“Ciel, Sebastian, saan ba kayo pumunta? Kanina pa namin kayo hinahanap!”Ito ang bungad sa amin ni Joseph nang makabalik kami sa activity area. Tapos na raw ‘yung dalawang activity at oras na ngayon para kumain. Halos ang lahat ay aligaga sa pagkuha ng kanilang plato at pagpila kung saan may nagse-serve na senior ng mga pagkain.
Napatingin naman ako kay Sebastian dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Alangan namang sabihin ko na nagchukchakan kami kanina kaya hindi kami nakasali sa activity, ganon?
“Ciel helped me to rearrange my clothes. Pinahiram ko na rin siya ng damit kasi maikli ‘yung suot niyang sando.” Sebastian stated na parang normal lang ang ginawa namin sa loob ng kanilang silid. Nagpatay-malisya na lang ako at sumakay sa little lies na sinasabi niya.
“Ay oo nga. Mabuti’t pinahiram mo si Ciel ng tshirt, Sebastian. Ang dami kayang lalaki ang napatingin sa hubog niyang katawan. Muntik ko na nga rin siyang pagkamalan na babae eh.” saad ni Joseph sabay taas-baba ang kilay na tumingin sa akin.
“What the fuck?” sinamaan ito ng tingin ni Sebastian at nag-aambang kuwelyuhan ito.
“Woah Sebastian, easy! Kapatid ang turing ko kay Ciel. Kung makaasta ka, parang may namamagitan sa inyo.” pabirong sabi ni Joseph sabay iling sa kawalan.
“Paano kung sabihin kong mayroon ngang namamagitan sa’min?” walang pag-aalinlangang banat ni Sebastian na nagpasinghap sa akin, maging si Joseph.
“A-ano?”
Ngumisi lang si Sebastian sabay hablot ng aking kamay. “Let’s eat something. I know you’re hungry.”
Iniwan naming nakabuka ang bibig ni Joseph pero binulungan ko ito na ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat mamaya.
Napili naming kumain sa may tabing dagat dahil kumpulan na sa open area. Magdadapit hapon na naman kaya hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw. Sinamaan ko ng tingin si Sebastian pagkaupo namin sa malaking bato.
“Why are you looking at me like that?”
“Why? Because of what you’ve said to Joseph a while ago! Talagang binubulgar mo ‘yung ginawa natin kanina? Ano na lang ang sasabihin ko? Nakakainis ka!”
Sa halip na makakuha ng matinong sagot ay tumawa lang siya nang malakas. Mas lalong kumunot ang aking noo at binigyan siya ng isang suntok sa dibdib.
“You don’t need to worry about that, Ciel. Joseph knows everything.”
“Knows what? Na may gusto ka sa akin from the very beginning?” panghahamon ko sa kanya ng tanong.
“Yup. He already knows that. Kaya kung ako sa’yo, kainin mo na ‘yang pagkain mo para tumaba ka naman.” hinati-hati niya ang hotdog sa aking plato bago ipinakain sa akin. Pinunasan pa niya ang ketchup sa gilid ng aking labi at sinupsop ito pagkatapos.
Muli na namang nangamatis ang aking pisnge dahil sa init na nararamdaman. Napasamid ako sa nginunguya kong pagkain at tinapik-tapik ang dibdib para makahinga nang maayos.
“Shit, wait. I’ll get you a water. Wait for me.” paalam ni Sebastian at mabilis na tumakbo para kumuha ng maiinom. Naiwan akong mag-isa habang hinihintay siyang bumalik. Kung hindi niya lang ginawa ‘yon kanina, edi sana hindi ako nasamid!
Talagang nakakapanibago na kung paano ako itrato ni Sebastian simula nang magtapat siya akin. Hindi man sanay pero may kiliti akong nararamdaman sa aking puso. Nabanggit niya rin na kaya lang niya ginawa ang pagsusungit sa akin ay para makuha ang aking atensyon na siyang nangyari naman talaga.
“There’s something going on between you and Sebastian, aren’t you?”
Nagitla ako nang biglang may sumulpot na lalaki sa aking tabihan. Ito ‘yung kaninang niyaya ako na sumali sa kanilang grupo na tinutulan ni Sebastian.
“What did you say?”
“Playing dumb?” ngisi niyang tanong sabay lapit sa aking tabihan at ako’y binulungan.
“Alam ko kung ano ang ginawa niyo kanina.”
Nanlaki ang aking mata at bumalot ang kaba at takot sa aking katawan.
Ibig sabihin…nakita niya kaming naghahalikan?
“Anong kailangan mo sa’kin? Why are you doing this?”
Inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking beywang at paulit-ulit itong hinimas. Nangingilid na aking mga luha pero hindi ko magawang humingi ng saklolo.
“You know what I want. Alam kong alam mo na ang gusto ko.”
“No. I will never do that. Bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas ako sa pagkakakapit niya subalit sadyang malakas ang kanyang pwersa kaya walang nagawa ang aking pagkalas.
Ilang saglit lang ay nakita ko na itong nakasubsob sa buhanginan at sunod-sunod na sinuntok ni Sebastian sa mukha. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi ko namalayan na may mga estudyante nang nakikinood sa nagaganap. Unang pumagitna si Krypton at inawat ang dalawa sa pagsusuntukan.
“You fucking bastard! Stay away from Ciel!” galit na turan ni Sebastian habang nagpupumiglas sa dalawang miyembro ng student council na nakahawak sa kanya.
Ngumisi lang ang lalaki at pinunasan ang tumulong dugo sa kanyang ilong.
“Everyone, listen!” sigaw nito bago muling nagsalita.
“Sebastian and Ciel are gay! Yes, you heard it right! Nahuli ko sila kaninang naghahalikan sa room ‘nung sinundan ko sila. The worst thing is, they are part in the student council. Sila ba ang magiging role model ng Lauren High? Pweh! Nakakasuka!”
Parang nag-mute ang aking paligid at tanging pagtibok lang ng puso ang aking naririnig. Nangangatal ang aking mga kamay habang nanlalambot ang aking mga tuhod.
After that guy revealed what we do to everyone, I heard the gasps and gossips coming from other students. Kaagad din kaming pinatawag ng head council nang madatnan kami sa ganoong posisyon. I saw the disappointment to their eyes while Sir Domingo just give me a small smile.
Ito na nga ang kinakatakot ko. I’m ruined as well as Sebastian.
BINABASA MO ANG
LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]
RomanceCiel Phantomhive was raised in a well-known family. Despite the popularity of their family business, Ciel felt that he doesn't belong to that group. Hindi mo siya makausap. Tipid kung sumagot. Mahinhin. Walang kaibigan. In short, he's an introvert...