Bossy

308 10 3
                                    

A/N: Boring na ba? Sige na po... Pag di busy.. Pahingi naman ng criticism.. Haha.. Para ma-improve ko yung dapat i-improve.. Salamaaaaat po..

*************

Bossy

Hansel's POV

"I am." seryosong sabi nya.

Feeling ko nanlaki yung mata ko matapos kong marinig yun. Nagbibiro lang naman kasi ako to lighten up the mood kaya di ko expected na sasabihin nya yun.

"I am Jealous! Dammit!" he raised his voice.

Napaigtad ako nang mag-echo yung boses nya. Tama bang sumigaw? Hindi naman ako bingi! Na-shock lang ako kaya di ako makapagsalita.

"I'm not joking here, Hansel." puno ng pagdadamdam na sabi nya."I don't know if manhid ka o nagbubulag-bulagan ka lang."

Sinabunutan nya yung buhok nya na para bang aburidong-aburido. "What am I going to do with you!?" sigaw nya ulit.

"Chad" yun lang tanging nasabi ko. Ano ba kasing dapat isagot!?

"What!?"he snapped. "Dadaanin mo na naman sa biro ang lahat?"

"Hindi naman---"

He sighed deeply saka umiling. "Hindi ko alam why do I keep on wasting my time kahit alam ko naman na wala talaga akong halaga sayo."he smiled bitterly. "Kahit na alam ko, tulad ng dati, paghihintayin mo na naman ako sa wala."

Nakatunganga lang ako sa harap nya. Pinagtawanan ko lang naman sya pero kung makapag-drama, sobra naman yata.

Gusto kong magsalita kaso di ko alam dapat kong sabihin. Ano bang ibig sabihin nya? Gusto nya ako? He's jealous kasi gusto nya ako?

Impossible!

Ano yun? Kakakilala nya lang sakin, gusto na nya agad ako?

Wala pa ngang isang linggo!

Teka, wala pa ngang isang Linggo, ano naman yung sinasabi nya na TULAD NG DATI?

Kailan ko nga lang sya nakita! Una sa kalye tapos sa kasal ni Jammy at Jordan.

Anong TULAD NG DATI?

At saka bakit nya ako sinisigawan? Hindi dahil nagseselos sya, may karapatan na syang manigaw!

Nainis ako bigla. Gusto yata nito ng sermon!

I was about to answer nang biglang bumukas yung elevator kaya napalingon ako.

"Tulag ng dati..." bulong nya. "balewala na naman ako sayo." tapos nauna na syang lumabas.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Iniwan nya ako matapos nya akong sigawan. So ganun na lang yun!?

"Ano bang---" nayayamot na sinundan ko sya.

"Chad!" tawag ko na halos pasigaw na pero di sya lumingon. Nagapatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng suite nya.

Bubuksan na sana nya yung pinto nang pigilan ko sya. Hinawakan ko yung balikat nya saka pilit syang pinaharap sakin.

Naiinis ako! Pinagbibintangan nya ako sa bagay na wala akong alam. Unfair di ba!?

"Look!" sigaw ko. "I don't even have an idea sa kung anong sinasabi mo kaya wag mo akong huhusgahan! You keep on saying 'Tulad ng Dati' but hell! Wala pa nag tayong one week na magkakila, kung makaasta ka, akala mo kung sino ka!" humihingal na patuloy ko habang dinuro-duro sya sa dibdib.

"Hindi mo naman ako kilala!"

Hindi sya kumibo. Tumingin lang sya sakin kaya nagpatuloy ako sa pagsigaw.

"Paghihintayin na naman kita sa wala?"tumawa ako. "What are you talking about, Chad!? Na naman!?" I paused. "So big deal sayo ang paghihitay sakin, eh di wag mo na akong hintayin! Kaya ko namang tumagal dito ng one week kahit di mo na ako pagkaabalahan pang hintayin! Kung nakakabigat ako sayo, sana sinabi mo agad! Wag mo na akong hinatyin para magbreakfast! Maglunch! Magdinner! Kaya ko naman ang sarili k---!"

"Wala akong sinasabi na pabigat ka sakin." sigaw rin nya sabay haklat sa braso ko. I was stunned. Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko. Napatitig ako sa mga mata nya.

There's pain.. sadness..and something I can't distiguish...

"I've waited.. But you never came." he came almost like a whisper. "Naghintay ako sa hall pero hindi ka dumating.. You said you will.. Pero bakit ka nga ba makikipagkita sakin noon? Wala naman akong halaga sayo, di ba? At ngayong nagkita na tayo ulit.." He paused saka ako binitawan. " It's still the same, wala parin akong halaga sayo."

Then a memory flashed back.

Natutop ko yung bibig ko. "Ikaw ba---" I paused. " Iyung nasa ball?"

Hindi sya sumagot but he smiled sadly.

Hindi na ako nakapagsalita.

Matapos nyon ay walang lingun-likod na binuksan nya yung pinto ng suite saka isinira yun. Naiwan akong katulala.

Pinaghintay ko sya...Sya yung nasa masquerade ball...I said I will come pero di ako nakarating...

Pina-asa ko sya....Hinintay nya ako...Pero, hindi ko naman alam na aalis ako noon. Balak ko naman talagang makipagkita sa kanya.

God knows, na hindi ko nakalimutan yung mystery guy na yun.

Hindi ko naman alam na makikita ko sya...At sya pala si Chad...

Sabi nya, wala raw syang halaga sakin.. Noon.. Hanggang ngayon...

Kumikirot yung dibdib ko. Deep inside me, ayaw tanggapin yung sinabi nya na I don't care about him.

Dahil mali sya!

Maybe, I'm not sure of what feelings I have for him right now, but I DO CARE!

I do care about Chad! At ayoko na galit sya sakin.

*****************

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon