Chapter one: The innocent one

398 26 0
                                    


"Ciel Phantomhive. 18 years old and..." Napakunot ang noo ng babae at dinouble-check ang dalawang pirasong papel na kanina pang inuusisa.

"Ito lang Mr. Phantomhive ang nakalagay sa personal information mo?" Takang tanong ng school registrar kay Ciel nang tingnan ito. Napayuko naman si Ciel sabay inayos ang suot na salamin.

"That's all I have, ma'am. I-i only listed the important things in my bio data. So, I guess that's all it is." Mahina nitong banggit bago ibinaling ang tingin sa kaniyang papel.

Napabuntong hininga naman ang babae at kinuha naman nito ang iba pang dokumento na ipinasa ni Ciel.

"Well, base naman sa results ng grades mo, matataas ito at na-meet mo ang criteria ng university. So," tinatakan ang kaniyang papel at ibinalik ito sa kaniya nang may ngiti.

"You're accepted Mr. Phantomhive in this university. Congratulations!"

Tumango lang ito bago lumabas sa opisina. Napakamot naman ang babae dahil mukhang hindi ito masaya na nakapasa siya sa unibersidad.

Kasalukuyang naglalakad si Ciel sa loob ng campus at pinapamilyar ang sarili sa darating na pasukan. Sinabi sa kaniya kanina ang mga rules and regulations ng Lauren High at isa na rito ang pagtira sa buong apat na taon. Kaya naman ay tinatahak na niya ang daan papunta sa dorming areas kung saan matatagpuan sa dulong bahagi ng university.

Nang matunton niya ito ay binisita niya ang loob ng kaniyang magiging silid. Bumungad kay Ciel ang dalawang magkahiwalay na kama, banyo sa kaliwang bahagi habang isang mini-kitchen ang katabi nito. Sakto ang lawak at laki ng silid na ito para sa dalawang tao kaya hindi na nagtaka si Ciel na may makakasama siya rito. Nagtagal lang siya ng ilang minuto rito bago niya lisanin ang lugar.

_

"Ciel, how's your day?" Tanong ng kaniyang Mommy Trina.

"It's fine, mom. By next week, magsisimula na po 'yung klase namin. Aware naman kayo na doon ako mags-stay right?" Mahina nitong sagot habang ibinabaling ang tingin sa kaniyang pagkain.

"Yes, I do. Gusto mo tulungan kita mag-empake ngayon?"

"No need na po. Ako na po gagawa niyon bukas."

"How about mamili tayo ng mga damit mo bukas? Para naman may bago kang maisuot---"

"Magastos po, mom. Okay na po ako sa mga damit ko ngayon."

Namayani ang katahimikan sa hapag nang sabihin iyon ni Ciel. Nagkatinginan ang mag-asawa sa inaasal ni Ciel pero wala silang magawa dahil kaisa-isa nila itong anak.

Makaraan ang ilang saglit ay hindi na nakatiis si Trina kaya lumapit siya sa anak.

"Ciel, I know na ayaw mong ma-spoiled sa amin ng daddy mo but you can ask us kung anong kailangan at gusto mo. We are willingly na ibigay 'yon sa'yo."

Ngumiti nang tipid si Ciel at umiling.

"Wala na po akong kailangan. Kontento na po ako sa mga ibinibigay niyo."

Hindi napigilan ni Trina na mapayakap sa anak at inatake na naman siya ng kaniyang emosyon.

"Why are you crying, mom?" Inosenteng tanong ni Ciel habang hinahagod ang likod ng ina.

"Wala, anak. Natutuwa lang ako dahil kahit may kaya tayo sa buhay, hindi ka naghangad ng mga bagay na walang katuturan. You know what? Gusto ko mamuhay ka nang masaya at nakakasabay sa daloy. Hindi ka ba malungkot na wala kang nakakausap bukod sa amin?"

"Hindi po. Hindi ko kailangan ng ibang tao para maging masaya ako."

"Anak, Ciel, iba pa rin ang may kaibigan. Gusto ko, kapag pumasok ka na sa university, may maipapakilala ka na sa aking kaibigan hah?"

Hindi sumagot si Ciel bagkus tumungo lamang ito.

Isa pa, hindi niya maipapangakong magagawa niya ang hinihiling ng kaniyang ina dahil sa buong buhay niya ay hindi siya sumubok na makihalubilo sa iba.

"Magpapahinga na po ako." Panapos na salita ni Ciel bago tumaas sa kaniyang silid.

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon