Chapter fourteen: So, are we dating now?

160 13 0
                                    


“Hey, you okay?”

I didn’t respond to him. 

Siya na ang bumasag ng katahimikan after we did that thing. 

Totoo ba ‘to?

Hindi ba ako nananaginip?

For the record, Sebastian Michaelis confessed his feelings a while ago.

“Sebastian, tapatin mo nga ako. Trick ba ‘to? Pinaglalaruan mo ba ulit ako? Siguro may nakatagong camera sa silid na ‘to kaya dito mo ‘ko dinala. Kung ako sa’yo, itigil mo na ‘to.”

“Really? After we’ve kissed, iyan ang itatanong mo?” natatawa pa nitong banggit na nagpainis sa akin.

“I’m serious!”

“Hey Ciel, listen to me.” hinawakan niya ang magkabilian kong balikat at pinaharap sa kanya. I look at his eyes and I see the sincerity of it while digging it on my own.

“All of what I’ve said is true. I like you and I mean it. At paulit-ulit ko ‘tong sasabihin sa’yo to prove that my feelings for you is real. Are you really dumb to not see my aggressive actions towards you?”

I can’t help it but to smile. Kinagat ko ang aking labi para hindi niya mahalata na kinikilig ako.

Yes. Oo na. Kinikilig ako sa mabubulaklak na salita ni Sebastian. Ito yata ang sinasabi nilang ‘butterfly in the stomach’ and I really feel it. Jusko, kanina lang galit ako sa kanya, tas ngayon para akong ginayuma dahil lang sa halik niya. Ang rupok ko!

“Are you expecting me na may romantic feelings pala ‘yung pang-aaway mo sa’kin? Hindi pa ako nasisiraan ng bait ‘no! Atsaka, paano mo ipaliliwanag ‘yung pantataboy mo sa’kin on the very first day na nag-aaply pa lang ako sa student council?”

“Because I was mad at you!”

“Wow! Ikaw pa ‘tong galit? Hindi ka pa rin ba nakakaget-over noong natapilok ako sa’yo?”

“Not that one!”

“Eh ano? Nasisiraan ka na ba ng bait?”

“I was mad at you because you don’t recognize me!”

“Recognize? Hoy Sebastian! Hindi pa kita kilala noon kaya huwag mo akong paratangan ng ganyan. Hindi ako ulyanin at sa pagkakatanda ko, ‘ni minsan ay hindi tayo nagkasalubong o nagkausap man lang.”

“See? You don’t recognize me.”

“Ewan ko sa’yo Sebastian! Paikot-ikot lang tayo eh! Hindi nga kita kilala!” napasapo ako sa aking noo dahil nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko sa kanya.

“Ako ‘yung umakyat ng ligaw sa’yo noon. The boy with a flower…remember?”

Napaangat ako ng mukha at may pagtatakang tumingin sa kanya.

Si Sebastian? Umakyat sa akin noon ng ligaw? Kailan?

“Anong pinagsasasabi mo?”

“I guess you don’t remember since we’re in middle school at that time. I was the one who went to your house, and then your father abruptly stated that he does not approve of you being courted. Natatandaan mo rin ba ‘yung nilibre tayo ni Sir Domingo sa grill house? That night, my classmates from middle school warned me about my secret if I don’t give them money. ‘Yung sikretong ‘yon ay ikaw Ciel. I liked you since before.” pagsisiwalat niya na nagpaawang ng aking bibig.

All these years, siya pala ‘yung lalaking pumunta sa aming bahay para umakyat ng ligaw? Is this for real?!

“I-ibig sabihin, ikaw ‘yung anak ng mayor?” tigalgal kong tanong habang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman.

Sa pagkakatanda ko, hindi pa ganito ang itsura niya. May side bangs pa siya noon na malayo sa kung saan siya ngayon. Ibang-iba ang glow up niya.

Tumango lang siya at muling hinawakan ang aking kamay.

“So you remember now?”

Ako naman ang tumango sa kanya. Umarko ang ngiti sa kanyang labi at hinigpitan pa ang pagkakakapit sa akin. For the first time, I see the true smile of Sebastian. It’s kinda new to  me pero ang gwapo niya kapag ngumingiti siya.

Shet! Ano ‘tong mga sinasabi ko?!

“Are we dating now?”

“H-hah?”

“Why am I asking? I know you like me too. I guess this day is our official date.” nakapalumbaba pa siya at tumango mag-isa.

“T-teka, masyadong mabilis ang lahat. Hindi pa ako handa.”

“Not yet? Then I will make you ready.” muli na naman niyang hinagkan ang aking labi at sinubasib ito hanggang sa mamaga.

Hays, nalintikan na!

_

Happy New Year ebriwann!!! Oh, may nagkainan na! HAHAHAHAH

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon