Irresistible

379 7 2
                                    

Irresistible

Chad's POV

Kung nakakamatay ang tingin, for sure kanina pa ako bumulagta dito.

I leaned on the table saka nanantyang tumitig sa kanya. Sabay nga kaming kumain kaso pakiramdam ko mas gusto nya akong tadtarin kaysa sa tapa na nasa plato nya.

Oo

Napapayag ko rin syang sabayan ako kaso di nya pa rin ako kinikibo. Yun kasi yung kondisyon nya.

"Sasabay akong kumain, pero wag mo akong kakausapin!" nakasimangot na salubong nya sakin nang buksan nya ang pinto ng suite matapos kong katukin yun ng paulit-ulit.

"Pero--"

"Kung ayaw mo, kumain ka mag-isa mo!" patuloy nya na hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. Pagbabagsakan nya pa nga sana ako ng pinto. Mabuti na lang napigilan ko agad.

"Okay." suko ko sa kanya. Basta sabay kaming kumain. Kahit galit sya sakin okay lang. Alam ko naman kasi na di nya ako, matitiis kapag kinulit ko sya kaya pumayag na ako.

Kaya nga heto ako ngayon, uumpisahan ko nang magpacute.

Parang g@go lang. Sige, ibahin natin ang term, uumpisahan ko nang pa-ibigin sya sa kagwapuhan ko.

Hindi ko tuloy napigilang mapangiti na ikinangunot ng noo nya.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan!?" taas kilay nyang sagot. Ibinaba nya yung hawak na tinidor saka sumandal sa upuan.

Sabi sa inyo hindi ako matitiis nyan eh. Ngiti ko palang yun ha!

"Wala naman." sagot ko. "Naisip ko lang kasi para tayong may LQ." nangingiting tuloy ko. "Ang selosa mo kasi Honey. Hindi mo man lang ako binigyan ng chance na magpaliwanag, nagdadabog ka agad."

Namilog yung mata nya. "LQ?" namamanghang sabi nya.

"Yup! Lover's quarrel." sabi ko then I winked at her. I took a sip of my coffee saka balewalang sumandal sa upuan habang nakatitig sa mukha nya. How I enjoy seeing her facial expressions!

It's priceless! She blushed whenever she's embarassed but blushed even more kapag napipikon.

"Selos?" dagdag na tanong nya. "Ako?" sabay turo sa sarili nya. Tumango-tango ako. "Tayo? As in LQ?" Tinuro nya pa ako at ang sarili nya then she leaned on the table saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.To her surprise, nilapit ko rin yung mukha ko sa kanya kaya magka-level na yung mga mukha namin. I gave him my best smile saka sumagot. "Yeah." umpisa ko. "Kahit paulit-ulit mong itanggi, alam ko naman ang totoo."

Bahagya syang natigilan. Then, she smiled again saka lalo pang nilapit yung mukha nya sakin. Ang pagitan na lang tuloy namin halos 1 inch na lang, konti pa pwede ko na syang mahalikan. Hindi ko tuloy napigilan na titigan yung lips nya.

Damn! How I wanted to kiss her just this morning!Pero hindi ko ginawa. Ayokong magmadali. Ang gusto ko, mahahalikan ko sya, hindi dahil nagtake advantage ako. Simple lang ang dahilan. I respect her.

"Chad." sabi nya na ikinagising ng diwa kong naglalakbay sa kissing scene namin. Pinitik nya yung noo ko saka nagsalita "Asa ka pa!". Agad naman syang nag-iwas ng tingin saka umayos ng upo.

Hinilot ko yung noo ko. Hindi naman yun masakit pero natigilan ako. Weird na kung weird. But I find what she did so cute kaya naman lalo akong napangiti. "You're really sweet, honey." sabi ko.As usual, she just rolled her eyes.

Hansel's POV

Nagda-drugs ba sya?Anong sweet sa pagpitik ko ng noo nya? Ginawa ko lang naman yun kasi parang lumilipad na kung saan yung isip nya.

Naiiling na pinagpatuloy ko yung pagkain. Iniwasan ko ring mapatingin sa kanya kasi naman, naiilang ako.Paanong hindi, ginagawa nya akong TV. Para syang aliw na aliw sa mga kilos ko.

"Stop staring, will you!" nakasimangot na saway ko sa kanya nang di ako makatiis.

"I'm not staring at you." patay malisyang tanggi nya saka humigop ng kape.

"Ewan." bulong ko. Nilagyan ko ng catsup yung tapa saka sinubo. Parang di ko malunok kahit malambot naman yun. Naiilang ako na tinititigan nya ako.

I gave him a what-look. Ngumuso sya.Hindi ko naintindihan kaya nangunot noo lang ako.

Nanghihingi ba sya ng kiss?

Kung, oo bibigyan ko ba sya?

Natigilan ako.

Pwede?

No! Ano na naman bang kalokohan ang naiisip ko. Hindi naman dahil sexy yung lips ni Chad, pwede na nya akong halikan kahit kailan.Tulad kanina nung nasa suite kami.

Akala ko...

Oh my!

Ang aga-aga kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

Nabalik ako sa huwisyo nang pahirin nya yung nasa gilid ng labi ko gamit yung daliri nya then he licked it!

"Catsup." paliwanag nya.

Whaaaaat!

Alam kong namumula ako kaya yumuko na lang ako. I don't want to let him know na affected ako sa ginawa nya pero alam kong impossible dahil pati ang tainga ko siguradong namumula rin.

"You're blushing." sabi nya na dinugtungan nya ng mahinang tawa.

"Shut up!" naiinis na sagot ko saka yumuko.

"But you know what?" tumigil sya sa pagtawa. He leaned on the table saka hinawakan yung chin ko para matingnan ko sya. "Ngayon ko lang nalaman" sabi nya habang nakatitig sa labi ko. "Catsup taste more sweet when it's on your lips."

Ha?

Gusto nya ba akong i-kiss?

*********

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon