namin ang isa't isa.
"Seryoso ka ba talaga?" tanong niya.
"Yes. I have to go, babalik ako mamaya."
"Ingat ka ha," bilin niya at tumango ako bilang sagot.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay narating ko na ang simbahan kung saan sila ikakasal.
Marami nang bisita sa labas ng simbahan at patuloy na nagsisidatingan ang iba pang mga bisita.
Nagdadalawang-isip din ako kung tutuloy ba ako o hindi.
Nandito ka na, Kalyn. Ituloy mo na...
Paulit-ulit akong huminga ng malalim bago lumabas ng kotse. Imbis na dumeretso din kung nasaan ang ibang mga bisita, nanatili lamang ako dito sa parking lot at iniisip kung katangahan ba itong ginagawa ko o hindi.
"Kalyn." Napalingon ako nang may biglang tumawag sa akin at agad kong nakita si Kalix na papalapit sa akin.
"Kalix, diba dapat nandun ka sa simbahan?" tanong ko.
Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang paglalakad palapit sa akin.
"K-kalix."
"Why?" tanong niya.
"Huh?"
"Why did you left me?" his voice cracked.
"Kalix, napag-usapan na natin ito---"
"I want the real reason, Kalyn."
Napatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.
His eyes are full of sadness.
"I'm sorry, Kalix. Hindi ko na kasi kinaya ang panggugulo ni Maica sa buhay ko. Hanggang sa napagdesisyunan ko na tama na. Tama na, Kalix. Itigil na natin 'to," nagsimulang tumulo ang aking mga luha.
Naramdaman ko naman ang mga bisig niya na pumulupot sa akin.
"Shh, I'm sorry if you had suffer because of her. I promise you, hinding-hindi ka na guguluhin ni Maica. I may broke my other promises pero panghahawakan ko ang pangako ko na ito," may kinuha naman siya sa dala niyang bag.
"Here," sambit niya at inabot sa akin ang isang rectangular box.
"What's this?" tanong ko.
"Iyan sana ang regalo ko sayo sa anniversary natin pero ngayon ko na lang ibibigay."
Mahigit isang minuto ko siyang tinignan bago binuksan ang box.
Isa siyang silver necklace at ang pendant ay hugis puso.
"It has our pictures in it," sambit niya at binuksan ang pendant.
Napatakip ako ng aking bibig habang pinipigilang maluha.
"This is beautiful, Kalix. Thank you." Naiiyak kong bulong at niyakap siya.
"Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang tinitibok ng puso ko, Kal. Walang ibang babae ang pwedeng makapalit ng posisyon mo dito sa puso ko," malambing niyang sabi habang hinahawi ang buhok ko.
"Ikaw lang din ang mahal ko, Kalix. Walang iba ang pwedeng makahigit sa binigay mong pagmamahal sa akin. Thank you for being there for me. I love you."
"I love you more, Kalyn."
...
Ano kaya ang pinakamasakit niyong nakita?
Para sa akin ay ang ikasal ang mahal mo sa iba at ikaw mismo ang makakasaksi ng pag-iisang dibdib nila.
I'm here sitting quietly while looking at the groom and bride.
Tahimik lang akong umiiyak habang nakatingin sa kanilang dalawa.
I'm supposed to be your bride, Kalix...
Ako dapat ang nakatayo sa tabi mo. Ako dapat ang nasa altar kasama mo. Ako dapat ang magiging asawa mo. Kaso hindi ganun kadali...
"Those whom God has joined together, let no man put asunder. In so much as Maica and Kalix have consented together in holy wedlock, and have witnessed the same before God and this company, having given and pledged their faith, each to the other, and having declared same by the giving and receiving of rings, I pronounce that you are husband and wife. You may now kiss your bride." Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang huling sinabi ng pari.
Unti-unting inangat ni Kalix ang veil ni Maica at unti-unti na ding naglapit ang kanilang mga mukha.
Hindi ko kaya. Agad kong pinikit ang aking mga mata kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
For the last time, I love you, Kalix.
Be a good husband to her...
To be continued

BINABASA MO ANG
We are (Not) Destined ✓
Short StoryCOMPLETED STORY (Short story) Kalyn, a simple girl who found her what so called "true love" on the internet. She had known this guy for about a half a year already. But neither of them know anything about each other's lives. Until one day, they bot...