Chapter three: Ciel, the innocent

275 22 0
                                    


"Get out!"

Atsaka lang napagtanto ni Ciel na kanina pa pala siyang nakapatong sa lalaking ito. Kaagad siyang tumayo at nahihiyang i-offer ang kamay para tulungan din itong makatayo.

"Don't bother." Inis na pagkakasambit ng lalaki habang pinapagpagan ang bandang puwitan.

"Look, mister, I'm sorry kung natapilok ako---wait a-are you hurt?" May pag-aalalang sabi ni Ciel habang tinititigan ang kaanyuan nito.

"What?" Mababakas talaga ang inis at yamot ng lalaki base sa binibitawan nitong salita.

"Y-your ears...namumula siya." Turo ni Ciel sa tenga nito sabay yumuko.

Kaagad namang umiwas ng tingin ang lalaki at tila nahihiyang hinawakan ang kaliwang tenga nito.

"I-it must be painful. You know what? Dadalhin kita sa clinic. Baka mas lalong sumakit 'yang likod mo kapag hindi naagapan." Hahawakan na sana ni Ciel ang katawan nito para alalayan pero nabigla siya nang hawiin ito.

"I said I'm okay!" Sigaw nito na nagpagulat sa kaniya.

"I-i'm just concern--"

"I don't need your concern."

Napaangat ng tingin si Ciel dahil sa sinabi ng lalaki. Kahit gaano man siya nakokonsensiya sa nangyari, parang nagdulot lang ito ng pagkainis at pagkagalit ng lalaki sa kaniya. Aminado naman si Ciel na may pagkakamali siya pero hindi nito sukat akalain na nagbubuga pala ng apoy ang naagrabyado niya.

"And besides, I think ikaw dapat ang pumuntang clinic, para mabawas-bawasan ang kalampahan mo."

Akmang sasabat si Ciel nang putulin na naman ito ng lalaki.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo...nang hindi ka makaistorbo sa iba." Banggit nito bago iniwang nahihiyang nakayuko si Ciel sa hallway.

Sa isip-isip ni Ciel, paano niya magagawa ang ibinilin ng kaniyang mommy na makipagkaibigan sa iba kung ganoong klase ng tao ang sasalubong sa kaniya?

"Akala mo naman pinaglihi sa sama ng loob." Bulong niya sa sarili at naglakad na rin papuntang classroom.

Nakakailang hakbang pa lang ito nang matamaan siya ng bola sa ulunan. Mahina lang ang pagkakatama nito pero nakaramdam pa rin siya ng kaunting sakit.

Hinihilot niya ito pero nagitla siya nang may humawak sa balikat niya. Napatungo siya at hindi sinasadyang matamaan ng kaniyang ulo ang ilong ng lalaking nasa harapan niya.

Hindi na malaman ni Ciel ang gagawin dahil sunod-sunod na ang kamalasan na nangyayari sa kaniya, sa unang araw ng pagpasok pa talaga. Una, 'yung lalaking pinaglihi sa sama ng loob, ngayon naman ay ang matamaan ng bola at makasagi ng ilong.

"A-ayos ka lang ba?" Natataranta niyang tanong dito. Tumango naman ang lalaki na nagpaluwag ng hininga niya. Hindi na niya kayang may makaalitan pang isang tao sa unang araw niya.

Lumapit ang mga estudyante na naglalaro kanina ng bola at humingi ng paumanhin kay Ciel. Tipid itong ngumiti at sinabing ayos lang.

"Sa susunod, huwag na kayong maglalaro dito sa hallway, baka may matamaan na naman kayong estudyante." Banggit ng lalaki sabay hagis ng bola papunta sa kanila.

"Salamat, president!" Sabay-sabay nilang banggit bago pumasok sa classroom.

"President?" Takang tanong ni Ciel sa kaniyang sarili. Tiningnan niya ang postura ng lalaki sa kaniyang harapan at nabasa niya ang pangalan nito sa kaliwang banda ng uniporme.

"Krypton..." Banggit niya sa kaniyang isipan.

"Are you okay? Hindi ka ba nahihilo?" Napamulagat siya nang tanungin siya nito.

"A-ahh...oo, ayos lang ako. Sorry pala ulit sa ginawa ko kanina. Nagulat kasi ako 'nung hawakan mo 'ko sa balikat." Pagpapaumanhin nito na halos hindi na marinig dahil sa hina ng boses.

"Ayos lang 'yon. By the way, bago ka lang dito?"

"A-ahh oo. Bago ako rito." Tipid nitong sagot sabay inayos ang suot na salamin.

"Ako nga pala si Krypton Andrews. Nice to meet you Ciel."

Kinuha ni Krypton ang aking kamay at siya na mismo ang nakipag-shake hands sa akin.

"K-kilala mo 'ko?"

Sa halip na sagutin ang tanong, ngumuso si Krypton habang nakatingin sa maliit na clip na nakadikit sa uniporme ni Ciel.

Dahil muwang at inosente ang pag-iisip ni Ciel, iba ang naging dating ng pagnguso sa kaniya ni Krypton. Kaagad siyang pinamulahan at nahihiyang magtanong.

"G-gusto mo ng halik?"

Kaagad napatawa si Krypton at napahawak pa sa kaniyang tiyan.

"You're funny, Ciel. You made my day. I thought mage-gets mo 'yung gesture ko. It's nice to meet you but I have to go. See you later." Nakangiti nitong sabi bago iniwang puzzled ang isipan ni Ciel.

Makailang minuto ang nagdaan nang rumehistro sa isipan ni Ciel ang ginawa niya kanina. Tiningnan niya ang uniporme at doon nakalagay ang pangalan niya sa clip.

Mas lalo siyang pinamulahan dahil sa hiya.

NAKAKAHIYA KA, CIEL!

_

LT ka Ciel HAHAHAHAHAHAH😂

Don't forget to leave votes and comments! Thank you!

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon