“Krypton!” bungad na tili ng babae sa amin pagkapasok sa head office. Mahihimigan sa kilos nito ang pagkaatat dahil sa tantiya ko ay kanina pa niya hinihintay ang kasama ko. Nang makalapit, kaagad itong lumingkis sa braso ni Krypton na nagpairap naman sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa harap ni Sebastian na kasalukuyang nagbabasa ng libro.“Ellaine, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Krypton sa babae.
“Nagpapatrol lang, tulad ng nakasanayan.” maligalig nitong sagot habang hindi pa rin kinakalas ang pagkakasakbit sa braso ni Krypton.
“Nagpapatrol? Ulol! Hindi mo kami mauuto, Ellaine! You’re just taking advantage sa pagka-presidente mo para makapuslit dito. Ang sabihin mo, si Krypton talaga ang pakay mo kaya lagi ka ditong pumupunta.” asik ni Joseph na busy naman sa paglalaro ng online games.
“Hmm, oo. Tama ka. Si Krypton lang naman ang hindi nakakapansin ‘non. Teka, sino siya?” sabi ni Ellaine na ngayo’y nakatingin na sa akin.
“Si Ciel. Under observation pa siya ni Sebastian pero magiging parte na rin siya ng student council.” Pagpapakilala sa akin ni Krypton. Lumapit naman sa akin si Ellaine sabay inilahad ang kaniyang kamay.
“Hi, ako si Ellaine Constancia, president ng LHI All Girls School at limang taon nang may gusto kay Krypton. Nice to meet you, Ciel.” napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kusang inabot ng aking kamay ang kaniyang palad at nakipag-shakehands sa kaniya.
Limang taon? Limang taon nang may gusto kay Krypton?
Nakapagtataka na hindi man lang nakuhang sagutin ni Krypton si Ellaine. Kasi kung panlabas na kaanyuan ang basehan, no doubt na lahat ng mga kalalakihan ay mapapatingin dito. Maputi, balingkinitan ang katawan, hugis bigas na mukha at confident sa sarili. Kumbaga sa madaling salita, nasa kaniya na ang lahat.
“I’m sure makakapagpalagayan din kayo ng loob tulad ko. Right, Ciel?” Tanong sa ‘kin ni Krypton. Napatingin naman si Sebastian sa akin na animo’y hinihintay din ang sagot ko.
“A-ah oo. Mukhang hindi naman mahirap pakisamahan si Ellaine.” nahihiya kong banggit habang nagkakamot sa batok.
Nagulat ako kay Sebastian nang isara nito nang malakas ang binabasa niyang libro. Mabilis niya itong isinalansan sa bag at tumayo.
Anong nangyayari sa kaniya?
“Oh Sebastian, saan ka pupunta?”
“Sa study room. Hindi ako makapag-concentrate dito.” Malamig niyang tugon kay Joseph sabay labas ng silid.
Sinenyasan ako ni Krypton na sundan si Sebastian na nagpabuntong-hininga sa akin. Napag-usapan kasi namin kanina na subukan ko raw mag-first move na kausapin si Sebastian dahil likas daw sa lalaking ito ang pagkamahiyain. Labag man sa kalooban ko, mabilis kong dinampot ang cellphone sa lamesa at sinundan siya sa labas.
Tahimik akong nakasunod sa likod niya at iniisip kung anong gagawin para mapalapit sa kaniya. Hindi ko namalayang huminto siya paglalakad kaya naumpog ako sa likod niya. Nakabusangot itong humarap sa akin habang nakadikit ang dalawang kilay.
“Anong kailangan mo?”
“A-ah, tamang-tama, magla-lunch na. Tara kain tayo.”
“No. Busog ako.”
“Libre ko.”
“No thanks.”
“Ice cream, candy, buko juice. Sabihin mo lang.”
“Hindi ako sweet tooth kagaya mo.”
“Ah eh…” wala na akong maisip na sasabihin. As usual, lagi na lang akong nababara ng lalaking ‘to. Akala mo naman nakalunok ng baril dahil deratrat ang bibig sa pagsasalita.
“Don’t beat around the bush. Ano ba talagang gusto mong sabihin?”
“Okay. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I-i want to make friends with you. Again, I’m sorry about what I did to you noong first day. Pwede bang magkaayos na tayo?”
Para kaming tanga na nagtititigan lang sa gitna ng hallway. Ako, hinihintay ang sagot niya pero nagmumukha lang akong timang dahil wala yata siyang balak magsalita.
“I really hate you.” sabi nito sabay talikod sa akin.
Ano pa nga ba? Kung hindi utos ang sasabihin niya, trip niya namang pasakitin ang ulo ko.
“Akala mo, susuko na ako sa pag-hate you mo? Kukulitin kita at makikita mo!” deklaro kong sabi at muli siyang sinundan papuntang cafeteria. Tingnan mo ang isang ‘to, hindi raw gutom pero pagkain naman pala ang hanap.
Naabutan ko siyang nakaupo sa kaliwang sulok at mag-isang kumakain. At somehow, I see myself in him sa mga tagpong ‘yon. But, I need to stay focus sa oplan operation ko na makipagmabutihan kay Sebastian. Not romantically, just a friendly way.
“Hi, is this seat available?”
“No.”
“Okay.” sabi ko sabay upo sa kaniyang harapan. Napairap naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pinagmasdan ko lang ang pagnguya niya at balak sumabay pagkatapos niyang kumain.
“Here, drink this.” sabi ko at inipod sa kaniyang harap ang isang bote ng orange juice.
“Nawalan na ‘ko ng gana.”
“Wait, ‘yung juice mo!” hindi ko na naabot sa kaniya dahil mabilis itong umalis. Kaagad ko namang inubos ang juice para muli siyang buntutan.
Pumasok siya sa banyo kaya ito ako, pumasok din.
“Holy shit!” gulat niyang turan at mabilis isinara ang zipper.
“Hanggang dito ba naman, susundan mo ‘ko?!”
“Sabi ko naman sa’yo, gusto kong magkaayos tayo. Ano ba kasing problema mo at sagad pa sa lupa ang pagkamuhi mo sa’kin? Promise, hindi na kita kukulitin kapag sinabi mo sa’kin lahat.”
“Gusto mo ba talagang malaman?”
“Oo. Lahat-lahat.”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Ikaw mismo. Hindi kita gusto. Nakakainis ‘yang ikinikilos mo na akala mo naman close tayo. I also get mad once I saw your face or even hear your voice. Wala kang ginawa kungdi dumikit, wala ka namang naitutulong. Ano, masaya ka na?”
Hindi ko alam but his words strike my heart directly. Tila nanlambot ang aking mga tuhod at ilang oras na lang ay magbabadya nang tumulo ang luhang kanina ko pang pinapigilan. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko at habang patagal nang patagal, pasakit nang pasakit.
Ganoon na ba talaga ako kakulit? O sadyang manhid lang siya para hindi makita ang intensyon ko?
“May sasabihin ka pa?” seryoso nitong tanong na nagpailing sa akin.
“S-sige. Una na’ko.” maluha-luha kong tugon bago umalis sa kaniyang harap. Para akong nanlalambot na ewan.
For the first time, naramdaman ko na kung paano masaktan.
_
Kawawa naman ang bebe ko, niaaway ni Sebastian! Ang harsh niya kay Ciel, nakakainis!!!
BINABASA MO ANG
LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]
RomanceCiel Phantomhive was raised in a well-known family. Despite the popularity of their family business, Ciel felt that he doesn't belong to that group. Hindi mo siya makausap. Tipid kung sumagot. Mahinhin. Walang kaibigan. In short, he's an introvert...