The Pictures

60 0 0
                                    

Crossroads

The Picture

Hansel’s POV

Agad akong sumakay ng elevator nang bumukas iyon saka pinindot ang ground floor button. Pupunta kami ngayon ni Chad sa souvenir shop para mamili ng mga pasalubong. Kulang pa kasi yung mga nabili ko at gusto ko rin syang samahan. Pero sa sobrang excited, nakalimutan ko pang dalhin ang aking wallet. Nasa lobby na kami ng hotel nang maalala ko na ipinatong ko iyon sa bedside table. Gusto sana akong samahan ni Chad na bumalik sa room ko pero tinanggihan ko. Sinabihan ko syang hintayin na lang ako sa lobby ng hotel.

 “Siya yan di ba?”  narinig kong sabi ng babaeng katabi ko kaya napatingin ako sa gawi nya. Kinalbit pa nito ang kasama saka pasimpleng akong itinuro. Ang nangyari ay pareho nang nakatingin ang mga ito sa akin. Tatlo lamang kaming sakay ng elevator kaya naman alam ko na ako ang tinutukoy ng mga ito.

“I think so.” Sagot naman ng isa saka hinagod pa sya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Hindi naman pala sya maganda.” Maarteng dugtong pa nito bago sya inirapan.

Napakunot noo ako. Aba! Anong problema ng mga ito?! Makasalita naman na hindi ako maganda, eh anong tingin nila sa sariling itsura? Ang kapal kaya ng make up!

“Baka edited yung picture.” Sagot naman nung isa saka sabay silang natawanan.

Picture? Anong picture?

“Mas bagay parin kami ni Roan. Ang yummy nya kaya.” Malanding sabat ng isa.

“Dream on, girl. Hindi matatapos ang araw na ito at magiging bf ko na sya kaya sorry na lang ang iba dyan.”

“Well, kung hindi rin lang naman sya mapunta sakin, okay na rin na mapunta sya sayo. Basta ba makatikim muna ako ng halik nya.” Kinikilig na sagot naman ng kasama nito.

Napataas ang kilay ko. Harap-harapan na  akong nilalait ng mga ito, hindi pa ba ako gaganti? Pero anong picture ang sinasabi nila? Saka bakit naman nasali sa usapan si Roan?

I was about to say something pero bumukas na ang pinto ng elevator. I sighed para kumalma. Wag mo silang patulan!.

I just stepped out the elevator nang gitgitin nila ako. Mabuti na lang at nabalanse ko ang sarili ko at hindi ako natumba.

“Oh, sorry Miss.” Magkapanabayang sabi ng dalawang bruha saka ako tinalikuran. Halatang naman na insencire ang apologies ng mga ito.

Ang bitch nila! Hindi ko na sana palalapasin ang kamalditahan nila kung hindi ko nasilayan ang magandang ngiti ni Chad. Sinalubong nya ako.

Nagrigodon na naman ang puso ko. Tuluyan nang nawala ang ngitngit ko na gawa ng dalawang bruhang nakasabay ko sa elevator.

“Shall we?” Ngiting ngiti sabi ni Chad sabay lahad ng kamay sa harap ko .

Nakita kong napatingin sa amin ang dalawang bruha. Nakaawang pa ang bibig ng mga ito habang nakatulala sa kagwapuhan ni Chad.

Mainggit kayo!

Tinaggap ko ang kamay ni Chad saka gumanti ng ngiti. Wag sirain ang good vibes. Smile Hansel.

Magkasabay kaming lumabas ng hotel na magkahawak kamay.

Chad’s POV

This is life!

I feel contented habang hawak ko ang kamay ni Hansel. Hindi na sya katulad ng dati na lagi akong sinusingitan. Alam ko, hindi man nya aminin ay unti-unti nang nahuhulog ang loob nya sakin.

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon