Red Nightie

532 8 3
                                    

Red Nightie

Hansel's POV

Ding...dong...

Kumurap-kurap ako. May nagdo-doorbell ba o panaginip ko lang yun?

Inaantok pa talaga ako...Panaginip lang siguro...

"Sige, Hansel. Matulog ka pa.." utos ko sa sarili ko saka niyakap ng mahigpit yung unan.

Ding...dong...

Panaginip lang yun. Hindi yun totoo. Wala naman akong inaasahan na bisita at bukod pa dun, ang aga-aga pa kaya.

Maaga pa nga ba?

Minulat ko yung isa kong mata saka sinilip yung wallclock.

Confirmed.

Maaga pa. 5:15am pa lang. Tulog muna!

Ding...dong...Ding...dong...Ding...dong...

Napabalikwas ako ng bangon saka umupo sa kama. Pinakinggan ko kung tutunog ulit yung doorbell ko.

Ding...dong...

"Ay naman! May tao nga!" dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto.

Ding...dong...Ding...dong...

"Grabe naman. Hindi makahintay. Sino kaya yun? Hindi ba nya alam na maaga pa para mambulabog ng taong natutulog!" litanya ko habang nagmamadaling lumapit sa pintuan.

Pagbukas ko...

Bigla kong naisara ulit. Narinig ko pa yung pag-aray nya. Sumandal ako sa pinto.

"Si Chad ba yun?!" naguguluhang tanong ko.

Binuksan ko ulit yung pintuan at nakita ko ang nakangiwing mukha ni Chad habang winawagaway sa ere yung kamay nya. Naipit yata.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko. Humarap sya sakin na iniinda parin yung sakit ng kamay nya.

"Susundu---" napatigil sya sa pagsasalita na ikinataka ko. Natulala sya saka nakakalokong ngumisi.

"Nice view!"

"Anong--?" Hindi ko agad nakuha yung sinabi nya. Nakita kong hinagod nya ako ng tingin kaya napatingin din ako sa sarili ko.

Wala akong sapin sa paa kasi nga nagmamadali ako. At hindi rin ako nakapagrobe sa kakamadali ko.

Hindi ako nakapagrobe!

Shit!

I'm only wearing a red nightie with plunging neckline at umabot lang haba nun sa kalahati ng hita ko. Halos manlaki yung mata ko ng marealize na binobosohan ako ng isang ito!

"Bastos!" sigaw ko sabay sarado ulit ng pinto pero napigilan nya yun bago ko pa man tuluyang maisara. Kaya ang nangyari nagkaroon ng kaunting awang yung pinto habang pilit ko yung tinutulak pasara.

"Bastos ka! Anong ginagawa mo dito?" asar na asar na sigaw ko.

Kainis naman. Bakit kasi naisuot ko pa itong regalo ni Cynthia?! Bigay kasi ng luka-lukang yun itong sexy red nightie. Nakatuwaan nyang iregalo sakin nung last birthday ko. Isinuot ko naman kaysa hindi magamit tutal wala naman ibang makakakita. Di ko naman inaasahan na darating itong si Chad.

Nakita nya ako. Pakiramdam ko sobrang init ng mukha ko sa pagkapahiya.

"Hey! Anong bastos dun? Pinuri ka na nga, nagagalit ka pa!" natatawang sagot nito.

"Pag di ka umalis sisigaw ako!" banta ko sa kanya.

Nasisiraan na yata sya. Bakit ba sya nandito?! Paano nya nalaman yung address ko? Stalker ba sya? Rapist?!

"Oh com'on, kanina ka pa sumisigaw. Nakakahiya na nga sa mga kapitbahay mo." casual na sagot nito saka itinulak pa lalo yung pinto kaya bumukas iyon at napaatras ako. Muntik na nga akong mapaupo kung hindi nya ako nahila agad. Napakapit tuloy ako sa balikat nya habang hapit hapit nya naman yung bewang ko. He looked at me with amusement on his eyes and spoke in a husky voice. "I've never seen a woman so beautiful in the morning, ngayon pa lang."

His gaze slowly descended to my lips, down to my neck then to my exposed skin flawlessly revealed in my nightie.

Natauhan ako sa sinabi nya kaya mabilis ko syang naitulak at saka nagtatakbo ako papunta sa likuran ng sofa. Hinablot ko yung throw pillow saka ipinantakip sa tapat ng dibdib ko.

"Bastos ka talaga!" nanggagaliiting sigaw ko sa kanya. "Bakit ka ba kasi nandito?!"

Nailing lang sya saka prenteng umupo dun sa one seater sofa na katapat ko.

"Ano!?" I asked impatiently.

"Easy, hot shot!" ngiting ngiti lang sya. "Hindi mo man lang ba ako aalukin ng coffee?"

"Walang kape dito!"

"Tea?"

"Wala rin."

"Ganun?"

"Oo." nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. "So go straight to the point and tell me what the hell are you doing ---"

"Whew!" he cut me off. "Hindi ko alam na para ka palang tigre." bulalas nya. Magsasalita pa sana ako pero naunahan nya ako. "Well, I'm here to fetch you." umpisa nya.

Fetch? Saan kami pupunta?

Tinaasan nya rin ako ng kilay. "So may I remind you, we have our flight to Palawan at 8am this morning and I'm very sure na hindi ka pa nakakapag-empake kaya maaga akong pumunta dito." tuloy tuloy na paliwanag nya.

Natigilan ako

Shit!

Sya nga pala yung nanalo sa bet namin kaya wala akong choice kung hindi tuparin ang napag-usapan.

"Don't tell me, wala kang balak i-honor ang mga sinabi mo?" seryosong tanong nya.

"Ngayon na ba talaga yun?"

"Yep!"

"Paano yung mga clients ko? Hindi ko pa sila nasasabihan." pagsisinungaling ko. Wala pa naman kasi talaga akong appointment ngayong week. Lumulusot lang ako.

Ang tanong...

Makalusot kaya?

******************

Comment? Vote? Fan?

Thanks

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon