Red Nightie Part 2

529 14 3
                                    

Red Nightie Part 2

Chad just gave me a smirk na parang alam nya na nagsisinungaling ako.

"That's well taken cared of." paliwanag nya habang nilaro-laro sa kamay nya yung nadampot na stressball sa ibabaw ng center table. "Nakausap ko na si Cynthia. Wala ka pa naman daw appoint--"

"What?!" So pati si Cynthia nakausap na nya. Very well!

Cynthia, bakit mo ako pinagkanulo sa lalaking ito?! Luka-luka ka talaga.

Iyun pala yung ibig sabihin nya sa text nya kagabi na mag-enjoy ako kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Akala ko naman may topak lang sya kagabi kaya kung anu-anong pinagsasabi nya. Yun pala!

"Yeah, you've heard me right. So pack your things now at babyahe pa tayo papunta sa airport." tinatamad na sagot nya saka tumayo at balewalang inabot sakin yung stressball na inabot ko naman. Shit lang! Kailangan ko nga yata ng marami nito! Initsa ko yung bola sa sofa saka sinundan sya sa kusina. Wala na akong choice. Naiinis ako sa pagmamanipulate nya ng lahat lahat. Sino ba sya sa akala nya?!

Naabutan ko syang binubuksan yung mga cabinet na para bang may hinahanap. Maya-maya, inilabas nya yung brewed coffee ko. "What do you think you're doing?!" angal ko. Pinilit kong agawin sa kanya yung canister pero iniwas nya sakin yun. Wala akong balak bigyan sya ng kahit na ano.Paubos na nga yun. Hindi pa ulit ako nakakabalik sa farm namin sa Batangas kaya wala pa akong stock ng paborito kong brewed coffee.

"Liar, may coffee ka naman ayaw mo lang mamigay."Nakasimangot na akusa nya sakin. He pouted his lips in a masculine way. Napatitig tuloy ako sa kanya.

Damn! This man could manage to be so irritating and adorable at the same time.

I shook my head. Galit nga pala ako sa kanya! Bakit ko sya pinupuri?!

Pinameywangan ko sya. Magsasalita na sana ako pero naunahan nya ako.

"Oh, shit!" he cussed while looking at me seriously. "Get dressed now." utos nya saka tumalikod. Agad ko namang tinakluban ulit ng throw pillow yung harapan ko. Nawala sa isip ko na I'm still wearing this piece of gown. "Baka ano pang magawa ko." bulong nya na umabot sa pandinig ko.

Gigil na gigil na nagmartsa ako papasok sa kwarto. "Pervert!" asik ko sa kanya. Alam kong narinig nya yun dahil sinagot nya yun ng halakhak.

Oh my! Tintatawagan ko po lahat ng santo na tulungan akong masurvive ang isang linggo na kasama ang lalaking yun! Dyas ko pei!

Chad's POV

Kung makikita ako nila Jordan at Errol ngayon, tiyak na pagtatawanan nila ako. Akalain mong darating ang pagkakataon na may ipaghahanda ako ng agahan suot itong spongebob na apron. Naiiling na isinalin ko sa plato yung hotcake saka isinara yung stove. Kumuha ako ng dalawang platito at tinidor saka inayos sa dinning table.

Ano na kayang nagyari sa kanya? Parang ang tagal naman nyang lumabas ng kwarto, baka natulog na yun.

Nakakaloko namang nagflash sa memory ko yung itsura nya kanina.

Damn! That was really a turn on!

I shook my head trying to erase the idea.

"Whew!" buntong hininga ko saka binalingan yung coffeemaker. I made two cups of coffee saka inoccupy yung isang silya at hinubad yung apron. "One minute." bulong ko habang nakatitig sa relo ko. "Kapag di ka pa lumabas, kakatukin na talaga kita sa kwarto mo." Humigop ako ng kape saka binantayan yung oras.

Maya-maya..

"So, feel at home ka na talaga?" ingos nya sakin. Napalingon ako. She's wearing a light yellow body hugging blouse paired with a black skinny jeans. Her hair is still dump, halatang kakatapos lang maligo. Her lavender scent shampoo sweetly blend in with the smell of vanilla glazed in the hotcake.

Umupo sya sa vacant seat na kaharap ko saka inangat yung tasa ng kape.

Hindi ko pinatulan yung pagsusungit nya. Ngumiti lang ako saka pinaglagay sya ng hotcake sa plato nya. Reverse psychology, sabi nga nila. Hindi na naman sya nagsalita. Kinuha nya yung tinidor saka tahimik na kumain. I did the same.

Paminsan minsan, tinitingnan ko sya at sa tuwing masasalubong nya yung tingin ko she'll just say.. "What?".

I'll just shrug my shoulders in return then she'll roll her eyes. Honestly, matagal ko ring hinintay yung time na mangyari ito. Just to be with her this close. Sira na nga yata ako.

"Ill do the cleaning." bigla nyang sabi nang matapos nyang ubusin yung ibinigay ko sa kanya kanina."Baka sabihin mo, hindi ako marunong umistima ng bisita." dugtong nya pa saka tumayo at inipon yung pinagkainan namin."Just wait for me in the living room." patuloy nya.

Napapangiting sumagot ako. "Okay."

Dumeretso sya sa lababo pero lumingon ulit sakin. "Bakit nandyan ka pa?"

"Ayoko sa living room." balewalang sagot ko. Umarko na naman yung kilay nya. Have I told you that her eyebrows look sexy on her?

Oh Never mind! Basta I find it so appealing.

"Gusto ko dito mas maganda ang view." patuloy ko saka ko sya tinitigan. Bigla naman syang namula saka umirap.

"Ewan ko sayo!" inis na sabi nya na tinawanan ko lang.

**********

Thanks...:) comment?

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon