Chapter five: False encounter

212 16 0
                                    

Ciel's POV

"Gusto mo bang sumali sa student council?"

Napalunok ang nang tatlong beses sa in-offer sa akin ni Sir Domingo.

Ako? Sasali sa student council?

Kung sa simple nga lang na pakikihalubilo sa iba ay hindi ko na magawa, ang pagiging student council pa kaya?

"A-ah sir, I really appreciate your offer but I guess...that job is not suitable for me." Napakagat ako sa aking labi nang sabihin iyon. May parte sa aking isipan na tanggapin ang alok pero iba talaga ang isinisigaw ng puso ko. Tila nabalutan na ito ng takot kaya natatabunan na ang aking isipan.

"Can't you try?" pagpupumilit sa akin ni Sir Domingo pero pagyuko lang ang nagawa ko.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga at masinsinang tumungin sa aking mata.

"Ciel, I was observing you kanina pa sa ating klase. Nakikita ko ang hesitations at doubt sa mga mata mo everytime you make a move or to speak. Hindi ako nagkamali na you're lack of communication and top of that, you're not good in socializing. I don't have any intentions na manghimasok sa private life mo but as your homeroom teacher, I can help you to overcome your fears. Alam ko na sa kaloob-looban mo, you want to try to be friends with others, am I right?" kita ko ang pagpupursige ni Sir Domingo para ma-persuade niya akong sumali rito. Hindi ko man aminin pero napapayag niya ako sa huli.

Huminga ako at tumango sa kaniya dahilan para sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Tipid din akong napangiti at sinundan siya sa pag-alis ng cafeteria. Habang naglalakad sa hallway ng main building, ipinapaliwanag niya sa akin ang mga miyembro ng student council. Binubuo ito ng 20 members pero tatlo lang daw  ang kailangan kong tandaan para may alam akong basic informations once na nakita ko na sila sa personal.

"The president of student council ay si Krypton Andrews. He was popular in this university dahil nasa kaniya na ang quality ng isang magaling na leader. Madali rin siyang pakisamahan kaya halos lahat ng mga estudyante rito ay malapit sa kaniya. Kapag nakita mo na personally si Krypton, I'm sure magugustuhan mo rin siya. But I think he's busy right at this moment. Katuwang kasi siya ng mga head council sa pagpapatakbo ng university kaya madalang mo lang siyang makikita sa head office."

"Kung katuwang po siya sa pagpapatakbo ng university, ibig sabihin napaka-tight ng schedule niya? Nakakapag-aral pa po ba siya nang maayos?" taka kong tanong. Kasi kung ako ang malalagay sa posisyon niya, baka maaga na akong namatay. I can do multi-task pero hindi aabot sa point na parang ikaw na rin ang namamalakad ng isang school.

"Of course, Ciel. In fact, he's in the number one spot sa ranking ng best performing student ng Lauren High. He is very bright and talented kid, indeed."

Kahit hindi ko pa siya nakikita, hanga na agad ako kay Krypton-

W-wait, Krypton Andrews ba kamo?

Siya ba 'yung...siya ba 'yung-

"O god!" hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw nang maalala ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Biglang nag-flashback sa akin ang lahat ng mga pangyayari at ang worst part pa nito ay mismong president ng student council ang nakasaksi nito.

"Hey Ciel, are you okay? Bakit ka sumigaw?"

"A-ah, wala po. Please continue po." Pag-iiba ko ng topic para hindi mahalata ang pagiging indenial ko.

"Okay. Anyways, ang next student na dapat monng makilala ay si Joseph Yap. He was scouted by Krypton, it means ang president mismo ang nagpasok sa kaniya sa organization. Tulad ni Krypton, madali ring pakisamahan si Joseph, he's also a funny type person, and kilala niya lahat ang students ng Lauren High. Malaking bagay iyon to sustain and easily determine the needs of every students kaya mabilis siyang naipasok sa student council." Tumango ako rito habang kinakabisa ang bawat impormasyong sinasabi sa akin.

"And lastly, ang vice president, si Sebastian Michaelis. He is a serious person at siya ang nagba-balance ng atmosphere sa student council. He was very dedicated to his work kaya minsan hindi siya nakakasabay sa trip nina Joseph. But don't worry, he's a kind person." Huling banggit ni sir bago buksan ang pinto ng head office.

Unang bumungad sa amin ang lalaking nag-aayos ng mga libro sa mini-shelves at sa tingin ko ay hindi niya kami napansin dahil may suot itong earphones.

"O tamang-tama, Sebastian!" Banggit ni Sir Domingo para mapukaw ang atensyon ng vice president, kung hindi ako nagkakamali.

Ilang saglit ay napatingin ito sa aming pwesto sabay tanggal ng kaniyang earphones.

Nais ko sana siyang batiin ng magandang umaga pero kaagad tumiklop ang aking dila sa nakita. Miski siya ay napaangat ang kilay at may pagtataka sa kaniyang mata.

Ayaw ko sanang magmura pero shit! Anong ginagawa ng lalaking pinaglihi sa sama ng loob dito?!

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon