Kalyn's POV
"May lakad ka?" tanong ko nang makita si Elisha.
"Diyan lang ako. Baka mamayang hapon ako makauwi," sagot niya naman habang hinahanap ang susi niya sa drawer.
"Mag date ka 'no!" Nakangisi kong sabi.
"Wala, sira! May aasikasuhin lang ako. Sige na, babush!" paalam niya.
Tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang panonood.
Sino kayang pinupuntahan ni Eli? Hindi naman kasi nagk-kwento ang babaeng 'yon eh. Napakadaya ha...
'Yung sa amin ni Kalix, alam na alam niya. Pero sa kanila nung kung sino mang lalaking iyon, wala akong kaalam-alam, tsk...
Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto.
Imposibleng si Eli 'yon dahil dala niya naman ang susi niya at hindi 'yon nakatok 'no.
Padabog akong bumangon mula sa sofa at tinungo ang pinto para tignan kung sino ang tao sa labas, istorbo naman kasi eh. Nananahimik ako dito tapos biglang may dadating.
Nang buksan ko ang pinto ay halos malaglag ang aking panga nang bumungad siya sa harap ko.
Mabilis kong sinara ang pinto at agad inayos ang aking itsura.
Pucha, nakakahiya! Ang gulo ng buhok ko!
Sabihin na lang natin na hindi pa ako nag-aayos ng sarili. Maaga pa kasi kaya heto, nilalamon ako ng katamaran.
Nang maayos ko na ang sarili ko ay muli kong binuksan ang pinto at nang bumungad siya ulit sa akin, hindi na siya nakangiti tulad kanina.
"What was that for?" he asked while raising an eyebrow.
"Ah, hehe. Pasok ka," pag-iiba ko ng usapan at mas nilakihan ang bukas ng pinto.
"Ano palang ginagawa mo dito? Akala ko ay mamaya pa ang gala natin?" tanong ko nang ibigay niya sa akin ang mga dala niya.
"I changed my mind, let's go now," aya niya habang nakapamulsa.
"What?! Hindi pa ako naliligo," nahihiya ko pang sabi.
"Then go take a bath. I'll be waiting you here," utos niya naman.
Tumango na lamang ako at mabilis na tinungo ang aking kwarto at kamalas-malasan nga naman ay natapilok pa ako sa hagdan...
"Hey, are you okay?" tanong niya at tinulungan akong tumayo.
"Y-yeah, I'm fine. Diyan ka muna," sagot ko at agad tumakbo papunta sa kwarto.
Ano ba! Minamalas ba ako ngayon at lagi akong napapahiya sa harap ni Kalix?!
...
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang siya ay nagmamaneho.
"We'll have a picnic date," did I heard that right?
"Weh? 'Di nga?" takang tanong ko at bahagya naman siyang natawa.
"Yes, we will. I already prepared all the things we need. Then later, I have a surprise for you." Nginitian niya ako sabay kindat.
Wag ganun, Kalix!
"What?"
"Surprise nga diba."
"Sabi ko nga." Sumandal na lamang ako sa upuan at tumingin sa labas habang si Kalix ay nagpatuloy sa pagmamaneho.
Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa isang mini park.
Kahit maliit lang ang lugar ay napakaganda ng paligid. Puno ng mga bulaklak, halaman, mga paro-paro at napakalinis ng daan.
Bahagya naman akong napangiti habang pinapagmasdan ang paligid at si Kalix naman ay kinukuha ang mga gamit sa kotse niya.
"Let's go?" Napalingon ako nang magsalita si Kalix at may dala na siyang basket at sapin.
Tumango ako bilang sagot at nauna na siyang maglakad habang ako naman ay nasa tabi niya.
Nakatingin lang ako sa paligid, pinagmamasdan ang mga magagandang halaman nang bigla akong mapayakap sa braso ni Kalix.
Parehas kaming natigilan at nang ma-realize ko na nakayakap pala ako sa braso niya ay agad akong bumitaw at bahagyang umatras.
"S-sorry. I have this habit kasi na kapag may katabi ako habang naglalakad, bigla na lang akong yayakap sa braso ng katabi ko," paliwanag ko.
"That's alright." Nakangiti niyang sabi at kinuha ang aking kamay at siya na mismo ang naglagay nito sa kanyang braso.
Napakagat ako ng aking labi upang pigilang ngumiti pero huli na, nakita na niya akong nakangisi.
Hindi naman siya nagsalita sa halip ay ngumiti na lamang din siya at binalik ang tingin sa daan.
Makalipas pa ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa aming picnic spot.
Hindi masyadong tirik ang araw at malamig ang simoy ng hangin kaya naman ay masarap tumambay dito.
Nilatag na ni Kalix ang sapin sa damuhan at parehas kaming umupo dun at nagsimulang mag-kwentuhan.
Kahit mahirap ang aming sitwasyon, nakakalimutan ko 'yon kahit sandali dahil sa mga ginagawa ni Kalix.
Bakit naman kasi sa dinami-rami na pwede naming maging problema, bakit kasal pa?
Sino ba naman ako para manalo sa labang iyon?
"Hey, you seemed occupied. Is there something wrong?" Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita.
"It's nothing. Ang ganda ng lugar na napili mo ha. Siguro, marami kang dinalang babae dito," pang-aasar ko.
"Dalawa lang naman," ay aminado talaga siya oh.
Pero wow ha, dalawa agad? Anak ng...
Narinig ko naman ang pagtawa niya at nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sa akin.
"Oh, ba't na bad trip ka? Sinagot ko lang naman ang tanong mo ah." Natatawa niyang sabi.
"Tsk."
"Yes, I already bring two women here. My mom and you," dagdag niya.
Oh. Nevermind...
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan habang nakain ng mga dinala niyang pagkain hanggang sa inabot na kami dito ng hapon.
"Kalix, punta lang ako sa restroom saglit ha," paalam ko at tumayo.
"Gusto mo samahan kita?" tanong niya.
"No thanks, hintayin mo na lang ako dito." Tumango naman siya kaya umalis na ako dun.
Malapit lang naman ang restroom sa picnic spot namin kaya hindi ako masyadong nahirapan sa paghahanap nito.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako ng restroom at pabalik na sana sa pwesto namin nang masulyapan ko siyang may kausap na babae.
Nung una ay inakala kong nagtatanong lamang ito sa kanya pero natigilan ako sa paglalakad nang yakapin ng babae si Kalix.
T*ngina, ba't ang sakit?
"You better close your eyes for this one," sambit ng kung sino mang tao sa likod ko at naramdaman ko ang pagtakip niya sa aking mga mata gamit ang kanyang kamay.
Sino na naman 'to?
To be continued
BINABASA MO ANG
We are (Not) Destined ✓
NouvellesCOMPLETED STORY (Short story) Kalyn, a simple girl who found her what so called "true love" on the internet. She had known this guy for about a half a year already. But neither of them know anything about each other's lives. Until one day, they bot...