Here's the Key

396 12 3
                                    

Here's the Key

Hansel' POV

Niyakap ko yung unan. Medyo nagtaka ako. Kasi parang ang tigas. Mu-muscle yung unan ko.

Tapos bigla kong na-alala si --

"Chaaaaad!" gulat na sigaw ko saka ako napabalikwas sa kama. Nagulat din yata sya kaya nagising at agad ring napatayo.

"What the hell was that for?"nakangiwing tanong nya sakin habang hawak yung tenga nya.

I bite my lower lip, Napalakas yata yung sigaw ko. Pero kahit na, bakit ako nakayakap sa kanya? Anong ginawa nya sakin? Tiningnan ko yung suot ko, kumpleto pa naman. Tapos tiningnan ko sya.

Shirtless!

Ahem.. Oo nga pala, ako ang naghubad ng polo nya kagabi.

Pero bakit ako nakayakap sa kanya? Nasaan na yung unan sa gitna namin?

Pagtingin ko, nasa sahig, sa side ko.

Ako ang nag-alis?

Ako ang nakayakap?

Ako ang lumagpas sa boundary?

Ako ang----

"Okay ka lang?" sabi nya na ikinalingon ko.. He was standing at the other side of the bed habang nakapamewang. "Sabi ko, Good morning."nakangiting sabi nya. Tumaas baba pa yung kilay nya nang di ako sumagot agad.

"Anong maganda sa umaga!"sagot ko saka naiinis na tinalikuran ko sya at pumasok ako ng banyo.

Shit lang! Tama bang mapatunganga ako sa kanya!

Naiinis na naghilamos ako ng mukha saka nagtoothbrush. Paglabas ko,nakabihis na sya.

Mabuti naman!

"I can't find my wallet."bungad nya sakin. "Pati yung susi ng suite ko."

"Aba, malay ko sayo!" high pitched na sagot ko sa kanya. "Bakit sakin mo hahanapin!? Mabuti nga pinatulog pa kita dito eh!" sumbat ko sa kanya.

"Relax!"sagot nya nang nakataas kamay. "Ang dami mong sinabi." natatawang dugtong nya.Sinimangutan ko lang sya. Naiiling na naglakad sya papunta sa pinto.

Sumunod ako."Uy Chad!"tawag ko bago pa man nya mabuksan ang pinto. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" salubong parin ang kilay na pahabol ko.

To my surprise, bigla syang humarap sakin at hinapit ako sa beywang. "Thank you." he said like a whisper habang nakatingin sa lips ko.

I gasp. Bakit ganun? Hindi sya bad breath.Inilapit nya yung mukha nya sakin kaya napapikit na lang ako.Naramdaman ko na lang yung paglapat ng noo nya sa noo ko. Then I opened my eyes.

"Thanks for last night." sabi nya while his eyes are dancing in amusement. Tapos binitawan nya ako at lumabas na ng kwarto.Pakiramdam ko nanlambot yung tuhod ko dun kaya sumandal ako nga pinto. Nagulat na lang ako nang biglang may kumatok.

I breathed deeply bago ko binuksan. "Breakfast at 8am." sabi ni Chad. Nawawala sa sariling tinaguan ko naman yun. He smiled at me saka tumalikod.

Nakailang hakbang palang sya nang bumukas yung pinto ng suite nya at lumabas yung babae na nakita kong kahalikan niya kagabi!

"Honey, you're back!" nakangiting bati nyo saka sinalubong si Chad.

"Anong ginagawa mo sa kwarto k---?" Hindi na nya naituloy yung sasabihin nya.

Napaawang yung bibig ko sa nakita ko.Ang kapal ng mukha!

Sa harap ko pa talaga maghalikan!

Nangigigil sa inis na ibinagsak ko pasara yung pinto ng kwarto ko!

Magbreakfast syang mag-isa nya!

****

Chad's POV

Oh Not Again!

Mahina ko syang tinulak, kung sino man sya! Narinig ko yung pagbalibag ni Hansel ng pinto ang as usual, galit na naman sya sakin.

"Sino ka ba!?" nakangunot noong tanong ko sa kanya nang makawala ako sa pagkakapit nya sakin.

Sumimangot sya saka sumagot. "It's Brittany! Nakalimutan mo na agad. We dated three months ago."

DAMN!

Sabi ko na nga ba darating din yung time na dahil sa kalokohang blind date na yan, magugulo ang buhay ko eh.

"I'm sorry, miss." sabi ko. "Pero di talaga kita matandaan."

Parang hindi naman sya makapaniwala sa sianbi ko kaya napaawang yung bibig nya. "Now tell me." patuloy ko. "paano ka nakapasok sa kwarto--"

Ouch!

Ang lakas nun ha! Anong problema nya!?

Sapo ko yung pisngi ko na sinampal nya. "Bakit---"

"Here's your key!" galit na sabi nya sakin habang pinagduldulan sakin yun susi saka nagmartsa palayo.

So nasa kanya yung susi ko. Naiwan ko siguro sa bar kagabi.

Naiiling na lang ako, I really don't know her aside sa sya yung lumapit sakin kagabi. I'm sorry for that. Sa halos gabi gabing blind date na ni-set up sakin nila Jordan at Errol, matatandaan ko ba lahat sila?

I was about to enter my room nang makita ko yung purse nya sa ibabaw ng bed ko. I hurriedly snatched it saka lumabas ako ng kwarto. Then I called her, "Miss!"

Lumingon sya kaya wingayway ko yung purse nya. Nagmamadali naman syang bumalik saka pahablot na kinuha sakin yun. Pero imbes na magpasalamat. Ito ang sabi nya..."Jerk!" saka tuluyan nang naglakad palayo.

Britany's POV

"Ms. Bain"salubong sakin ng PA ko. "Kagabi ko pa po kayo hinahanap ng Daddy nyo."

Binigyan ko sya ng matalim na irap saka nagdirediretso ako sa banyo.

"Tumawag rin po sya kanina. Wag raw po kayong malelate sa shooting."narinig ko pang pahabol nya bago maisara yung bathroom door pero di ko sinagot.

Bwisit na Chad yun!How dare him to forget me that easy!

*****************

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon